Narinig kong may lumalaking bilang ng mga Protestanteng nagiging Katoliko. Maraming paliwanag ang iminungkahi upang ipaliwanag ang penomenong ito. Isa sa mga ito ay ang debosyon, o panksiyonal na pagsamba, kay Maria. Sa iba’t ibang dahilan, maraming tao ang nakahahanap ng malaking hindi biblikal na ginhawa kay Maria. Habang itinatanggi ng mga Katolikong sinasamba nila si Maria, inaamin nilang karapat-dapat siya sa espesyal na paggalang. Bahagi ng paggalang na ito ay nagmumula sa kanilang paniniwalang si Maria ay ipinanganak na walang kasalanan (ang “Imakulada Konsepsiyon”), at nanatili siyang walang kasalanan.
Isa sa kanilang mga argumento para sa pananaw na ito ay nagmula sa Lucas 1:28, kung saan nagpakita si Gabriel kay Maria at tinawag siyang “mapalad.” Ang terminong ito ay ang perpektong pasibong partisipol ng isang pandiwa (“magbigay ng biyaya”). Ang argumentong gramatikal na ginawa ng mga Katoliko ay ang perpektong aspekto ay nagpapahiwatig ng isang natapos na aksyon na may nagpapatuloy na mga resulta. Sa madaling salita, kung si Maria ay pinagkalooban ng biyaya, ang biyayang iyon ay itinuturing na isang permanenteng estado. Nagpapatuloy ito.
Siyempre, ang isang tao ay maaaring paboran sa iba’t ibang dahilan. Maaaring maranasan nila ang biyaya ng Diyos sa iba’t ibang paraan. Ngunit ang mga Katoliko ay binibigyang-kahulugan ang biyayang ito bilang kawalan ng kasalanan. Naranasan ko ang biyaya ng Diyos sa buong buhay ko, pero maniwala ka, hindi ako walang kasalanan.
Dahil sa anyo ng pandiwang pangngalan, pinagtatalunan din ng mga Katolikong hindi lamang walang kasalanan si Maria noong panahon ng kapanganakan ng Panginoon, kundi nanatili rin siyang walang kasalanan sa buong buhay niya. Ang perpektong aspekto ay nagpapahiwatig ng isang aksyon na nagpapatuloy.
Gayunpaman, hindi kailanman sinasabi ng sitas na si Maria ay walang kasalanan, ni wala ring ibang talata sa Kasulatang nagsasabing ganoon. Hindi siya ganuon (cf. Rom 3:23). Sa madaling salita, ang interpretasyong ito ay hindi nagmula sa eksposisyon ng talata mismo, kundi mula sa isang imperensiyang bahagyang hinango mula sa gramatika. Ang gramatika ay may dalang napakalaking teolohikal na bigat. Sa katunayan, ang buong doktrina ng Imakulada Konsepsiyon ay nakaugat sa argumentong gramatikal na ito. Iyan ay napakalaking bigat na dalahin para sa isang pandiwa at ang kaniyang anyo!
Madalas tingnan ng mga Protestante ang argumentong ito at tama silang hindi sumasang-ayon, na binibigyang-diing pinipilit ng mga Katoliko ang teolohiya sa gramatika. Gayunpaman, may mga ginawa ring katulad ang mga Protestante.
Halimbawa, ang mga naniniwala sa pananaw ng Calvinismo ay madalas na umaasa sa mga Greek participles at tense forms upang ipagtanggol na ang “tunay” o “totoong” pananampalatayang nagliligtas ay dapat magpatuloy. Isang karaniwang halimbawa ay Juan 3:16, kung saan lumalabas ang pariralang “ang sumasampalataya” (ho pisteuōn). Ang argumento ay karaniwang pinahahayag sa mga sumusunod na hakbang:
- Ang kasalukuyang pandiwang pangkasalukuyan ay nagpapahiwatig ng patuloy na aksyon,
- Ang pananampalataya ay hindi isang beses na gawain, kundi isang patuloy na kalagayan,
- Kung ang pananampalataya ay huminto, pinatutunayan nitong ang nagligligtas na pananampalataya ay hindi kailanman tunay na umiral.
Tulad ng argumento ng Katoliko tungkol kay Maria, ang konklusyong ito ay hindi hinango mula sa mismong teksto, kundi mula sa isang interpretasyon ng gramatika. Ang Kasulatan ay hindi kailanman nagsasaad na ang buhay na walang hanggan ay natatamo lamang kung ang pananampalataya ay nagpapatuloy nang walang patid sa buong buhay ng isang tao. Ang konklusyong iyon ay ipinapalagay, hindi tahasang sinasabi. Sa katotohanan, ang kasalukuyang panahon ay nagpapahiwatig ng isang patuloy na kalagayan lamang kapag kinakailangan ng konteksto.
Mas mahalaga, ito ay salungat sa sariling ilustrasyon ni Jesus sa Juan 4, kung saan sinabi Niya sa Samaritanang ang isang lagok – hindi tuloy-tuloy na pag-inom – ay sapat upang makamit ang buhay (Juan 4:10, 14). Ang buong punto Niya ay ang tubig na Kaniyang ibinibigay ay hindi katulad ng pisikal na tubig, na nangangailangan ng patuloy na pag-inom. Ang buhay na walang hanggan ay natatanggap nang isang beses, hindi paulit-ulit, at hindi rin ito pinapanatili sa pamamagitan ng patuloy na pananampalataya.
Ang mga argumentong gramatikal ay maaaring umakit sa ilang tao. Maaari silang maging kapaki-pakinabang. Ngunit kung salungat sila sa itinuturo ng Bibliya at tinatanggihan ang biyaya ng Diyos, ang taong gumagamit ng ganitong mga argumento ay naglalagay ng higit na bigat sa gramatika kaysa sa kaya nitong dalhin.
Ang isang eksperto o ang isang aklat ng isang kilalang iskolar ay maaaring magbigay ng pakiramdam ng awtoridad at kaalaman. Maaaring magdulot ito sa ilang iwanan ang Protestantismo at lumipat sa Katolisismo. Tanging sa ganitong paraan lamang nila maibibigay kay Maria ang nararapat sa kaniya. Maaaring humantong ito sa ibang yakapin ang isang teolohiyang tinatanggihan ang biyaya ng Diyos at nagtuturong upang makapasok sa kaharian ng Diyos, ang isang tao ay dapat patuloy na manampalataya at gumawa ng mabuting gawa hanggang sa mamatay sila. Ang teolohiyang ito ay nagpapahirap na magkaroon ng katiyakan.
Parehong nakakalungkot ang mga kinalabasan.







