Dalawang Panig, O Isang Kontradiksiyon Lamang?

March 17, 2026 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Kamakailan lang ay narinig ko ang isang mangangaral na nagkwento ang kwento ng isang dating miyembro ng kaniyang simbahan. Hindi ito tahasang sinabi ng pastor, ngunit mula sa kwento, maliwanag na siya ay naniniwala sa pananaw ng Lordship Salvation tungkol sa walang hanggang kaligtasan. 

Sinabi niya ang tungkol sa isang pag-uusap na nagkaroon siya sa dating miyembro, na tatawagin kong Bill. Sinabi ni Bill sa kaniyang mayroon siyang nagpapatuloy na relasyon sa ibang babae, kahit na siya ay kasal. Sinabi ng pastor sa kaniyang ang isang patuloy na nagkakasala ng pangangalunya ay hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos dahil ang isang tunay na mananampalataya ay hindi maaaring magpatuloy sa kasalanan.

Sinabi ni Bill sa pastor na alam niyang kasalanan ang pangangalunya, pero alam din niyang magiging bahagi siya ng kaharian. Binanggit niya ang Juan 5:24 at sinabi na ginagarantiyahan siya ni Cristong sa sandaling manampalataya siya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan, hindi niya ito kailanman maiwawala. Sabi niyang ang walang hanggang kaligtasan ay isang kaloob sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Hindi niya kailangang magpatuloy sa mabubuting gawa upang mapanatili ito.

Sinabi ng pastor na ang kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya ay isa lamang sa dalawang panig ng barya. Dapat nating isaalang-alang ang lahat ng mga turo ng Panginoon. Itinuro rin ng Panginoong dapat gumawa ng mabubuting gawa upang makapasok sa Kaniyang kaharian. Nakikilala natin ang mga mananampalataya sa kanilang mga gawa (Matt 7:16).

Sabi ng pastor na ang isang bahagi ng barya ay kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya nang walang gawa. Ngunit ang kabilang bahagi ng barya ay ang kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa. Sinabi niya kay Bill na parang pagka-Diyos ni Cristo ito. Ang ilang mga sitas ay nagsasabing si Jesus ay Diyos. Ngunit may mga sitas ding nagsasabing Siya’y nagutom, tinukso, at hindi alam ang araw ng Kaniyang pagbabalik. Isang bahagi ng barya, pagdating sa Persona ni Cristo, ay Siya ay Diyos, hindi matutukso, at alam ang lahat ng bagay. Gayunpaman, ang kabilang bahagi ng barya ay maaari Siyang matukso at hindi siya omnisiyente.

Ngunit hindi ito balidong paghahambing. Si Jesus ay Diyos. Nang Siya ay maging tao, bilang tao, Siya ay maaaring magutom at masubok ni Satanas na sumuway sa Kaniyang Ama (kahit pa ang masasamang pagnanasa ay hindi Siya matutukso, dahil wala Siyang ganito). Sa Kaniyang pagkatao, kusang-loob Niyang isinantabi ang ilan sa Kaniyang mga prerogatibo bilang Diyos. Ang mga prerogatibong ito ay tumutukoy sa natatanging Persona ng Anak ng Diyos na naging tao. Hindi natin nauunawaan ang Kaniyang kadakilaan, ngunit walang kontradiksyon. Magiging isang kontradiksyon kung sasabihin nating si Jesus ay Diyos ngunit hindi Diyos. Si Jesus ay Diyos, at bilang tao, Siya ay nagutom, atbp. 

Ang mga salita ng pastor tungkol sa walang hanggang kaligtasan ni Bill ay isang kontradiksyon. Sinabi ni Bill na, batay sa Juan 5:24, ang mananampalataya ay may katiyakan ng walang hanggang kaligtasan batay lamang sa kaniyang pananampalataya sa pangako ni Cristo, at walang kinalaman ang mga gawa rito. Sinabi ng pastor na ang mananampalataya ay walang katiyakan ng walang hanggang kaligtasan at upang siya ay makapasok sa kaharian, kailangan niyang gumawa ng mabubuting gawa. Hindi sapat ang pananampalataya.

Pagdating sa walang hanggang kaligtasan, madalas sabihin ng mga Calvinista at ng mga naniniwala sa Lordship Salvation na ito ay parang isang barya na may dalawang mukha. Sa isang bahagi ng barya, mababasa nating ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya na hiwalay sa mga gawa. Sa kabilang bahagi ng barya, sinasabi nitong kailangan mong gumawa upang makamit ang walang hanggang kaligtasan.

Maaari nilang balutin ito sa kahit anong paraang gusto nila. Maaari nila itong ikumpara sa Hypostatic Union. Maaari nilang sabihing ang barya ng walang hanggang kaligtasan ay parang isang bihirang 1913 Liberty Head nickel, at kailangan nating tingnan ang magkabilang panig ng barya upang maunawaan ang kahanga-hanga nitong kagandahan. Ngunit sa huli, ang analohiyang iyan ay walang kabuluhan. Ang kaligtasan ay hindi katulad ng isang baryang may dalawang mukha, at ang analohiyang ito ay hindi nagbabago sa katotohanang ang kanilang sinasabi ay hindi walang dudang isang kontradiksyon.

Share:

If you wish to ask a question about a given blog, email us your question at ges@faithalone.org.

RECENTLY ADDED

What Is Worse Than Being a Fool? 

In the book of Proverbs, the fool takes a beating. A fool can be a believer or an unbeliever. He does not listen to wisdom. This wisdom...

What About the Vice Lists and Believers Suffering With Addictions?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Bob Wilkin and Ken Yates are answering another question related to addictions. In the Bible’s so called vice...

Do We Need to Persevere to Avoid Eternal Condemnation? 1 Corinthians 9:24-27

Do you not know that those who run in a race all run, but one receives the prize? Run in such a way that you...

GRACE IN FOCUS RADIO

GRACE IN FOCUS MAGAZINE

Grace in Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

The primary source of Grace Evangelical Society’s funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.