Ipinapakita Ba Ng Hukuman Ng Dakilang Puting Luklukang Ang Mga Gawa Ang Nagdedetermina Sa Tadhana? (Pah 20:11-15)

Isa ako sa apat na may-akda ng aklat na pinamagatang Four Views on the Role of Works in the Final Judgment, na inilathala ng Zondervan. Bilang tugon sa aking pahayag na ang Juan 5:24 ay nagpapatunay na ang mga mananampalataya ay hindi huhusgahan sa Paghuhukom ng Dakilang Puting Luklukan, isinulat ni Dr. Tom Schreiner, “Ang Pahayag 20:11-15 [ay tumutukoy sa] paghuhukom ng lahat ng tao” (p. 53, binigyang-diin niya). Sa kaniyang sariling artikulo, isinulat ni Schreiner, “Ang isang mabilis na pagsusuri ng iba pang mga sulatin sa Bagong Tipan ay nagpapakitang ang mabubuting gawa ay kinakailangan para sa eskatolohikal na kaligtasan… Ang pangangailangan ng mabubuting gawa para sa kaligtasan ay laganap; hindi ito isang nakahiwalay na tema!” (p. 92). 

Sa kaniyang Systematic Theology, isinulat ni John Miley, “Ang mga gawa na ating pananagutan sa paghuhukom, at ayon dito ay matutukoy ang ating kapalaran, ay mga gawa ng kasalukuyang buhay” (Systematic Theology, Volume 2 [Peabody, MA: Hendrickson Publishers, 1893, 1989], p. 436, binigyang-diin).

Sa isang aklat noong 2008 na pinamagatang Stand: A Call for the Endurance of the Saints, isinulat ni John Piper ang tungkol sa doktrinang Reformed na Pagtitiis ng mga Banal. Nagbabala siya tungkol sa dalawang labis: ang “mapanganib [na pag-iisip na] ang pagtitiis ay hindi kinakailangan…para sa pinal na kaligtasan” (p. 40) at ang “mapanganib [na pag-iisip na] ang pagtitiis ay naglalagay o nagpapanatili sa Diyos sa ating panig” (p. 41-43).

Sinabi ni Piper na ang takot na hindi makatiis ay isang bagay na kailangang haraping tapat ng lahat ng mananampalataya:

“Kaya kapag sumisikat ang takot na hindi makatiis, huwag mong subukang labanan ito sa pamamagitan ng pagsasabing, ‘Oh, walang panganib, hindi natin kailangang magpatuloy.’ Kailangan mo.” Walang kaligtasan sa huli para sa mga taong hindi lumalaban sa mabuting laban at natatapos ang takbuhan at pinapanatili ang pananampalataya at pinahahalagahan ang paglitaw ni Cristo. At huwag subukang mapagtagumpayan ang takot na hindi makatiis sa pamamagitan ng pagsisikap na makuha ang pabor ng Diyos sa iyong mga pagsusumikap sa kabanalan” (p. 42).

Habang karamihan sa mga Calvinista at Arminiano ay naniniwalang ang kapalaran ng lahat ng mga mananampalataya at hindi mananampalataya na nabuhay ay matutukoy sa Paghuhukom ng Dakilang Puting Luklukan, may mga pagkakaiba sa kung paano ipinapaliwanag ng bawat grupo kung bakit kinakailangan ang mga gawa.

Gayunpaman, ang teksto ng Pah 20:11-15 ay tahasang nagpapakitang ang walang hangang kapalaran ay hindi nakasalalay sa mga aklat ng mga gawa, kundi sa natatanging Aklat ng Buhay.

Kahit na isang kasuwal na pag-aaral ng limang sitas na iyon ay nagpapakitanang g Paghuhukom ng Dakilang Puting Luklukan ay kinasasangkutan ng pagsusuri ng kung ano ang nasa mga aklat ng mga gawa at kung ano ang nasa Aklat ng Buhay at kung ano ang wala.

Ang unang pagsusuri ay tungkol sa mga aklat ng mga gawa. Ang Pahayag 20:12 ay nagsasabing “ang mga aklat ay binuksan” at “ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.”

Isang dahilan para konsultahin ang mga aklat na ito ay upang ipakita sa mga hindi nanampalatayang wala silang karapatan sa pagpasok sa kaharian batay sa kanilang mga gawa, dahil ipapakita ng mga aklat ang mga makasalanang gawa. Ang pangalawang dahilan kung bakit tinitingnan ng Panginoon ang mga gawa ng bawat hindi nanampalataya ay upang matukoy ang antas ng pagdurusang naghihintay sa bawat isa sa lawa ng apoy. Bawat hindi nanampalataya ay bibigyang gantimpala batay sa kanilang mga gawa.

Ang ikalawang pagsusuri ay tungkol sa Aklat ng Buhay. Ang paghuhukom sa walang hanggang kapalaran ng mga hindi nanampalataya ay ibabatay sa kung ano ang nasa Aklat—nag-iisa—ng Buhay. Ang mga tao ay itatapon sa lawa ng apoy kung hindi sila matagpuan sa Aklat ng Buhay: “At sinumang hindi natagpuan na nakasulat sa Aklat ng Buhay ay itinapon sa lawa ng apoy” (Pah 20:15).

Ang isyu tungkol sa walang hanggang kapalaran ay kung ano ang nasa Aklat ng Buhay, hindi kung ano ang nasa mga aklat ng mga gawa.

Pumasok tayo sa Aklat ng Buhay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus para sa walang hanggang buhay (Juan 3:16; cf. Lukas 10:20; Fil 4:3).

Ang mga hindi nanampalataya ay ipadadala sa lawa ng apoy, ngunit hindi dahil sa kung ano ang nasa mga aklat ng mga gawa. Sila ay ipadadala sa lawa ng apoy dahil hindi sila nanampalataya kay Jesus at dahil dito, hindi sila naisulat sa Aklat ng Buhay.

Ang Paghuhukom ng Dakilang Puting Luklukan ay hindi nagtuturong ang mga taong may sapat na mabuting gawa ay makapapasok sa kaharian, habang ang mga taong kulang sa mabubuting gawa ay hindi. Hindi iyon ang isyu. 

Ang Paghuhukom ng Dakilang Puting Luklukan ay nagtuturong ang mga pangalang nakasulat sa Aklat ng Buhay ay makapapasok sa kaharian, habang ang mga pangalang wala sa Aklat ng Buhay ay itatapon sa lawa ng apoy; ibig sabihin, mararanasan nila ang “ikalawang kamatayan” ng Pah 20:14—walang hanggang pagkahiwalay mula kay Jesus at sa Kaniyang kaharian.

Manatiling nakatuon ang biyaya at patuloy kang magiging siguradong ang iyong pangalan ay nasa Aklat ng Buhay, ang pinakamahalagang aklat sa buong kasaysayan.

Get Grace in Focus in your inbox

Share
Post
Email