Ayon sa Calvinismo, sa walang hanggang eternidad, bago ang Paglikha, pinili o inihalal ng Diyos ang mga indibidwal na magkakaroon ng walang hanggang buhay. Ang pagpiling iyon ay walang kondisyon, ibig sabihin, hindi Niya ginamit ang unang kaalaman upang malaman kung sino ang malayang mananampalataya o kung sino ang kusang maglilingkod sa Kaniya. Ang Kaniyang pagpili ay hindi batay sa anumang bagay sa mga taong pinili.
Ang mali sa Unconditional Election ng Calvinismo ay hindi ito ayon sa Biblia. Ang U sa TULIP ay Unbiblical.
Mayroon dalawang dahilan.
Una, hindi ito biblikal dahil sa Biblia, ang kahalalan ay palaging para sa paglilingkod at hindi kailanman para sa walang hangang kapalaran.
Pangalawa, ang kahalalan sa Biblia ay madalas na nakabatay sa katapatan ng taong pinili. Halimbawa, lahat ng mga mananampalataya sa kapanahunan ng simbahan ay maaaring mapili upang maghari kasama ni Cristo. Ngunit tanging ang mga nakatiis sa pananampalataya ang mapipili.
Sa aking aklat, Is Calvinism Biblical? binanggit ko ang dalawang sitas na nagpapawalang-bisa sa U sa TULIP: Gawa 13:46 at Juan 5:39-40.
Gamit ang wikang hindi naaayon sa walang kundisyong pagpili, pinagsabihan ni Pablo ang mga Judio sa Antioch dahil sa pagtanggi nila sa Panginoong Jesucristo: “…inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay…” (Mga Gawa 13:46). Kung ang Diyos ay pumili nang walang kundisyon, kung gayon walang sinuman ang makapaghahatol sa kaniyang sariling karapat-dapat o hindi karapat-dapat sa walang hangang buhay.
Tinalakay ko ang Juan 5:39-40 sa blog tungkol sa ganap na deprabidad. Sinabi ni Jesus na ang ilang legalistikong Judio ay “At ayaw… magsilapit sa [Kaniya], upang [sila’y] magkaroon ng buhay.” Iyan ay hindi tugma sa U sa TULIP. Ayon sa Calvinismo, kung hindi pinili ng Diyos ang isang tao, wala silang magagawa upang maiwasan ang walang hanggang kaparusahan. Ang mga hindi pinili ay nahatulan na. Ang kagustuhan o kawalang-kagustuhan ay walang kinalaman sa walang hanggang buhay, ayon sa Calvinismo.
Nakipagtalo na ako sa maraming pastor at teologong Calvinista. Wala ni isa sa kanila ang nakapagpahayag na sigurado silang mayroon silang buhay na walang hanggan. Isang dahilan ay dahil hindi sila makasigurong sila ay kabilang sa mga hinirang. Tinitingnan nila ang kanilang mga gawa upang subukang matukoy kung sila ba ay nasa isang landas na nagpapahiwatig na malamang na makatitiis sila (ang P sa TULIP). Pero alam nilang maaaring sila’y mahulog at, sa kanilang pananaw, kung mangyari iyon, patunay lamang na hindi sila kailanman pinili ng Diyos.
Anong kalungkot na paraan ng pamumuhay. Hindi mo malalaman kung saan ka gugugol ng eternidad hanggang matapos ka mamatay.
Ang turo ng Calvinismo tungkol sa walang kundisyong pagpili ay hindi biblikal at mapanganib. Huwag mo itong paniwalaan kahit isang saglit. Mapanganib ito sa iyong espirituwal na kalusugan.
Manatiling nakatuon ang biyaya at hindi ka mag-aalala kung ikaw ay ligtas magpakailanman.








