Maraming beses sa aking buhay Cristiano narinig ko ang mga mananampalatayang pinag-uusapan ang pagpapatawad. Isang sentimyentong narinig ko ay kailangan nating magpatawad at lumimot. Minsan sinasabi ng mga taong kailangan lang nating patawarin ang nagkasalang kapatid, kahit na hindi siya humihingi ng tawad. Minsan, sinasabi ng mga taong kung may nagkamali sa atin, kailangan nating kumilos na parang hindi ito nangyari. Kung, halimbawa, may nagnakaw sa iyo, hindi ka dapat humingi ng kabayaran. Kung patatawarin mo ang isang tao, hindi mo maaring hilingin sa kaniyang ayusin ang mga bagay. Hindi mo sila maaaring panagutin, o hindi mo talaga sila pinapatawad. Kamakailan, labis kong pinahahalagahan kung paano hinahamon ng mga tagataguyod ng Free Grace ang ilan sa mga pananaw na ito.
Ang mga pag-uusap tungkol sa paksa sa mga nakaraang taon ay nagpapaalala sa aking ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang walang mga konsekwensiya para sa kasalanang nagawa. Habang ang konseptong ito ay itinuturo sa BT, ito rin ay ipinapakita sa LT. Ganito palagi ang pakikitungo ng Diyos sa Kaniyang bayan.
Makikita natin ito sa Levitico 6:1-7. Sinabi ng Panginoon kay Moises kung ano ang dapat gawin ng isang Judio kung magnanakaw siya ng isang bagay mula sa kaniyang kapitbahay, o kung, dahil sa kapabayaan, mawala ang isang bagay na pag-aari ng iba. Dapat niyang aminin – ikumpisal – ang kasalanan at maghandog ng alay sa tabernakulo. Walang duda, marami ang magsasabing sapat na ang ganitong pag-amin ng kasalanan. Walang dapat pang hilingin sa lalaking nagkasala. Magpatawad at kalimutan na natin. Ngunit ang Panginoon ay walang ganitong saloobin. Ang lalaki ay kailangan ding bayaran ang halagang ninakaw mula sa kaniyang kapitbahay, dagdagan pa ng 20%. Sa madaling salita, ayon sa Levitico, kung ang isang Judio ay nagkasala laban sa isang tao pagdating sa mga isyu ng ari-arian, hindi sapat na aminin lamang ang kasalanang iyon kung nais niyang maibalik ang kanyang pakikisama sa Diyos at sa kaniyang kapitbahay. Kailangan niyang magbayad-pinsala. Kailangan pa niyang magdagdag ng 20% na tip sa halagang ninakaw niya.
Sa pagkakaunawa ko, nasa isip ni Zaqueo ang mga sitas na ito nang makatagpo siya ng Panginoon sa Lucas 19:1-10. Bilang isang maniningil ng buwis, nagnakaw si Zaqueo mula sa maraming tao. Matapos siyang maging mananampalataya, nais niyang ikumpisal ang kaniyang mga kasalanan. Gusto niyang sumunod sa Panginoon at magkaroon ng pakikisama sa Kaniya. Hindi sapat na ikumpisal ang lahat ng maling nagawa niya.
Alam niyang kailangan niyang gumawa ng restitusyon. Ngunit siya ay lumampas pa sa inaasahan. Hindi niya lang basta ibinalik ang kaniyang ninakaw. Hindi lang siya nagdagdag ng 20%. Ibabalik niya ang kaniyang kinuha, dadagdagan pa ng 400%. Hindi siya sinabihan ng Panginoong “kalimutan mo na.” Pinuri niya si Zaqueo para sa kaniyang pagnanais na ituwid ang mga bagay-bagay.
Ang gusto ko kay Zaqueo ay hindi niya sinabi sa mga taong niloko niya na ninakawan niya sila, at na kailangan lang nilang magpatawad at lumimot. Iyon ay magiging magandang kasunduan para kay Zaqueo! Kumbeniyente. Hindi niya sinabi, “Pinatawad na ako ng Panginoon, at kailangan mo na lang itong kalimutan ito!” Hindi niya sinabi, “Pinatawad na ako ng Panginoon, at kailangan mo na lang itong kalimutan!”
Kung pinag-uusapan man natin ang Levitico 6 sa LT o Lucas 19 sa BT, may prinsipyong umiiral. Ang pagpapatawad sa mga kasalanan ay hindi nangangahulugang walang mga konsekwensiya para sa mga kasalanang iyon. Palagi kong nararamdamang kapag ang isang tao ay nagkasala at ayaw niyang ituwid ang mga bagay kapag kaya niya, hindi talaga siya interesado sa kapatawaran. Gusto niyang magkaroon ng kaniyang cake at kainin ito.
Maraming hindi biblikal na turo tungkol sa pagpapatawad. Ang tagubilin ni Moises sa Levitico 6 at ang halimbawa ni Zaqueo sa Lucas 19 ay dapat magpaalala sa ating sundin ang mga turo ng Kasulatan sa halip na tradisyon.







