Yung mga nagtuturong ang mga mananampalataya ay gagantimpalaan para sa kanilang mabubuting gawa sa kaharian ay madalas na ina-atake. Sinasabihan tayong ang pamumuhay para sa mga gantimpala ay makasarili. Minsan sinasabihan tayong ang mga ganitong pagnanasa ay nagpapakita ng kalagayan ng espiritwal na imaturidad. Dapat tayong gumawa ng mabubuting gawa dahil mahal natin ang Diyos. Sasabihin ng Calvinistang ang mabuting gawa ay awtomatiko sa buhay ng mananampalataya. Bakit gagantimpalaan ng Diyos ang ginagawa ng lahat ng mananampalataya? Lahat ng mananampalataya ay gagantimpalaang pantay-pantay.
Ang karamihan sa mga guro ng Bibliya ay nagtuturong dapat nating itakwil ang ideya ng mga gantimpala. Nagreresulta ito sa kumpetisyon at kapalaluan. Habang tayo ay lumalago sa sanktipikasyon, mapagtatanto nating ang doktrina ng gantimpala ay hindi nakabubuting sikolohikal.
Kamakailan lang ay nabasa ko ang isang artikuloi ni Ellie Stevens-Strathman, isang board-certified psychiatrist. Ang artikulo ay nakatakdang lumabas sa susunod na edisyon ng Journal of the Grace Evangelical Society. Hindi ako psychiatrist, at sigurado akong may iba pang makakapagpaliwanag ng sinasabi ni Ellie nang mas mabuti kaysa sa akin. Ngunit nais kong ibuod ang ilang mahahalagang punto mula sa artikulo.
Binanggit ni Ellieng ang pamumuhay para sa mga gantimpala ay nakabubuti sikolohikal. Ganiyan talaga ang pagkakagawa ng ating mga utak. Kapag ang isang tao ay naghahanap ng agarang kasiyahan, sila ay kumikilos sa tinatawag ni Ellie at ng iba pang mga psychiatrist na “hot framework.” Ang paghahanap ng antalang kasiyahan ay naglalagay sa isang tao sa “cool framework.” Ito ay nagtataguyod ng “optimal brain-function at self-regulation.”
Ang pamumuhay para sa walang hanggang gantimpala sa darating na kaharian ni Cristo ay tiyak na kwalipikado bilang antalang kasiyahan. Ang isang mananampalatayang namumuhay sa ganitong paraan ay handang ipagpaliban ang agarang kasiyahan para sa isang mas mabuting bagay kalaunan. Ang hindi nabubuhay para sa mga gantimpala ay pinapagana ng emosyonal na pagnanais na maranasan ang kasiyahan sa kasalukuyan.
Nagbigay si Ellie ng modernong halimbawa ng taong pinapatakbo ng emosyon sa “hot framework.” Nakikita natin ito kapag ang isang tao ay nababahala sa dami ng likes na natatanggap nila sa kanilang Instagram page. Nakararanas siya ng emosyonal na kasiyahan kapag tumataas ang bilang na iyon. Kahit ang isang mananampalatayang hindi naniniwala sa mga gantimpala ay makikitang ang mga taong nag-aalala sa dami ng mga “likes” na iyon ay hindi malusog sa isipan!
Siyempre, ang pinakamahalaga ay hindi kung ano ang sinasabi ng agham medikal tungkol sa mga benepisyong sikolohikal ng pamumuhay para sa mga walang hangang gantimpala. Ang pinakamahalaga ay kung ano ang sinasabi ng Bibliya. Ang Biblia ay nagtuturo ng doktrina ng mga gantimpala. Maraming mga pasahe sa Bibliya ang nagtuturo tungkol sa paksang ito. Sa Mat 6:2, tinatalakay ng Panginoon ang kamangmangan ng mga taong nabubuhay para sa agarang kasiyahan at kumikilos sa “hot framework.” Hinikayat Niya ang Kaniyang mga alagad na mamuhay para sa antalang kasiyahang nagmumula sa pag-iimbak ng mga gantimpala sa darating na kaharian. Sinabi Niya sa kanilang ilagay ang kanilang mga puso (at masasabi kong isipan!) doon (Mat 6:19-21).
Ang mga salita ng Panginoon ay dapat na sapat upang hikayatin tayong mamuhay para sa mga walang hanggang gantimpala. Ang katotohanang ito ay nagtataguyod ng “optimal brain function” at nakabubuting sikolohikal ay mga dagdag na benepisyo. Inaanyayahan ko kayong lahat na basahin ang artikulo ni Ellie kapag lumabas na ang susunod na journal.
________________________________________
i Nagbigay din siya ng talumpati tungkol sa paksang ito sa 2025 National Conference: https://youtube.com/live/VMbKgRNGCLk? feature=share





