Ang Evangelio Ng Mga Paghuhukom Ni Cristo, Unang Bahagi: Ang Mga Pinangalanang Paghuhukom

Ang imahen ni San Pedrong nakatayo sa perlas na pintuan habang sinusubok ang mga tao kung sila ba ay karapat-dapat pumasok sa langit ay ikoniko sa kulturang Kanluranin. Sa loob ng maraming taon, ito ay ipinasa sa pamamagitan ng mga biro, mga palabas sa telebisyon, at kahit sa mga cartoons gaya ng The Far Side.





