May Nailigtas Ka Bang Naliligaw Na Makasalanan Kamakailan? Santiago 5:19-20

May 12, 2026 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Mga kapatid ko, kung ang sinoman sa inyo ay nalilihis sa katotohanan, at siya’y papagbaliking loob ng sinoman; Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan, mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang kasalanan.

Si Jesus ay nagliligtas sa mga nananampalataya sa Kaniya. Iyan ay isang batayang prinsipyo sa Bibliya. Iyan ang sinabi Niya sa Juan 3:16 at maraming iba pang talata sa Evangelio ni Juan. Ngunit sinabi ni Santiagong “ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan, mula sa kamalian ng lakad niya ay [tayo ay] magliligtas ng isang [kaniyang] kaluluwa sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang kasalanan.” Kabaligtaran ito. Ngayon tayo ang nagliligtas at ang mga taong naililigtas natin ay yaong mga tumatalikod sa kanilang makasalanang landas, hindi yaong mga nananampalataya kay Jesus. 

Isang paraan ng pagkaunawa ng mga sitas na ito ay sinasabi ni Santiagong ang pagsisisi ay isang kundisyon upang makaligtas sa walang hanggang kaparusahan. Halimbawa, sabi ni Davids,

Tinatapos ngayon ni Santiago ang layunin ng kanyang gawa. Hindi niya tinalakay ang mga kasalanan upang magmoral o maghatol lamang. Tinatalakay niya ang kasalanan upang ipakita sa mga nagkakamaling miyembro ng komunidad ang mga resulta ng kanilang pag-uugali at upang dalhin sila sa pagsisisi. Umaasa siyang mailigtas sila mula sa kapahamakan at makamit ang kapatawaran para sa kanilang mga kasalanan (James, p. 201).

Ang pananaw na ito ay ang pananaw na makikita mo sa karamihan ng mga komentaryo. Halimbawa, isinulat ni Moo, “Sa pamamagitan ng pakikiisa kay Santiago sa kumbiksiyong talagang mayroong walang hanggang kamatayan, kung saan ang daan ng kasalanan ay nagdadala, na tayo ay mahihikayat na harapin ang kasalanan sa ating mga buhay at sa buhay ng iba” (James, p. 251).

Naalala mo ba ang tanong na itinatanong ng Panginoong Jesus kay Martha? Tinanong Niya, “Naniniwala ka ba rito?” ” (Juan 11:26b). Tinanong Niya siya kung naniniwala siyang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay hindi kailanman mamamatay espirituwal (Juan 11:26a). Wala Siyang sinabi tungkol sa pagsisisi at pagtalikod sa masasamang gawain. Nagsalita lamang Siya tungkol sa pananampalataya sa Kaniya. Kaya isa sa mga sigaw ng Repormasyon ay Sola Fide, sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Ang mga salitang sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ay nangangahulugang ang isang tao ay ipinanganak na muli sa pamamagitan lamang ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng pangako, ng pagsunod, ng pagsisisi, o ng pagtitiyaga.

Ang karaniwang pananaw sa Santiago 5:19-20 ay imposibleng mangyari. 

Ang tamang interpretasyon ay napakasimple na kahit isang bata ay makikita ito. Ang isyu dito ay hindi ang pagliligtas ng isang hindi mananampalataya mula sa walang hanggang kamatayan. Ang isyu ay ang pagliligtas sa isang naliligaw na mananampalataya mula sa maagang pisikal na kamatayan. Ang sinasabi ni Santiago ay “sinuman sa inyo.” Ibig sabihin, siya ay sumusulat tungkol sa sinumang kapwa mananampalataya sa kanilang mga lokal na simbahan.

Sa buong liham, tinatawag ni James silang mga kapatid at mga minamahal na kapatid. Sinabi niyang ang mga mambabasa ay ipinanganakna muli (Santiago 1:18). Tinukoy niya ang kanilang pananampalataya kay Cristo (Santiago 2:1).

Ang mga komento ni Hodges ay simple at madaling maunawaan:

Samakatuwid, ang mga pagpapagal ng isang Cristiano sa pagbabalik-loob ng kaniyang kapatid tungo sa daan ng pagiging masunurin ay nagliligtas ng buhay. Kung matagumpay, siya ay magliligtas ng isang kaluluwa (psyche, “buhay,” “persona”) sa kamatayan. Ngunit higit pa dito ang kaniyang ginawa, dahil ang nakabalik na makasalanan ay tatanggap ng mabiyayang kapatawaran ng Diyos. Samakatuwid, ang lahat ng mga kasalanang nilikha at pinadami ng taong tumalikod sa Diyos, ang mga ito ay nawala sa paningin sa sandaling ang taong ito ay bumalik sa Diyos. Ang salitang sinaling magtatakip (kalypsei) ay nangangahulugang “tinago.” Ang karamihang kasalanan ng nakabalik na makasalanan ay hindi na nakikita dahil sa kapatawarang kaniyang tinanggap. At ang mapagmahal na kapatid na nagbalik sa kaniya ay kinilala hindi lamang sa pagligtas ng buhay ng kapwa Cristiano, kundi pati ng paglilinis sa kaniya, na tila baga inalis ng kaniyang mga pagpapagal mula sa paningin ang mga pangit na moral na kabuktutang nilikha ng kasalanan (bagama’t sa katotohanan, tanging ang Panginoon ang aktuwal na naglilinis sa sinuman). Salamat sa personal na pagpapagal na ito, ang dating nalihis na Cristiano ay buhay pisikal at malinis espirituwal. (James, p. 120).

Sinumang matagal nang mananampalataya ay nakakaalam ng ibang mga mananampalatayang naligaw ng landas. Sa kasamaang palad, maraming mga magulang ang nagdurusa kapag ang isa o higit pa sa kanilang mga anak na nananampalataya ay napunta sa malalayong espirituwal na lugar. Hindi natin itinatakwil ang mga naliligaw na mananampalatayang ito bilang mga nawalan ng kanilang kaligtasan o nagpapatunay na hindi sila kailanman ipinanganak na muli. Pinagdarasal natin sila. Nais nating ibalik sila sa pakikisama sa Diyos (Lukas 15:4-7) at iligtas sila mula sa maagang kamatayan (San 5:19-20).

Manatiling nakapokus sa biyaya at hindi ka maliligaw ng mga komentador na may mabuting layunin ngunit naliligaw ng landas.

Share:

If you wish to ask a question about a given blog, email us your question at ges@faithalone.org.

RECENTLY ADDED

Are There Negative Consequences if Believers Continue to Walk in Spiritual Darkness? 

Recently, I wrote a blog in which I said that homosexuals need not turn from their homosexuality in order to be born again (see here). They simply need to...

YouTube – Smart Christian Channel Video Response (02)

Welcome to the Grace in Focus podcast. Bob Wilkin and Sam Marr are responding this week to a Smart Christian Channel video. Today, answering the...

Smart Christian Channel Video Response (01)

Welcome to the Grace in Focus podcast. All this week, Bob Wilkin and Sam Marr will be answering questions and responding to a video sent...

GRACE IN FOCUS RADIO

GRACE IN FOCUS MAGAZINE

Grace in Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

The primary source of Grace Evangelical Society’s funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.