Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat, nguni’t iisa lamang ang tumatanggap ng ganting-pala? Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo. At ang bawa’t tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; nguni’t tayo’y niyaong walang pagkasira. Ako nga’y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako’y sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin: Nguni’t hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.
Ang huling salita sa 1 Corinto 9 ay adokimos. Karaniwan itong isinasalin bilang diskwalipikado. Ang KJV ay isinasalin ito bilang isang castaway (itinakwil.)
Karamihan sa mga komentarista at karamihan sa mga pastor ay nauunawaang sinasabi ni Pablong kung hindi tayo magtiis sa pananampalataya at mabubuting gawa, tayo ay madidiskwalipika sa pagpasok sa kaharian. Sa madaling salita, kailangan nating magtiis upang maiwasan ang walang hanggang kaparusahan.
Halimbawa, sumusulat si Fee:
Pero talagang ibig bang sabihin ni Pablong may posibilidad na hindi makuha ng isang tao ang gantimpala? Ang ilan ay magsasabing hindi, ngunit karaniwan dahil sa isang naunang teolohikal na katapatan, hindi dahil sa kung ano ang sinasabi ng teksto mismo. Habang totoong sa 10:13, pagkatapos ng matinding babalang nakasaad sa v. 1–12, muli niyang inilalagay ang kaniyang tiwala sa Diyos na “panatilihin sila,” magiging labis na kamangmangang ipalagay na ang mga babala ay hindi totoo. Patuloy na pinapanatili ni Pablo ang babala at katiyakan sa tensyon (! Corinthians, p. 440).
Sumasang-ayon si Lenski: “Ang katotohanang siya ay isang apostol ay hindi pa patunay sa kaniya na siya ay maliligtas” (1-2 Corinthians, p. 388).
Sila Lange, Shaff, Kling, at Poor ay gumagamit ng parehong interpretasyon sa kanilang komentaryo:
Ang mga walang ingat at hindi mapalagay na mga taga-Corinto ay inisip na maaari silang ligtas na magpakasasa hanggang sa hangganan ng kasalanan, habang ang debotong Apostol na ito ay itinuturing ang kaniyang sariling nakikibaka para sa kanyang kaligtasan” (1 Corinthians, p. 196).
Ngunit sigurado si Pablong siya ay ligtas magpakailan man. Sabi niya, “Dahil dito’y nagtiis din ako ng mga bagay na ito: gayon ma’y hindi ako nahihiya; sapagka’t nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya’y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya hanggang sa araw na yaon.” (2 Tim 1:12). Sinabi niyang siya ay isang halimbawa ng lahat ng mga taong “mananampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan” (1 Tim 1:16). Alam niyang ang kaniyang mga kamanggagawa ay nasa Aklat ng Buhay (Fil 4:3), at alam niyang siya ay naroon din.
Ang salitang adokimos ay nangangahulugang hindi aprubado. Alam ni Pablong siya ay tinanggap nang isinulat niya ang 1 Corinto. Ngunit alam din niyang hindi ito garantisadong patuloy siyang tatakbo sa takbuhan at makikibaka sa pakikipagbaka. Alam niyang maaaring mawala ang pag-apruba ni Cristo (hal., Mat 24:45-51). Alam niyang ang Kaniyang pag-apruba ay isang isyu ng walang hanggang gantimpala, hindi isang isyu ng eternal na buhay.
Sabi ni Lowery, “Hindi tinatalakay dito ni Pablo ang isyu ng kaligtasan” (“1 Corinthians” sa BKC, p. 525).
Sang-ayon si Hunt:
Ang apostol ay hindi natatakot sa pagkawala ng buhay na walang hanggan. Natatakot siyang hindi magkaroon ng aprubal ng Kaniyang Panginoon sa Hukuman ng Cristo, at hindi magkaroon ng pribilehiyong mamuno kasama si Cristo na darating sa lahat ng may aprubal Niya (cf. Lucas 19:17; 1 Corinto 9:25) (“1 Corinto” sa TGNTC, p. 741).
Sa pagtatapos ng buhay ni Pablo, nang siya ay malapit nang patayin, maaari niyang sabihing siya ay nakipaglaban nang mabuting pakikipagbaka, natapos ang takbuhan, at pinanatili ang pananampalataya (2 Tim 4:6-8). Sinabi niyang may nakalaan para sa kaniyang putong ng katuwiran, at ang putong na iyon ay para sa “lahat ng nagmahal sa Kanyang pagdating.”
Noong tag-init ng 1982, humiling ako kay Dr. Charles Ryrie na mangaral sa aking seremonya ng ordinasyon. Pumayag siyang gawin ito.
Sa aming pag-uusap, sinabi ko sa kaniya kung gaano ko kasayang mangaral ng bawat linggo sa nakaraang apat na buwan. Ang sagot niya ay palaging nananatili sa akin: “Bob, natutuwa akong tapat mong ipinangaral ang Salita ng Diyos nitong nakaraang apat na buwan. Umaasa ako, gayunpaman, na magagawa mo pa ring sabihin iyan apatnapung taon mula ngayon.”
Umabot akong apatnapung taon noong 2022.
Pero hulaan ninyo? Tinatawag pa rin akong magpatuloy. Ang karera ko ay hindi pa tapos. Hindi ito matatapos hangga’t hindi ko pa hinuhugot ang aking huling hininga.
Habang ang buhay na walang hanggan ay natatanggap sa sandaling tayo ay manampalataya kay Cristo at ito ay tiyak magpakailanman, ang aprubal ay natatanggap lamang sa pamamagitan ng paggawa ng ating pananampalataya, at ang aprubal ay maaaring mawala.
Ngayon ang hamon ay ito: Maging tapat sa pagpahayag kay Cristo sa salita at gawa hanggang sa Siya ay bumalik.
Ang ating layunin ay mapanatili ang katayuang taglay ang Kaniyang aprubal. Gusto nating sulitin ang ating buhay para kay Cristo upang marinig natin ang mga pinagpalang salitang ito, “Magaling, mabuting lingkod. Magkaroon ka ng kapangyarihan sa sampung lunsod.“
Manatiling nakatuon sa biyaya at patuloy mong matatamasa ang Kaniyang aprubal.







