Nagsasalita Ba Si Pablo Tungkol Sa Sanktipikasyon Nang Sumulat Siya Tungkol Sa Kaligtasan Sa 1 Corinto?

April 28, 2026 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Gumamit si Pablo ng salitang iligtas (sōzō) ng siyam na beses sa 1 Corinto (1:18, 21; 3:15; 5:5; 7:16 makalawang beses; 9:22; 10:33; 15:2). Hindi niya ginagamit ang pangngalang kaligtasan (sōtēria) sa epistula.

Hindi nagkakasundo ang mga komentador kung ano ang ibig sabihin ng iligtas sa 3:15; 5:5; at 15:2. Naniniwala akong, kasama ng ilang mga komentador, sa tatlong talatang iyon ay tinuturo ni Pablo ang pagiging espiritwal na malusog sa Bema, ang Hukuman ni Cristo.

1 Corinto 3:15. Maraming nag-iisip na sinasabi ni Pablong kahit gaano karaming gawa ng isang mananampalataya ang masunog, siya ay maliligtas mula sa walang hanggang kundenasyon kapag hinatulan ang kaniyang mga gawa. (Siyempre, marami ang magsasabing ito ay totoo lamang para sa mga tunay na mananampalataya. Marami ang magsasabing kung masyadong maraming gawa ang nasunog, ito ay patunay na ang tao ay hindi tunay na ipinanganak na muli sa simula pa lamang.) May malalaking problema sa pananaw na ito. Una, ang mga mananampalataya ay naligtas na mula sa walang hanggang kundenasyon, gaya ng malinaw na ipinapahayag ni Pablo sa Gawa 16:31; Gal 2:16; Ef 2:5, 8-9; at 1 Tim 1:16. Pangalawa, ang kaligtasan mula sa walang hanggang kundenasyon ay hiwalay sa mga gawa (Ef 2:9). Pangatlo, ang konteksto ng 1 Cor 3:5-15 ay ang Bema. Walang sinuman ang magkakaroon ng buhay na walang hanggan doon. Ang isyu ay ang mga gantimpala para sa mga nagawa.

Ang salitang sōzō ay madalas gamitin sa BT upang tumukoy sa pagiging malusog (hal., Mat 9:22; Marcos 10:52; Lukas 18:42).

Ang sinasabi ni Pablo ay ang mga marurunong na tagapagtayo tulad niya at ni Apolos ay magiging espirituwal na malusog sa Bema, kahit gaano karaming mga gawa nila ang masunog dahil kulang ito ng eternal na halaga (halimbawa, ang pangangaso, pangingisda, paglalaro ng golf, at panonood ng mga isport ay lahat kahoy at dayami dahil kulang ito ng eternal na halaga).

Sa The Grace New Testament Commentary, isinulat ni Dwight Hunt:

Si Pablo at Apolos, ang mga halimbawang isinasaalang-alang (v 5, 6, 9, 10), ay parehong mga espirituwal na lalaking, kung magpapatuloy sa parehong landas, ay masusumpungang malusog sa Bēma, bagaman tiyak na pareho silang magkakaroon ng ilang mga gawang hindi makakapasa sa pagsubok ng eternal na halaga (p. 721).

1 Corinto 5:5. Ang sitas na ito ay nakalilito sa marami, dahil ang isyu ay pagdisiplina ng simbahan sa mga mananampalataya. Ipinagkaloob ni Pablo ang isang mananampalataya kay Satanas para sa pagkawasak ng kaniyang laman upang ang kanyang espiritu ay maligtas sa araw ng Panginoong Hesus. Maraming mga komentador ang nag-iisip na sinasabi ni Pablong kung hindi makatitiis ang isa, hindi niya makakamit ang tinatawag nilang pinal na kaligtasan. Ang pag-unawang ito ay imposible kung isasaalang-alang ang maraming pahayag ni Pablo tungkol sa pananampalataya lamang (hal., Rom 4:4; Gal 2:16; Ef 2:8-9).

Tulad ng sa 1 Cor 3:15, ang isyu ay ang pagiging espirituwal na malusog sa Bema. Dapat tandaang ang “araw ng Panginoong Jesus” ay nagkukumpirma sa interpretasyong ito dahil sa BT ang pariralang iyan ay tumutukoy partikular sa Bema. Tingnan ang artikulong ito insert html here para sa karagdagang mga detalye.

1 Corinto 15:2. Maraming komentador ang nag-interpreta sa salitang iligtas sa sitas na ito bilang pantukoy sa kaligtasan mula sa walang hanggang kaparusahan dahil ginamit ni Pablo ang salitang evangelio sa v1, at tinukoy niya ang kamatayan, pagkalibing, muling pagkabuhay, at mga paglitaw pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus sa mga v3-11. Gayunpaman, ang pananaw na iyon ay imposible sa dalawang dahilan. Una, gumamit si Pablo ng present passive ng sōzō dito—na ang ibig sabihin ay naliligtas—sa halip na isang perfect tense, na nangangahulugang naligtas, tulad sa Ef 2:8. Pangalawa, sinasabi ni Pablong ang kaligtasang ito ay maaaring mawala kung hindi mahahawakan ng mahigpit ang salitang ipinangaral ni Pablo.

Ipinapahayag ni Fee ang isang popyular na pagkaunawa:

…ang kanilang mismong pag-iral bilang mga mananampalataya ay nakataya sa usaping ito. Iyon ay, anumang paglihis mula sa evangeliong ito na “nagligtas sa kanila” at “kanilang pinanatilihan” ay naglalagay sa kanila sa panganib ng “pananampalatayang walang kabuluhan (1 Corinthians, p. 718).

Ganoon din si Fitzmyer:

…nasa proseso ka na ng kaligtasan, na hindi pa tapos; alalahanin ang 1:18, 21. Ang evangelio ay hindi lamang isang bagay na ipinahayag sa nakaraan, kundi mayroon din itong kasalukuyang kahalagahan sa soteriolohiya. Ang ikatlong relatibong sugnay ay tumitingin sa hinaharap, nang iugnay ni Pablo ang evangelio sa “kaligtasan,” na isang epekto ng kaganapan ni Cristong magkakaroon pa ng ganap na implementasyon (1 Corinthians, pp. 544-45).

Ipinapahayag ni Pratt ang isang tradisyunal na pananaw ng Calvinismo:

Gayunpaman, nagdagdag si Pablo ng isang mahalagang kwalipikasyon. Sila ay naligtas, kung mahigpit nilang hahawakan ang salita. Tulad ng kaniyang ipinahiwatig sa buong epistulang ito, naniwala si Pablong ang pananampalatayang nagliligtas ay magiging kakaiba sa insenseridad sa paglipas ng panahon. Ang mga tunay na mananampalataya ay nagpapatuloy sa kanilang mga komitment kay Cristo. Hindi ibig sabihin ni Pablong ang mga tunay na ipinanganak nang muli ay maaaring mawalan ng kanilang kaligtasan, o na ang mga tunay na ipinanganak nang muli ay walang kasalanan at pagkukulang. Naiintindihan niyang gaya ng itinuturo ng buong Biblia, ang pananampalatayang nagliligtas ay nagpapatunay ng sarili nito sa isang buhay (1-2 Corinthians, p. 258).

Gayunpaman, si Lowery ay tamang nakikita ito bilang isang isyu ng sanktipikasyon:

Tulad ng ang dating mensahe ay isang mahalagang elemento sa karanasan ng mga taga-Corinto ng patuloy na kaligtasan (ang pangkasalukuyang aspeto ng pandiwang naligtas ay nakapokus sa sanktipikasyon), gayundin ang huli. Ang itakwil ang pagkabuhay maguli ng katawan ay kumakatay sa laman ng “ebanghelyo” at ginawang walang kabuluhan ang pananampalataya (eikē, “walang dahilan” o “walang tagumpay”; cf. vv. 14, 17) dahil ito ay may hindi karapat-dapat na layon (cf. 15:13, 17). Ang pananampalataya sa evangelio ay kinabibilangan ng matibay na pananampalataya sa pagkabuhay na maguli ni Cristo. Maliban kung mahigpit na manghawak ang isa, ang kaniyang pananampalataya ay “walang kabuluhan”; cf. Mat. 13:18–22) (BKC, p. 542).

Gayundin, isinulat ni Hunt:

Binibigyang-diin ng pahayag na ito ang katotohanang ang evangelio ay hindi lamang tungkol sa pag-aaring matuwid, na nagdadala ng buhay na walang hanggan; kasama rin dito ang araw-araw na sanktipikasyon (naliligtas) kung ang mga mananampalataya ay mananatili (o mananahan) sa salita (cf. Juan 8:31–32; Roma 1:15; 10:9; 1 Cor 15:2; Gal 2:20; Ef 2:10; San 1:21). Ang prosesong ito ng pang-araw-araw na santikipikasyon ay may kaugnayan sa kalidad ng buhay na gugugulin ng Cristiano sa eternidad (3:9–15; Lukas 19:11–27; Roma 8:16–17; 2 Ped 1:10–11) (GNTC, p. 758).

Ginamit ni Pablo ang sōzō sa 1 Corinto 3:15, 5:5, at 15:2 bilang pantukoy sa pagiging espiritwal na malusog sa Bema. Naniniwala akong ginagawa rin niya ito sa 1 Cor 1:18, 21, ngunit lampas na ito sa saklaw ng blog na ito. Hinihimok ko kayong pag-aralan ang salitang iligtas sa 1 Corinto at bumuo ng sarili ninyong konklusyon.

Manatiling nakapokus sa biyaya at mananatili kang espirituwal na malusog.

Share:

If you wish to ask a question about a given blog, email us your question at ges@faithalone.org.

RECENTLY ADDED

The Good and Faithful Hobbit 

In J.R.R. Tolkien’s The Lord of the Rings, the fate of the world rests on a ring. Forged by the Dark Lord Sauron, the Ring of Power corrupts all...

What Does Resurrection Mean in Philippians 3:10-14?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Bob Wilkin and Sam Marr are answering a question from Philippians 3:10-14. Did Paul view the resurrection as...

Jesus’ Never Promises in John’s Gospel Part 4: Whoever Believes in Jesus Will Never Perish

And I give them eternal life, and they shall never perish; neither shall anyone snatch them out of My hand (John 10:28).   The Lord Jesus makes five different never...

GRACE IN FOCUS RADIO

GRACE IN FOCUS MAGAZINE

Grace in Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

The primary source of Grace Evangelical Society’s funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.