Ang salitang kasamang tagapagmana (sugkleronomos) ay ginamit lamang ng apat na beses sa Bagong Tipan: Rom 8:17; Ef 3:6; Heb 11:9; 1 Ped 3:7. Bagama’t isang karaniwang paksa ng Bagong Tipan na ang mga mananampalataya ay dapat na magsikap maging kasamang tagapagmana ni Kristo sa buhay na darating, madalas iba’t ibang salitang Griyego ang ginagamit upang ipahayag ang kaisipang iyan (metochos = kasamahan/kabahagi sa Heb 1:9; 3:14; sumbasileo = magharing kasama sa 2 Tim 2:12; exousia = kapamahalaan sa Lukas 19:17; Pah 2:26). Tanging sa Rom 8:17 ginamit ang salitang ito bilang kasamanag tagapagmana ni Kristo (bagama’t sa 1 Ped 3:7 ito ay nahihiwatig).
Kapag ang asawang lalaki at asawang babae ay parehong tapat na mananampalataya, sila ay magiging kasamang tagapagmana sa buhay na darating (1 Pd 3:17). Sa madaling salita, sila ay parehong kabahagi sa paghahari ni Kristo.
Si Hesus ang tagapagmana at maaari tayong makibahagi sa Kaniyang mana. Heirship (at ito ay hindi dapat ipagkamali sa airship) ay nangangailangan ng pagtitiis at pananagumpay. Ito ay mauunawaan sa Rom 8:17 at 1 Ped 3:7. Ito ay malinaw na nasaad sa 2 Tim 2:12; Heb 3:14 at Pah 2:26.
Ang maging bahagi ng pamilya ay hindi garantiya na ang isang tao ay tatanggap ng mana. Mayroon akong kamag-anak na inalisan ng mana. Ngunit siya ay patuloy na tinatanggap nang buo at bukas-palad sa lahat ng pagtitipong pamilya.
Ang lahat ng mananampalataya ay anak ng Diyos (Juan 1:12-13). Ngunit upang magkaroon ng bahagi sa paghahari ni Kristo, kailangang nating magtiis. Kailangang nating mamuhay nang matagumpay (nananagumpay) sa ating Kristiyanong pamumuhay. Kailangan nating ipahayag si Kristo sa pamamagitan ng ating pakikibahagi sa simbahan at sa ating mga pananalita hanggang tayo ay Kaniyang iuwi (Mat 10:32-33; 2 Tim 2:12).
Kailangan mong matiyak na ikaw ay may buhay na walang hanggan at hindi mo ito maiwawala. Iyan ang pangako ng Panginoong Jesus sa lahat ng sumampalataya sa Kaniya (Juan 3:!6; 5:24; 6:35; 11:26). Ngunit hindi mo matitiyak na ikaw ay maghaharing kasama ni Kristo sapagkat hindi mo matitiyak kung ikaw ay magtitiis sa pananampalataya. Gaya ng sinabi sa akin ng isang Calvinistang pastor at propesor sa seminaryo, “Kung si Pablo ay hindi nakatitiyak na siya ay magtitiis (1 Cor 9:27), hindi rin tayo makatitiyak na tayo ay makatitiis.”
Salamat sa Diyos sapagkat ang ating walang hanggang kalagayan ay hindi nakasalalay sa ating pagtitiyaga. Sa halip ito ay nakasalalay sa Kaniyang pagtitiyaga. Kailangan Niyang maging tapat sa Kaniyang pangako ng buhay na walang hanggan upang tayong mga mananampalataya ay manatiling segurado. Ngunit hindi Siya maaaring magsinungaling. Ang Kaniyang mga pangako ay tiyak. Dapat tayong magalak araw-araw dahil dito.
Nang una akong dumating sa Victor Street Bible Chapel noong 1992, akala ko pipiliin ng Panginoong Jesus sa Bema bilang mga kasamang mamumuno ang mga Kristiyanong ang pamumuhay ay may tanda ng katapatan. Kaya kung ang isang tao ay naglingkod kay Kristo nang tapat nang 49 na taon at sa huling taon ng kaniyang buhay ay nahulog sa paglilingkod, siya ay 98% na tapat, at mapipiling maghari sapagkat sa aking palagay ang 98% na katapatan ay isang pagtitiis. Natutunan ko kay Zane Hodges na ang mananampalataya ay dapat maging tapat hanggang kamatayan o Rapture. Ang pagtatapos nang mainam ay kailangan upang maging kasamang tagapagmana ni Kristo (cf Mat 24:45-51).
Nais kong marinig Siyang magsabi, “Magaling, tapat at mabuting tagapaglingkod” (Lukas 19:17). Hindi ba’t iyan ay napakaganda! Mamuhay nawa tayo sa liwanag ng katotohanan na Siya ay maaaring dumating anumang sandali at tayo ay Kaniyang bigyan ng pagsang-ayon kung masumpungan Niya tayong tapat na naglilingkod sa Kaniya!