Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Iilang Tao Lang Ba Ang Naniniwalang Sigurado Sila Magpakailan Man Hiwalay Sa Mga Gawa?

Iilang Tao Lang Ba Ang Naniniwalang Sigurado Sila Magpakailan Man Hiwalay Sa Mga Gawa?

November 8, 2022 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Hindi lahat ng nagpapakilalang nanghahawak sa Free Grace Theology (FGT) ay sumasang-ayon na ang isang tao ay dapat manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan/kaligtasang hindi nababawi/permanenteng pag-aaring matuwid upang maging bahagi ng walang hanggang pamilya ng Diyos. Sa katotohanan, may ilang nagpapahayag na naniniwala sa FGT ang tinatawag ang turong iyan na huwad na ebanghelyo.

Isang propesor sa seminaryo, sa pagpuna sa posisyun ng GES na ang katiyakan ay ang diwa ng nagliligtas na pananampalataya, ang sumulat:

Samakatuwid, kung lahat ng Romano Katoliko ay hindi Cristiano, ganuon din ang ibang Protestante (maliban sa iilang naniniwala sa eternal na seguridad hiwalay sa mga gawa). Iyan ang problema sa “pananampalataya lamang kay Cristo lamang” bilang hinihingi sa pag-aaring matuwid. Naniniwala ako na ang “pananampalataya lamang kay Cristo lamang” ay isang totoong pahayag. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang pagdagdag ng gawa ay nagpapawalang-bisa sa pananampalataya ng isang tao kay Jesucristo bilang Diyos at Tagapagligtas mula sa kasalanan para sa pag-aaring matuwid.i

Sa blog na ito, nais kong magpokus sa pag-aangking iilan lamang na tao ngayon ang naniniwalang sila ay sigurado kailan pa man hiwalay sa mga gawa.

Ang pinagsamang miyembro ng Romano Katolika, Silanganing Ortodox, at mga iglesia Protestante ay halos tatlong bilyon. Tila iminumungkahi ng may-akda na karamihan sa bilang na iyan ay naipanganak na muli dahil halos karamihan ay naniniwala na si Jesus ay DIyos at Siya, kasama ang kaunting tulong mula sa kanilang mga gawa, ang kanilang Tagapagligtas. Sinabi niyang ang “pagdagdag ng gawa ay [hindi] nagpapawalang-bisa sa pananampalataya ng isang tao kay Jesucristo bilang Diyos at Tagapagligtas.” Sa kaniyang pananaw, sila ay sigurado kailan pa man, kahit pa hindi sila nanampalataya sa pag-aaring matuwid sa pananampalataya lamang.

Ilang tao ang iyong iniisip na may katiyakan na sa simpleng pananampalataya kay Cristo hiwalay sa mga gawa, na sila ay may buhay na walang hanggan na hindi maiwawala?

May nakita akong ilang pag-aaral ng Barna kamakailan. Bagama’t hindi nila direktang sinagot ang espisipikong tanong na ito, malinaw na iilan lamang na Katolikong pari, Pentekostal at karismatikong pastor, o pastor ng mainline na denominasyon ang naniniwala sa eternal na seguridad hiwalay sa mga gawa. Kahit sa mga ebanghelikal, at mga pastor na hindi denominasyunal, marahil kulang sa kalahati ang naniniwala rito. Ang estatistika ay pareho marahil sa mga ordinaryong miyembro sa mga grupong ito.

Sa tingin ko tama lang sabihing kulang sa 10% ng nagpapahayag na Cristiano ang naniniwalang sila ay may eternal na seguridad hiwalay sa mga gawa. Kung tama ang aking pagpapalagay, kulang sa 300 milyon ang nagpapahayag na Cristiano ang kasalukuyang naniniwala sa nagliligtas na mensahe.

Ngunit sandali! Ilang tao ang naniwala sa nagliligtas na mensahe sa nakalipas ngunit ngayon ay naiwala ang kanilang katiyakan? Ang bilang ay madaling pumantay o humigit pa sa mga naniniwala sa kasalukuyang sila ay may eternal na seguridad hiwalay sa mga gawa.

Hindi ko alam kung ilan sa mga nabubuhay ngayon ang naipanganak na muli.ii Ngunit alam kong iilan lang sila. Alam ko iyan dahil ang Panginoong Jesucristo mismo ang nagsabing iilan lang sila: “Dahil makipot ang pintuan at mahirap ang daang nagdadala sa buhay at iilan ang makasusumpong nito” (Mat 7:14). Ginamit niya ang salitang iilan (oligos).

Kaya ang siniping propesor sa seminaryong iyan ay pinahina ang kaniyang sariling argumento. Sinasabi niyang karamihan sa mga miyembro ng mga iglesiang Katolika, Ortodox at mga gumagawang Protestante ay naipanganak na muli dahil kung hindi iilan lamang ang may buhay na walang hanggan. Ngunit dahil sinabi ng Panginoong Jesus na ang bilang ng may buhay na walang hanggan ay iilan lamang, marahil dapat nating tanggapin ito.

______

  1. Kenneth Wilson, Heresy of the Grace Evangelical Society (n.p.: Regula Fidel Press, 2020), p. 134).
  2. Kung ako ay manghuhula, sasabihin kong marahil mahigit sampung milyon o kahit isandadaaning milyo pa sa buong mundo ang naipanganak nang muli ngayon. Ang bilang ay maaaring lagpas isang bilyon. Wala tayong paraan upang sukatin kung ilan ang nanampalataya sa nakalipas sa buhay ng pangako ngunit hindi na sa ngayon. At bagama’t ang isang survey ay maaaring magbigay ng persentahe ng taong kasalukuyang naniniwala sa pangako ng buhay, wala akong kilala na gumawa ng survey na gaya nito. Marahil isa sa inyo ang gagawa nito. Kailangan nating kapanayamin ang libo-libong tao sa buong US at kailangan nating itanong ang tamang mga tanong. It ay maaaring maging mahusay na paksa para sa isang tesis sa masteral o disertasyon sa doktoral.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Cart

Recently Added

March 24, 2023

1 Peter–Part 05–3:8-4:19

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin, Philippe Sterling and Ken Yates continue their study and discussion of 1 Peter. Suffering is a...
March 24, 2023

The Impact of One Person 

In Hebrews 11, we are met with list of Biblical figures who exemplify what it means to walk by faith and not by sight (11:1)....
March 23, 2023

1 Peter–Part 04–2:11-3:7

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Ken Yates, Philippe Sterling and Bob Wilkin continue looking at 1 Peter. Not only do believers need to...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen to Stitcher

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • A Free Grace Primer: The Hungry Inherit, The Gospel Under Siege, and Grace in Eclipse $20.00 $12.00
  • Absolutely Free, 2nd Edition $20.00 $12.00
  • The Road to Reward, 2nd Edition $9.95 $5.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Hardcover) $13.95 $5.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Paperback) $6.95 $3.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube