Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • Fall 2023 Classes
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Paano Ba Natin Natatanggap Ang Mga Pangako Ng Diyos?

Paano Ba Natin Natatanggap Ang Mga Pangako Ng Diyos?

October 10, 2023 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Si Mark ay may napakagandang tanong:

Mayroon akong tanong tungkol sa pangunahing pahayag na tayo ay “manampalataya kay Jesus (Ang Tagapagbigay) para sa pangako ng buhay na walang hanggan (ang Regalo).” Kailangan ba nating manampalataya sa bawat pangako ng Diyos upang matamo ang mga ito, o ito ba ay para lamang sa pangako ng buhay na walang hanggan?

Sa tingin ninyo ilang pangako mayroon sa Biblia? Ang hula ko ay marahil libo-libo. Pagnilayang ang mga propesiya ay mga pangako rin.

Isang lalaking nagngangalang Everett R. Storms ang gumugol ng isang tao’t may kalahati upang bilangin ang lahat ng mga pangako at ang kaniyang bilang ay 8, 810 ayon sa sumusunod: mga pangako ng Diyos sa atin, 7, 487; pangako ng isang tao sa kaniyang kapwa, 991; pangako ng mga tao sa Diyos, 290; at iba pang mga kombinasyon. Tingnan ito para sa artikulo tungkol sa kaniyang pag-aaral. Ang artikulo ay nagsasabing, ang tantiya sa bilang ng mga pangako sa Biblia ay “nasa pagitan ng 3, 000 hanggang 30, 000, na tila napakataas dahil mayroon lamang 31, 173 na sitas ang Biblia.”i

Iminumungkahi kong ang mga pangako ng Diyos ay minsan kundisyunal at kung minsan ay hindi kundisyunal.

Ang mga halimbawa ng mga hindi kundisyunal na pangako ng Diyos ay ang lahat ng propesiya tungkol sa una at ikalawang pagbabalik ni Jesus. Ang pangako ng bahaghari- na ang Diyos ay mag-iingat sa mundo- ay hindi kundisyunal. Amg pangakong lilipas ang langit at lupa ay hindi kundisyunal. Sa tantia ko nasa isang katlo o higit pa sa mga pangako ng Diyos ang hindi kundisyunal.

Ang mga kundisyunal na pangako ay may malawak na aplikasyon.

Ang tanging kundisyunal na pangako na mapanghahawakan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ay ang pangako ng buhay na walang hanggan. Subalit, mayroong dalawang pangakong pinag-uusapan. Una ay ang pangakong sa sandaling tayo ay manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan, tayo ay may kasiguruhan magpakailan man. Ang isa pa ay hangga’t tayo ay patuloy na sumasampalataya sa Kaniyang pangako ng buhay na walang hanggan, tayo ay mananatiling tiyak ng ating walang hanggang kapalaran.

Narito ang iba’t ibang pangako at ang kanilang karampatang mga kundisyon:

Pangako

Kundisyon

Paghaharing kasama ni Cristo

Magtiis sa pagpapahayag kay Cristo (2 Tim 2:12)

Natatagong manna

Magtiis sa pagpapahayag kay Cristo

Karapatan sa Puno ng Buhay

Magtiis sa pagpapahayag kay Cristo

Espesiyal na Putting Bato

Magtiis sa pagpapahayag kay Cristo

Pagpupuri mula kay Cristo

Magtiis sa pagpapahayag kay Cristo

Kayamanan sa langit

Ipaunang padala sa langit (Mat 6:19-21)

Pinakikinggang panalangin

Tratuhin nang maayos ang asawa

Pagkain

Magtrabaho gamit ang mga kamay

Bunga ng Espiritu

Lumakad kasama ang Espiritu (Gal 5:22-24)

Kapatawaran ng mga kasalanan

Lumakad sa liwanag at ipahayag ang mga kasalanan

Mahabang buhay

Igalang at sundin ang mga magulang (Ef 6:1-3)

Dobleng paggalang

Mamunong husay bilang isang matanda sa simbahan

Biyaya mula sa Diyos

Maging mapagkumbaba (San 4:6)

Pagbabago ng buhay

Hayaan ang isipang baguhin ng Salita ng Diyos

Kahihiyan sa Bema

Kabiguang makatiis sa pananahan kay Cristo (1 Juan 2:28)

Pagsaway ni Cristo

Tumigil na maghintay sa malapit na pagbabalik ni Cristo

Marami pang mga pangako at mga kundisyon. Hinihikayat ko kayong gumawa ng inyong sariling lista at ibahagi ito sa inyong Sunday school at pag-aaral ng Biblia. Maliban sa ilang halimbawa, hindi ko sinulat kung saan makikita ang mga pangako at mga kundisyong ito. Hinihikayat ko kayong hanapin ang mga ito para sa inyong mga sarili.

Ang mga kundisyunal na pangako ng Diyos ay madalas matamo sa pamamagitan ng pagsunod sa sinasabi ng Diyos na dapat gawin upang matamo ang mga pangakong ito. Ang pagsunod sa Diyos ay nakabubuti para sa atin. Ang pagsuway ay masama para sa atin. Ang Diyos ay nangangako ng pagpapala sa pagsunod at ng mga sumpa sa pagsuway (cf Levitico 26; Deuteronomio 28).ii

_________

i Hindi ba’t lahat ng inulat ng Diyos bilang kasaysayan ay isa ring hindi diretsong pangako ng Diyos na ang mga ito ay talagang nangyari? Sinasabi kong ang kasaysayan at propesiya ay sa pinakadiwa ay mga pangako ng Diyos. Samakatuwid maaaring may maraming pangako sa iisang sitas. Halimbawa, ang Gen 1:1 ay nangangakong 1) ang langit at lupa ay nilalang; 2) na ang Diyos ang siyang Lumalang; at 3) na ang panahon ng paglalang ay “sa pasimula.” Sa tingin ko hindi binibilang ni Storms ang kasaysayan at ang mga propesiya bilang mga pangako. Kaya ang mga pangako sa Biblia ay maaaring lumagpas sa 8, 810.

ii Samantalang ang mga kabanatang ito ay para sa Israel, sila ay lumalapat sa mga mananampalataya at sa mga bansa ngayon. Ang motif ng pagpapala at sumpa ay masusumpungan din sa BT.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Cart

Recently Added

December 6, 2023

Romans-Part 49–Rom 12:17-21–Forgiveness

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Kathryn Wright and Ken Yates are in Romans 12, talking about forgiveness. Why is forgiveness hard to do?...
December 6, 2023

The Rejection of Christ by the Sadducees 

The Sadducees were the most politically powerful group of men in first-century Israel. They would have been the wealthiest as well. The high priest of...
December 5, 2023

How to Interpret 1 John: Fresh Insights & Observations to Consider

How to Interpret 1 John: Fresh Insights & Observations to Consider. By Dennis M. Rokser. Duluth, MN: Grace Gospel Press, 2015. 96 pp. Paper, $9.95....

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Google Podcasts

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • What Is the Outer Darkness? $14.00 $10.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Paperback) $6.95 $3.00
  • Faith in His Name: Listening to the Gospel of John $10.00 $6.00
  • Chosen to Serve: Why Divine Election Is to Service, Not to Eternal Life $18.00 $12.00
  • The Ten Most Misunderstood Words in the Bible $15.00 $10.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram