Ang Mga Gantimpala Ng Isang Pulubi

Sa Lukas 16:19-31, ang Panginoon ay may kinuwentong isang nakahahalinang kwento tungkol sa isang mayamang lalaki at isang pulubing nagngangalang Lazaro. Sinimulan Niya ang kwento sa grapikong paglalarawan sa dalawa. Ang mayaman ay nakasuot ng lilang lino, kumakain nang masagana at namumuhay sa karangyaan. Samantala ang sakiting pulubi ay nakaupo sa labas ng pintuan ng








