Isang kaibigang nagngangalang Tom ang tumawag sa akin ngayon (Hunyo 13) at tinanong ako kung nakinig ako sa broadcast noong Lunes, Hunyo 12, ng Grace To You ni John MacArthur. Sinabi niyang tila nagbago na ng pananaw si MacArthur at ngayo’y nanghahawak na sa posisyung Free Grace.
Nakinig ako sa palabas at nakikita ko kung bakit naisip ito ni Tom.
Sa tandang 7:20, nagtanong si MacArthur, “Maaari ba ang mga Judaizers na pumasok sa isang iglesia at guluhin ang mga tao anupa’t inabandona nila ang biyaya at tumakbo patungong Kautusan at pagtutuli at maiwala ang kanilang kaligtasan?”
Para kay MacArthur, ang kabiguang magtiis ay magreresulta sa hindi pagpasok sa kaharian. Ngunit dahil siya ay pormal na naniniwala sa eternal na seguridad sumagot siyang walang tunay na mananampalataya ang maliligaw. Tanging mga huwad na nagpapahayag lamang ang maaaring umabandona sa biyaya at tumakbo sa kautusan.i
Tatlumpong segundo matapos nito, mula sa 7:50, binanggit ni MacArthur ang dalawang kabataang tinuturuan ng mga ateistang propesor. May panganib ba rito? “Paano ang sekular na edukasyon? Paano kung mayroon kang anak na Cristianong talagang na kay Cristo at pinadala mo siya sa Unibersidad ng Blah Blah Blah at may kung sino [ang propesor] na pumasok sa silid at ganap na winasak ang lahat niyang sinasampalatayahan? Maaari ba niyang nakawin ang kaniyang pananampalataya? [HINDI.] Kailangan mong mas maging makapangyarihan kaysa sa Diyos.”
Namangha ako sa pahayag na iyan.
Sa ibang mga mensahe, binalaan ni MacArthur ang mga mananampalataya tungkol sa panganib ng pagkahulog palayo. Hinimok niya ang mga magulang na iwasang ipadala ang kanilang mga anak sa mga paaralang may mga propesor na laban sa Biblia. Binalaan niya ang mga magulang na sila ay maaaring malinlang ng mga huwad na guro.
Siyempre, hindi tinatanggi ni MacArthur ang mga pananaw sa mensaheng narinig ni Tom. Inaasahan niyang ang kaniyang mga tagapakinig ay matatanto na siya ay tumutukoy lamang tungkol sa kung ano ang ginagarantiya ng Diyos- ayon sa Calvinistikong teolohiya- sa mga tunay na mananampalataya. Subalit dahil sa tinuturo ni MacArthur na walang sinumang makasisigurong siya ay tunay na mananampalataya, hangal tayo upang sumali sa kulto o ipadala ang ating mga anak sa isang paaralang may ateistang propesor ng teolohiya at pilosopiya.
Ito ang isa sa mga hiwaga ng mga Calvinista. Kung ang isang tunay na mananampalataya ay sigurado at hindi maaaring mailigaw, bakit hindi siya dapat pumasok sa kulot. Kung ako ay mailigaw, ito ay patunay na hindi talaga ako ipinanganak na muli. Kung hindi, ito ay patunay na ako ay ipinanganak na muli. Bakit hindi pwedeng tumungo sa Harvard Divinity School para magkaroon ng doktorado? Kung ako ay mailigaw, ito ay patunay na hindi talaga ako ligtas. Kung hindi, makakakuha ako ng karagdagang ebidensiya.
Siyempre, ang mga Calvinista ay hindi namumuhay sa ganitong paraan. Takot silang mailigaw. Dahil sa tinuturo ng Kasulatang ito ay posible, ito ay resonableng katakutan. Subalit, natatakot silang walang katiyakan ng buhay na walang hanggan. Ito ay isang malungkot na paraan ng pamumuhay.
Ang katotohanan ay may walang hanggang kasiguruhan ang isang mananampalataya kahit siya ay mahulog paluyo. Ang ating walang hanggang katiyakan ay hindi nakadepende sa ating katapatan.
Ang Roma 8:31-38 ay hindi garantiyang walang mananampalataya ang hindi mahuhulog palayo.
_______
- Ang tamang sagot ay oo, maaaring mailigaw ng mga Judaisers ang mga Cristiano. Tingnan ang Aklat ng Galacia. Ngunit hindi nila maiwawala ang kaligtasan ng mga mananampalataya. Ang pagkahulog palayo ay hindi nakaaalis ng kaligtasan ng isang tao.