Ang Pagbabanal Ba Ay Sa Pamamagitan Ng Pananampalataya Lamang, Hiwalay Sa Mga Gawa?

Kamakailan may nabasa akong artikulo ng isang nagpapakilalang nanghahawak sa posisyong Free Grace. Iminungkahi niya na ang pagpapahayag ng katuwiran (justification) at ang pagbabanal (sanctification) ay parehong sa pamamagitan ng pananampalataya, hiwalay sa mga gawa. Totoo ba ito? Bagama’t ang pagpapahayag ng katuwiran ay sa pamamagitan ng pananampalataya hiwalay sa mga gawa, ang pagbabanal ba









