Binayaran Ba Ni Jesus And Penalidad Ng Ating Mga Kasalanan? Ikalawang Bahagi

April 7, 2026 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Nguni’t Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan… at sa pamamagitan ng Kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw… at ipinasan sa Kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat. (Isa 53:5-6).

… Na Siya[si Cristo] rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa Kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa Kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo (1 Ped 2:24).

At nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay Kaniyang binuhay kayo na kalakip Niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan: Na pinawi ang usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito’y Kaniyang inalis, na ipinako sa krus (Col 2:13-14).

Sa unang bahagi, nakita nating malinaw na ipinapakita ng Bibliyang ang ating mga kasalanan ay nagreresulta sa mga parusang ipinapataw ng Diyos sa ating mga buhay. Ang kamatayan mismo ay isang parusa dahil sa katotohanang tayo ay mga makasalanan. Nakita nating hindi itinuturo ng Juan 1:29 na ang dugo ni Jesus ang nag-aalis ng penalidad para sa ating mga kasalanan. Itinuturo nitong tinanggal ng dugo ni Jesus ang hadlang ng kasalanan. Ang Kaniyang dugo ang nagiging dahilan upang tayo ay maligtas. Ngunit upang muling ipanganak, kailangan nating maniwala sa Kaniya para sa kaloob ng Diyos, ang buhay na walang hanggan (Juan 3:16; 4:10, 14; 5:24).

Sa ikalawang bahagi, isasaalang-alang natin ang tatlong iba pang tekstong madalas binabanggit upang ipakitang si Jesus ay nagbayad na ng penalidad para sa ating mga kasalanan.

Ang Isaias 52:13–53:12 ang tanyag na pasahe tungkol sa Nagdurusang Lingkod. Ipinapahayag nito ang kamatayan ng Mesiyas para sa mga kasalanan ng Israel at ng buong sanlibutan. Wala sa talatang ito ang tungkol sa pagbayad ng Mesiyas sa penalidad para sa ating mga kasalanan. Wala itong binabanggit na dahil namatay Siya para sa atin, maaari tayong magkasala nang walang konsekwensiya.

Ipinaliwanag ni Pedro kung ano ang ibig sabihin ng “sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” sa Isa 53:5. Ang pagpapagaling na isinulat ni Isaias ay hindi pisikal na pagpapagaling mula sa sakit, tulad ng maling interpretasyon ng ilan, kundi ang kamatayan sa mga kasalanan (pagpalaya mula sa pagkatanikala ng kasalanan) upang tayo’y mamuhay para sa katuwiran. Iyan ay tumutukoy sa sanktipikasyon. Ang nabubong dugo ni Cristo ay ginawang posible sa atin upang magkaroon ng walang hanggang buhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kaniya para sa buhay na iyon. Ang mga may ganitong buhay ay namatay sa mga kasalanan upang “hindi na tayo maging mga alipin ng kasalanan” (Roma 6:6).

Si Raymer ay nagkomento: “Si Cristo ay nagdusa upang maging posible para sa mga Cristianong sundan ang Kaniyang halimbawa, kapwa sa pagdurusa at sa matuwid na pamumuhay” (“1 Peter” sa The Bible Knowledge Commentary, p. 848).

Sumasang-ayon si Davids, na nagsusulat, “Ang kaligtasan kay Cristo ay hindi lamang kalayaan mula sa paghuhukom sa hinaharap o mula sa pagkakasala, kundi kalayaan mula sa buhay ng kasalanan at kalayaang mamuhay ayon sa nais ng Diyos” (First Peter, p. 113).i

Si Pablo ay nagsasalita din patungkol sa mga mananampalataya, hindi lahat ng tao, sa Col 2:13-14. Tulad sa Efeso 2, sinasabi niyang ang mga mambabasa ay dating espiritwal na patay; subalit binuhay sila ng Diyos kasama si Cristo. Nang makamit nila ang walang hanggang buhay, pinatawad Niya ang lahat ng kanilang mga kasalanan (cf. Gawa 10:43). Ang kapatawarang iyon ang dahilan kung bakit hindi kailangang ipahayag ng mga bagong silang na mananampalataya ang lahat ng mga kasalanang kanilang ginawa bago sila ipanganak muli. Sisimulan nila ang buhay Cristianong may malinis na simula, na may pakikisama sa Diyos. Isa sa mga benepisyo ng krus at dugo ni Cristo ay kapag tayo ay nanampalataya kay Cristo, natanggap natin ang kapatawaran ng lahat ng ating mga kasalanan.

Ang kapatawaran, siyempre, ay hindi kapareho ng kawalan ng mga parusa. Pinatawad si David ng Diyos sa kaniyang mga kasalanan ng pangangalunya at pagpatay. Ngunit nakaranas siya ng maraming mga konsekwensiya dahil sa mga kasalanang iyon.

Ang dugo ni Jesus ay may iba’t ibang benepisyo para sa mga mananampalataya at hindi mananampalataya. Inalis Niya ang hadlang ng kasalanan para sa lahat (Juan 1:29; 1 Juan 2:2). Ngunit kailangan maging mananampalataya upang mamatay sa mga kasalanan at makapamuhay nang matuwid sa kaniyang karanasan. Sa Col 2:13-14 at 1 Pet 2:24, si Pedro at ai Pablo ay partikular na nagsasalita tungkol sa mga mananampalataya, hindi sa lahat ng tao.

Tingnan ang aking artikulo noong 2009, “Mga Benepisyo ng Dugo ni Kristo: Limitado at Walang Limitasyon.” Tingnan dito para sa higit pang detalye kung paano nag-aalok ang dugo ni Cristo ng iba’t ibang benepisyo para sa lahat ng tao, para sa lahat ng mananampalataya, at partikular para sa mga mananampalatayang naglalakad sa liwanag ng Salita ng Diyos.

Sinuri ko ang maraming mga artikulong nagsasabing binayaran ni Jesus ang penalidad para sa ating mga kasalanan. Isang artikulo mula sa GotQuestions.org ang tumampok sa akin. Habang karaniwan akong sumasang-ayon at gusto ang kanilang mga artikulo (maliban sa mga sumasalamin sa kanilang teolohiyang Lordship Salvation), natagpuan ko ang artikulong may pamagat na “Kung binayaran ni Jesus ang halaga ng ating kasalanan, bakit patuloy pa rin tayong nagdurusa sa mga konsewkensiya ng ating kasalanan?” na nakalilito. Tingnan mo mismo dito.

Habang ang mga mananampalataya ay may maraming kahanga-hangang benepisyo mula sa dugo ni Cristo, hindi kasama sa mga benepisyong iyon ang lisensyang magkasala. Hindi tayo makakasala nang walang kaparusahan. Ang aanihin natin ay kung ano ang itinanim natin. May mga penalidad na ipinapataw ang Diyos dahil sa ating mga kasalanan.

Manatiling nakapokus sa biyaya upang makapamuhay ka nang matuwid at makuha ang Kaniyang pag-apruba sa Bema!
________________________________________


i Posibleng ang pananaw ni Davids ay ang lahat ng mga mananampalataya ay namumuhay nang matuwid at garantisadong magpapatuloy sa pamumuhay nang matuwid hanggang sa kamatayan. Gayunpaman, kahit na iyon ang kaniyang pananaw, nakikita niya ang pagpapagaling sa 1 Pedro 2:24 bilang pagpapalaya mula sa pagkaalipin ng kasalanan upang tayo’y makapamuhay ng matuwid.

Share:

If you wish to ask a question about a given blog, email us your question at ges@faithalone.org.

RECENTLY ADDED

Even Those People Received God’s Grace

I think there is an experience common to every believer who wants to follow the Lord as a disciple. There will be times when he thinks he is...

How Do We Know the Word “Believe” in John 3:16 Does Not Mean Commit, Since it Does in John 2:24 and Other Verses?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Bob Wilkin and Sam Marr are answering a question about the word translated commit or entrust. Is this...

Are There Places Where the KJV Seems to Contradict the Message of John 3:16?

  Someone recently called the office and spoke with Sam. The caller asked him what translation of the Bible we use. Sam told him that we use the...

GRACE IN FOCUS RADIO

GRACE IN FOCUS MAGAZINE

Grace in Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

The primary source of Grace Evangelical Society’s funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.