Ang Mga Mapalad Na Nakakita At Nakarinig

March 11, 2026 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Sa Lukas 10:21–24, tinutukoy ng Panginoon ang mga nakakita at nakarinig ng ilang bagay. Tinatawag Niya silang mapapalad. Sa dagliang konteksto, Siya ay nagsasalita tungkol sa Kaniyang mga alagad, lalo na ang pitumpu na bagong balik mula sa isang paglalakbay ng pangangaral sa Israel. Ang pitumpung ito ay nagpagaling sa mga may sakit at nagpalayas ng mga demonyo sa pangalan ng Panginoon sa pamamagitan ng kapangyarihang ibinigay Niya sa kanila. 

May ilang mag-aakalang ang mga mapapalad ay lahat ng mga mananampalataya. Ang mga hindi mananampalataya ay hindi mapapalad.

Walang dudang ito ay totoo. Ang isang mananampalataya ay may buhay na walang hanggan. Ang isang hindi mananampalataya ay wala. Sa ganitong diwa, ang isang mananampalataya ay masaya (mapalad). Ang isang hindi naniniwala ay hindi.

Ngunit higit pa rito ang ibig sabihin ng Panginoon sa mga sitas na ito. Iminumungkahi kong maraming mananampalataya ang maaaring hindi mapalad sa diwang tinatalakay ng Panginoon. Ito ay totoo sa kabila ng katotohanang ang lahat ng mananampalataya ay may buhay na walang hanggan.

Ang mga alagad sa mga mga sitas na ito ay hindi lamang mga mananampalataya. Sila ay sumusunod sa Panginoon. Ginagawa nila ang Kaniyang gawain. Hindi ibinigay ng Diyos sa lahat ng mananampalataya noong unang siglo ang kakayahang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling ng may sakit. Dahil sa kahandaan ng Kaniyang mga alagad na tumalima sa Panginoon nang may pagsunod, nagkaroon sila ng pribilehiyong makita ang mga bagay na hindi nakita ng iba.

Nakarinig din sila ng mga bagay na hindi narinig ng lahat ng mananampalataya. Sa v23, sinabing ang Panginoon ay nagturo sa mga alagad nang pribado. Ang mga mananampalatayang mga alagad ng Panginoon ay pinagpalang maturuan Niya; ginagawa Niya ito kapag walang mga tao sa paligid. Naglaan Siya ng oras sa mga masunuring mananampalatayang ito. Ipinaliwanag Niya ang mga bagay sa kanila. Maaari lamang nating isipin ang mga bagay na narinig nila! Sila ay isang masayang (mapalad) grupo.

Ang kabaligtaran ay inilarawan sa Juan 2:23–25. Sinasabi ni Juang marami ang nanampalataya kay Jesus. Ang mga taong ito ay mga mananampalataya. Sila ay may buhay na walang hanggan. Sa ganung diwa, sila ay pinagpala.

Pero sa ibang paraan, hindi sila. Sinasabi ni Juang si Jesus “ay hindi rin nagkatiwala” sa mga bagong mananampalatayang ito. Hindi sila handang sumunod sa Kaniya bilang mga alagad. Hindi nila nakita ang mga bagay na nakita ng mga alagad. Hindi nila narinig ang mga bagay na narinig ng mga alagad. Hindi nila nakuhang makasama ang Panginoon nang pribado. Anong biyaya ang itinapon nila.

Kung tayo ay mga mananampalataya kay Jesucristo, natanggap natin ang pinakamalaking biyaya sa sanlibutan. Alam nating mayroon tayong buhay na walang hanggan at mamumuhay kasama Niya magpakailanman.

Hindi tayo kabilang sa pitumpu. Habang wala tayong kapangyarihang magpagaling ng may sakit o magpalayas ng mga demonyo, maaari pa rin nating makita at marinig ang Panginoon. Pero hindi mangyayari iyon kung hindi natin Siya susundan bilang mga alagad. Hindi tayo pagpapalain dahil hindi natin makikita ang Panginoong kumikilos sa ating mga buhay, na binabago tayo ayon sa Kaniyang larawan (2 Cor 3:18; Roma 12:1–2). Hindi natin Siya maririnig na nagsasalita sa atin sa Kaniyang Salita at hamunin tayo sa mas malalim na intimasiya sa Kanya.

Ang Juan 3:16 ay nagsasabi sa ating kung tayo ay mga mananampalataya kay Jesucristo, mayroon tayong kaloob ng buhay na walang hanggan. Sa ganitong paraan, tayo ay mapapalad. Ngunit nawa’y pagpalain din tayo sa diwang ibig sabihin ng Panginoon sa Lukas 10:21–24.

Share:

If you wish to ask a question about a given blog, email us your question at ges@faithalone.org.

RECENTLY ADDED

Will Jewish Christians Be Dual Citizens in the Kingdom? 

Ron asked:   Did the apostles belong to the age of Israel, or the church age, or both? I assume that since they are to be...

Are We Arrogant to Reject the Teachings of the Early Church Fathers?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Ken Yates are answering a question about the early church fathers. How much should...

Seeing What You Want to See 

Recently, a woman was shot and killed by an ICE agent in Minneapolis. It has polarized the nation. The question is: Did the agent lawfully...

GRACE IN FOCUS RADIO

GRACE IN FOCUS MAGAZINE

Grace in Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

The primary source of Grace Evangelical Society’s funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.