Ano Ang Mali Sa Calvinismo? Bahagi 6: Ang Pag-Iingat Ng Mga Banal Sa Calvinismo Ay Hindi Biblikal

Sa loob ng maraming taon, inakala kong ang mga Calvinista ay naniniwala sa eternal na seguridad at ang mga Arminiano ay hindi. Inakala kong ang doktrina ng walang hanggang kaligtasan ang puso ng Calvinismo. Bilang resulta, pagkatapos magtapos sa seminaryo tinawag ko ang sarili kong Calvinista kahit na hindi ko pinaniniwalaan ang iba pang mga punto ng Calvinismo. 

Nakita ko, gayunpaman, na karamihan sa mga Calvinista ay hindi talaga naniniwala sa eternal na seguridad. Karamihan sa mga Calvinista ay naniniwala sa kung ano ang pinaniniwalaan ng mga Arminiano: Kung hindi ka makatitiis sa pananampalataya at mabubuting gawa, ikaw ay walang hangang ikukundena.

Siyempre, sinasabi ng mga Calvinistang naniniwala sila sa Preservation of the Saints (Pag-iingat ng mga Banal), na maling iniisip na kasingkahulugan ng eternal na seguridad. Gayunpaman, para sa mga Calvinista, tanging ilang mga mananampalataya lamang ang mapapangalagaan ng Diyos. Sila ang mga mananampalatayang nakatiis.

Napapakamot ka ba ng ulo? Kung gayon, hindi mo pa nauunawaan ang P sa TULIP. Ito ay nangangahulugang parehong Preservation of the Saints (Pag-iingat ng mga Banal) at Perseverance of the Saints (Pagtitiis ng mga Banal). Pero sinasabi nilang hindi ka maaaring magkaroon ng isa kung wala ang isa. Kung hindi ka magtitiis, hindi ka mapapangalagaan.

Sa kanilang aklat na The Five Points of Calvinism, Second Edition, isinulat nina Steele, Thomas, at Quinn,

Maaaring sabihing may anim na punto ang Calvinismo, ang ikalimang punto ay ang pagpapanatili ng mga banal at ang ikaanim na punto ay ang pagtitiis ng mga banal. Paulit-ulit na binibigyang-diin ng Biblia ang parehong panig ng kahanga-hangang doktrinang ito (pp. 148-49, italics nila).

Idinadagdag nila, “May pananagutan tayong magtiis sa pananampalataya hanggang sa wakas (pagsusumikap tungo sa kabanalan), at kung hindi tayo magpapatuloy, wala tayong batayan para sa katiyakang pinapangalagaan tayo ng Diyos.” Pagkatapos ay kanilang paborableng sinipi si A. N. Martin na nagsasabing, “Ang tanging patunay na mayroon akong Siya ang nag-iingat sa akin ay dahil sa Kaniyang biyaya, ako ay binigyang kapangyarihang makatiis” (p. 149).

Kung ang tanging mga nagtitiis lamang ang may walang hanggang seguridad, talagang walang hanggan bang seguridad ito? Hindi ba’t magiging eternal na inseguridad ito hanggang sa mamatay tayo? Kung ang tanging patunay na tayo ay ligtas magpakailanman ay ang ating pagtitiis hanggang sa wakas, kung gayon kailangan nating mamuhay sa pag-aalinlangan hanggang sa pinakahuli ng ating mga buhay.

Karamihan sa mga Calvinista ay nagsasabing may dalawang uri ng mga mananampalataya—totoong mga propesor at maling mga propesor. Pareho silang kumbinsido ng parehong hanay ng mga doktrina. Ang nagtatangi sa tunay na propesor ay hindi ang kaniyang pinaniniwalaan, kundi ang kaniyang pagtitiis sa parehong pananampalataya at mabubuting gawa.

Ayon sa Calvinismo, ang isang tao ay maaaring magkaroon ng pansamantalang pananampalataya at pansamantalang mabubuting gawa. Ang pansamantalang pananampalataya at mabubuting gawa ay maaaring tumagal ng mga taon o kahit dekada pa. Sa huli, karamihan sa mga Calvinista, tulad ng karamihan sa mga Arminiano, ay namamatay na nag-aalinlangan kung saan nila gugugulin ang eternidad.

Sa aking aklat na Is Calvinism Biblical? (ICB), binanggit ko ang dalawang tekstong nagpapawalang-bisa sa pagkaunawa ng mga Calvinista sa Pagpapanatili ng mga Banal: Lukas 8:12-13 at Juan 4:13-15. 

Lukas 8:12-13. Sa Talinghaga ng Apat na Lupa, ang unang lupa ay kumakatawan sa mga taong nakarinig ng salita; gayunpaman, inaalis ito ni Satanas, “upang hindi sila manampalataya at maligtas” (v 12). Naniniwala si Satanas na kapag ang isang tao ay nanampalataya kay Cristo, siya ay naligtas magpakailanman. Ang diablo ay naniniwala sa “minsan maligtas, ligtas lagi.”

Ang taludtod 13 ay nagsasalita tungkol sa mga taong “nanampalataya sa loob ng isang panahon at sa panahon ng tukso ay naliligaw.” Tandaan kung ano ang sinabi ng taludtod 12 tungkol sa mga kinakatawan ng mabatong lupa: “baka sila’y maniwala at maligtas” (ang baka ay nagpapahiwatig na hindi sila nanampalataya kaya hindi sila naligtas). Ang mga tao sa taludtod 13 ay naligtas. Ang katotohanang sila ay bumagsak kalaunan ay hindi maaalis ang kanilang kaligtasan. Mahalagang tandaan gna ang salitang nanampalataya ay hindi lumalabas sa mga taludtod 14 o 15 tungkol sa ikatlo at ikaapat na lupa. Nauunawaang ang bawat lupa ay mas mabuti kaysa sa nauna at ang mga kinakatawan ng ikatlo at ikaapat na lupa ay parehong nanampalataya at nagtitiis.

Ang Lukas 8:12 ay nagpapatunay na kahit ang mga naliligaw ng landas ay mananatiling ligtas magpakailanman.

Juan 4:13-15. Inalok ng Panginoong Jesus sa babae sa balon ang isang bagay na tinawag Niyang buhay na tubig. Mas mabuti ito kaysa sa tubig na kinukuha niya mula sa balon ni Jacob. Ang tubig na iyon ay nangangailangan ng patuloy na pagkuha at pag-inom upang patuloy na mapawi ang uhaw ng isa. Ngunit isang lagok ng buhay na tubig na ipinangako ni Jesus, at hindi na muling mauuhaw. Ito ay sisibol tungo sa walang hanggang buhay (v 14).

Nauunawaan ng babaeng ang isang lagok ng buhay na tubig ay magdudulot ng permanenteng pag-alis ng uhaw. Ngunit iniisip niya ito sa konteksto ng pisikal na tubig at pisikal na uhaw. Kaya’t sinabi niya, “Ginoo, bigyan Mo ako ng tubig na ito, upang hindi na ako mauhaw at hindi na pumunta rito upang kumuha” (Juan 4:15). Sa Juan 6:35, muling sinabi ng Panginoong ang pag-inom ng buhay na tubig ay tumutukoy sa pananampalataya sa Kaniya at ang resulta nito ay ang pagiging ligtas magpakailanman: “Ang sumasampalataya sa Akin ay hindi kailanman mauuhaw.” Sa Griyego, ang mga salitang hindi kailanman mauuhaw ay talagang nangangahulugang hindi kailanman mauuhaw! Hindi mo kailangang malaman ang Griyego para maniwala sa walang hanggang kaligtasan.

Mag-ingat sa Calvinistang pag-unawa sa Pagpapanatili ng mga Banal. Hindi ito isang antinomiya gaya ng mungkahi nina Steele, Thomas, at Quinn (p. 149). Sinasabi nilang ang pagpapanatili para sa mga nagtitiis ay “isang antinomiya (dalawang aral na tila magkasalungat sa isipan ng tao, ngunit sa isipan ng Diyos ay hindi walang tensyon)” (p. 149). Hindi. Ang dalawang turong ito ay magkasalungat. Ang isa ay eternal na sigurado kahit walang pagtitiis, o hindi pa eternal na sigurado. Ang walang hanggang seguridad ay hindi nakasalalay sa pagtitiis sa pananampalataya at mabubuting gawa. Kung ito ay nakasalalay sa ating pagtitiis, kung gayon ito ay hindi pa ligtas, at hindi ito sa pamamagitan lamang ng pananampalataya, bukod sa mga gawa.

Manatiling nakatuon sa biyaya at malalaman mong ikaw ay ligtas magpakailanman kahit hindi ka makatiis.

Get Grace in Focus in your inbox

Share
Post
Email