Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Huwag Subuking Pahangain Ang Ibang Mga Mananampalataya (Levitico 10:1-3)

Huwag Subuking Pahangain Ang Ibang Mga Mananampalataya (Levitico 10:1-3)

February 3, 2026 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Si Aaron, ang unang mataas na saserdote ng bansang Israel, ay nag-alay pa lang ng ilang handog sa Panginoon. Siya at si Moises ay pumasok sa tabernakulo. Nang lumabas sila mula sa tabernakulo at pinagpala ang mga tao, nakita nila ang isang kamangha-manghang tanawin. Bumaba ang apoy mula sa langit at sinunog ang handog sa altar. Gaya ng inaasahan mo, nang makita ito ng mga tao, humanga sila. Nagpatirapa sila sa kanilang mga mukha habang sumisigaw ng kaluwalhatian sa Panginoon (Lev 9:22–24).

Sina Nadab at Abihu ang panganay na anak ni Aaron at nagsilbi rin bilang pari sa tabernakulo. Sa ganang akin, napakataas ng posibilidad na sila ay mga mananampalataya. Sa palagay ko, hindi pipiliin ng Diyos ang mga hindi mananampalataya para maging mga tagapagmana sa mataas na pagkasaserdote ng Kaniyang bayan. Pero ang dalawang saserdoteng ito ay gumawa ng isang mangmang na bagay.

Sinulat ni Moises na kumuha ang dalawa ng insensaryo at naglagay ng apoy doon. Naghandog sila ng insenso sa Panginoon gamit ang apoy na ito, ngunit hindi naman sila inutusan ng Panginoong gawin ito.

Bakit sumuway ang dalawang lalaking ito sa Panginoon? Hindi sinabi ni Moises, pero sa palagay ko alam ko. Nakita nila kung paano tumugon ang mga tao sa apoy na nagmula sa Panginoon. Ang Panginoon ay pinili sila at ang kanilang ama upang maglingkod bilang mga saserdote sa tabernakulo. Sa kanilang isipan, mataas ang pagtingin sa kanila ng Diyos. Tiningala sila ng mga tao.

Gusto nilang mapahanga ang mga tao. Malalaking tao sila sa kampus. Naapektuhan sila ng kanilang mga posisyon. Gusto nilang maulit ang palakpak ng mga tao. Dahil tila mataas ang pagtingin ng Diyos sa kanila, naisip nilang magandang ideyang magpakita rin ng sarili nilang naglalagablab na pagtatanghal.

Hindi magandang hakbang iyon. Muling lumabas ang himalang apoy. Nagmula talaga ito sa Panginoon. Pero nilamon sila nito. Namatay sila kaagad (Lev 10:1–2).

Ang kanilang kuwento ay nagpapaalala sa akin kay Simon sa Gawa 8:9–24. Siya ay bagong mananampalataya. Nakita niya ang himalang kapangyarihan ng Diyos na kumikilos kina Pedro at Juan. Napahanga ang ibang mananampalataya sa kaniyang bayan, kabilang na siya. Nag-alok siyang babayaran si Pedro kung bibigyan siya ni Pedro ng kakayahang gamitin ang kapangyarihang iyon. Gusto ni Simon na mapahanga ang mga tao.

Marami ang nagbubuod na sila Nadab, Abihu, at Simon ay mga hindi mananampalataya. Palagi kong nagigitla nito. Hindi natin dapat ikagulat na baka gustong maramdaman ng mga mananampalatayang mahalaga sila. Dahil sa ating laman, maaari nating hangarin na isipin ng ibang mananampalatayang tayo ay espesyal. Ilan sa atin ang sasamantalahin ang pagkakataong makita sa mata tao bilang pinakamahalagang tao sa simbahan?

Madaling tingnan ang tatlong lalaking ito at ipalagay na sila ay hindi mananampalataya. Baka makumbinse natin ang sarili nating hindi natin gagawin ang isang bagay na kasing-lakas ng apog at mapangahas na gaya ng ginawa nila. Tama lang na parusahan sila ng Diyos. Namatay sina Nadab at Abihu. Sinabi ni Pedro kay Simon na nasa panganib siyang makaranas ng parehong kapalaran.

Ang kapalaluan ay isang kakila-kilabot na bagay. Hangal tayo kung iniisip nating hindi tayo apektado nito. Ang Simbahan ay ang Katawan ni Cristo. Sa Kaniya ito. Bawat isa sa atin ay alipin lamang dito (1 Cor 3:5–7). Anuman ang ating papel at kaloob, maging kontento tayo. Nawa’y hindi tayo kailanman magkasala sa pagtatangkang pahangain ang iba. Sa halip, hikayatin natin ang ibang humanga sa Panginoon. Siya ang nagbaba ng apoy mula sa langit noong panahon nina Nadab at Abihu, at gumawa ng mga himala sa pamamagitan nina Pedro at Juan.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Ken_Y

by Ken Yates

Ken Yates (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Editor of the Journal of the Grace Evangelical Society and GES’s East Coast and International speaker. His latest book is Mark: Lessons in Discipleship.

Recently Added

February 9, 2026

Will Believers’ Bad Works Be Judged at the Bema? 

I received an email from Andrew Farley advertising an article he wrote titled, “Are Christians judged for their sins?” (see here).   I appreciate the fact that he exalts the...
February 9, 2026

What Is the Difference in Having Eternal Life and Believing That Jesus Exists?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Ken Yates are answering a question about the saving message’s content. What is the...
February 6, 2026

Life in the Catacombs 

Perhaps you have heard of the Paris Catacombs, a mass grave located in tunnels beneath the city.  In the late 18th century, Parisian cemeteries were overcrowded. The filth from decomposing bodies was seeping into the ground...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram