Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Teolohiyang Mandela

Teolohiyang Mandela

December 9, 2025 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Ang Epektong Mandela ay isang penomenon kung saan isang malaking grupo ng taong sumusumpang may nangyari kahit hindi ito nangyari. Ang pangalang ito ay nanggaling sa huwad ngunit malawakang paniniwalang si Nelson Mandela ay namatay sa bilangguan noong 1980s. Hindi siya namatay. Ngunit milyong nakakaalalang namatay siya.

Maraming halimbawa ng Epektong Mandela. Maraming taong sumusumpang ang Monopoly Man ay may monocycle (wala naman), na nag Fruit of the Loom logo ay may kornukupya (hindi kailan man), o na binati ni Hannibal Lecter si Clarice ng, “Hello Clarice,” samantalang ang aktuwal niyang sinabi ay “Good morning” (“Magandang umaga”). Isinuksok natin ang “of the world!” (“ng mundo!”) sa katapusan ng We Are the Champions ng Queen (ang pariralang ito ay hindi bahagi ng bersiyon ng estudiyo).

Narinig ninyo na ba ang mga pamosong sipi mula sa TV o pelikula?

  • “Lucy, you got some ‘splaining to do!” (“Lucy kailangan mong magpaliwanag!”) Samantalang sinabi ni Ricky Ricardo ay anyo ng mga salitang ito, ang eksaktong siping ito ay hindi kailan man ginamit sa I Love Lucy.
  • “If you build it, they will come.” (“Kapag tinindig mo ito, darating sila.”) Hindi eksakto. Ang linya ay “Darating siya.”

Ang nakakabahala sa Epektong Mandela ay sinusumpa ng maraming naalala nila ang isang bagay na hindi naman totoo. Pinatutunayan nitong kapag ang isang bagay ay madalas ulitin, pinapalitan nito ang katotohanan sa ating mga isipan.

Ito ay maaaring mangyari sa Salita ng Diyos. Halimbawa, maraming sumisipi kay Isaias na nagsasabing: “Ang leon ay sisiping katabi ng kordero.” Ito ay matatagpuan sa lahat ng dako- sa mga sermon, sa mga awit, sa mga pinta, at sa mga salaming may kulay. Ngunit hindi ito kailan man sinabi ni Isaias. Ang aktuwal niyang sinulat ay: “At ang lobo ay tatahang kasama ng kordero…” (Is 11:6). Walang leon hanggan sa hulihan ng sitas: “At ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; at ang guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata.”

Bakit natin pinalitan ang lobo ng leon? Marahil dahil ang “lion and lamb” (“leon at kordero”) ay mas magandang pakinggan (isang aliterasyon). O marahil mas nais natin ang paghahambing. Ito ay munting halimbawa at may ilang magsasabing hindi nito naapektuhan ang doktrina at sinasalamin nito ang kahulugan ng pasahe, kahit hindi eksakto ang pagkasipi. Ngunit ito ay pag-iisip sa madulas na bangin. Ang paggalaw ng memoryang komunidad  ay nagdulot ng impeksiyon sa buong mga teolohiya, humuhugis kung ano ang iniisip ng taong sinabi ng Diyos at kung paano sila makasusunod sa Kaniya.

Kunin ang pariralang, “Naligtas sa pananampalataya lamang, ngunit ang pananampalatayang nagliligtas ay hindi nag-iisa.” Ito ay pagbaluktot sa Santiago 2:20 na mababasa sa bahagi, “…ang pananampalatayang walang gawa ay patay.” Maraming sumisiping mali kay Santiago, nag-aangking hindi ka ligtas kung wala kang ginagawang mabubuting gawa. Ang sitas na ito ay inabusong walang katapusan. Hindi binabanggit ni Santiago ang eternal na kaligtasan; binabanggit niya ang kapakinabangan, hindi pag-aaring matuwid. Ngunit binaluktot ng Lordship Salvation ang sitas upang maging pagsubok ng eternal na kaligtasan. Ang resulta ay isang buong henerasyong lumalakad sa takot, na tumitingin sa kaloob-looban ng patunay, sa halip na tumingin kay Cristo at manampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan.

Ang ikalawang halimbawa ay “magsisi ng iyong mga kasalanan upang maligtas.” Maraming billboard sa daan ang sumisipi nito. Subalit ang pariralang “magsisi ng iyong mga kasalanan” ay hindi kailan man ginamit sa BT patungkol sa pagtanggap ng buhay na walang hanggan. Ang mga hindi mananampalataya ay dapat manampalataya sa Panginoong Jesucristo para sa buhay na walang hanggan (Juan 3:16, 5:24, 6:47, Gawa 16:31). Subalit, ang huwad na alaala ay nananatili sa milyong tao.

Kung hindi ang mga apostol mismo, ang mga direktang sumunod sa kanila ay na-Mandela. Sa Juan 21, pagkatapos ng Kaniyang pagkabuhay na mag-uli, sinabi ni Jesus kay Pedro kung paano siya mamamatay. Tumingin si Pedro kay Juan at nagtanong, “At ano ang gagawin ng taong ito?” Tumugon si Jesus:

“Kung ibig kong siya’y manatili hanggang sa ako’y pumarito, ay ano nga sa iyo?” (Juan 21:22)

Anong sumunod na nangyari?

Kumalat nga ang sabing ito sa gitna ng mga kapatid, na ang alagad na yaon ay hindi mamamatay: gayon ma’y hindi sinabi ni Jesus, sa kaniya na hindi siya mamamatay… (Juan 21:23)

Mali ang kanilang pagkasipi sa Panginoon. Ipinakalat nila ang maling interpretasyon ng Kaniyang sinabi at ito ay kumalat na tila apoy. Ngunit hindi kailan man sinabi ni Jesus na si Juan ay hindi mamamatay. Ang pinupunto Niya ay ang pokus ni Pedro. Nilinaw ni Juan ang sipi- dahil kahit ang kaunting pagbabago sa Kaniyang salita ay mahalaga.

Makikita natin ang pagpapahalagang ito sa kasaktuhan sa Galacia. Sinulat ni Pablo:

Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, “At sa mga binhi”, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, “At sa iyong Binhi,” na si Cristo. (Gal 3:16)

Si Pablo ay bumubuo ng isang argumento, hindi sa kabanata o sa sitas, kundi sa banghay ng iisang salita- Binhi (pang-isahan) at hindi mga binhi (pangmaramihan). Kung si Pablo, sa inspirasyon ng Espiritu Santo, ay ganito kasakto, dapat ganuon din tayo.

Ang Epektong Mandela ay nagpapakita kung paano ang milyong tao ay maaaring sampalatayahan at ulitin ang isang bagay na kailan man ay hindi nasabi o hindi nangyari. Ang Teolohiyang Mandela ay naglalarawan na buong simbahan ay maaaring gumawa rin nito, pinipiling sumunod sa kolektibong alaala kaysa sa Salita ng Diyos. Ito man ay leon na wala roon, o sitas na hindi kailan man naisulat, o doktrinang itinayo sa pariralang madaling alalahanin sa halip na aktuwal na teksto, ang katotohanan ay nababago ang pagkasulat kung hindi tayo mapagbantay.

Bilang tugon, ang mga mananampalataya ay kailangang paalalahanin ng mga salita ni Pablo kay Timoteo:

“Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan” (2 Timoteo 2:15).

Isang araw, lahat ng mananampalataya ay titindig sa harap ng Panginoon sa Hukuman ni Cristo upang magbigay-sulit. Upang makatayo sa harapan Niya nang walang kahihiyan, kailangang natitindig tayo sa aktuwal Niyang sinabi. Ang ating mga alaala o mga tradisyon ay hindi nagdedetermina ng katotohanan. Tanging ang Salita ng Diyos lamang.

Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka’t tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito” (Gawa 17:11).

Huwag tayong magpa-Mandela. Hayaan nating ang Salita ng Diyos ang mangusap nang malakas at hindi ang madla.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Ken_Y

by Ken Yates

Ken Yates (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Editor of the Journal of the Grace Evangelical Society and GES’s East Coast and International speaker. His latest book is Mark: Lessons in Discipleship.

Recently Added

February 6, 2026

Life in the Catacombs 

Perhaps you have heard of the Paris Catacombs, a mass grave located in tunnels beneath the city.  In the late 18th century, Parisian cemeteries were overcrowded. The filth from decomposing bodies was seeping into the ground...
February 6, 2026

Is the Salvation We Inherit in Hebrews the Same as Reaping Eternal Life?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Sam Marr will answer a question about inheriting salvation in Hebrews. Is this the...
February 5, 2026

What Age Will Believers Look Like in the Kingdom? 

John asked this excellent question:  This question just popped into my cold-soaked brain.  I think you’ve said that our glorified bodies in the millennium will make us appear as...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram