Marahil lahat ng mambabasa ng blog na ito ay sasang-ayon na ang doktrina ng walang hanggang gantimpala ay isang kahanga-hangga paksa. Ano kaya ang kabilang sa mga gantimpalang ito? Ano kaya ang itsura ng mga ito? Ang mga ito ay mga isyung tinatalakay nang husto sa anumang pag-aaral ng Biblia patungkol sa mga ito.
Ngunit ito rin ay isang napakakumplikadong paksa. Alam nating si Cristo ang magdedetermina kung anong mga gantimpala ang ating tatanggapin. Alam nating ang Kaniyang paghatol ay perpekto. Alam din nating ang mga gantimpala ay hindi ibibigay nang dahil lamang sa dami ng mga nagawa: ang motibasyon din ng mananampalataya ay magdedetermina ng mga gantimpalang tatanggpin. Ang ilang mga gawang inaakala nating mabuti ay hindi gagantimpalaan. Ang ilang mga gantimpala naman ay ibibigay dahil sa ating ginawa bilang isang katawan, sa loob ng local na iglesiang ating dinadaluhan (1 Cor 3:12-14; 4:5; 2 Juan 8-9).
Kapag nabasa natin ang mga estipulasyong ito, sa tingin tama ko lamang isipin nating, sa iba’t ibang kadahilanan, hindi natin alam kung anong mga gantimpala ang ating tatanggapin ng bawat isa. Maaaring magtaka tayo kung ang partikular na ministeryong ating kinabibilangan- ginagawa man natin ito bilang isang indibidwal o bilang isang grupo sa loob ng lokal na pagtitipon- ay nakalulugod sa Panginoon. Maraming mananampalatayang nagtatanong kung gagantimpalaan ng Panginoon ang isang gawain. Gaya nang sinabi ni Pablo sa 1 Corinto 4, sa maraming aspeto, kailangan nating maghintay hanggang sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagharap natin sa Kaniya sa Hukuman ni Cristo.
Bagamat sinasabi ko ang bagay na ito nang may takot at panginginig, sa tingin ko may ilang mga bagay na maaaari nating gawin na garantisadong gagantimpalaan. Maari nating tawagin ang mga itong “tiyak na may gantimpala.” Si Judas, sa v3, ay nagsasabi sa ating “makipaglabang masikap dahil sa ating pananampalataya.” Ang salitang pananampalataya ay tumutukoy sa katawan ng mga aral na pinasa ng Panginoon at ng Kaniyang mga apostol.
Malaking bahagi ng mga aral na ito ay patungkol sa mga doktrina ng eternal na seguridad at katiyakan, gayon din ang paksa ng blog na ito- mga gantimpala. Sa katotohanan, ang may-akda ng Hebreo ay nagsasabing imposibleng mabigyang-lugod ang Diyos malibang manampalataya tayong Siya ay gagantimpala sa lahat ng mga tapat sa Kaniya (Heb 11:6).
Malaki ang utang na loob ko ministeryo ng GES sa pagbibigay-diin sa mga aspetong ito ng pananampalatayang minsan at magpakailan mang ibinigay sa mga banal. Gaya ng natatanto ng halos lahat ng mambabasa ng blog na ito, ang eternal na seguridad ng mananampalataya ay hindi pinahahayag ng karamihan sa Sangkristiyanuhan. Ganuon din ang katiyakan ng kaligtasan sa sandali ng pananampalataya. Sa katotohanan, ang mga doktrinang gay anito ay madalas na tinutuya, minamaliit o binibilang pa na erehe. Ang iturong gagantimpalaan ng Panginoon ang mga gawang ginawa para sa Kaniya ng mga gantimpala ng mas dakilang kaluwalhatian at kapangyarihan sa Kaniyang kaharian ay madalas ding tuyuan at sinasabing makasarili.
Ngunit alam kong karamihan ay “masikap na nakikipaglaban” para sa mga bagay na ito. Ang salita sa makipaglaban ay nagpapahiwatig ng isang laban. Ito ay isang digmaan. Kung ituturo ninyo ang mga bagay na ito, kayo ay nasa minoridad. Ang katotohanang ito ay magiging dahilan upang atakehin ka ng iba. Ipupunto nilang hindi kayo maaaring maging tama dahil iilan lamang ang naniniwala sa mga ito. Aakusahin nila kayo ng pagkakahati-hati. Kayo ay magiging gaya ng mga Spartano sa pelikulang 300. Ang mga Spartano ay may 300 sundalong lumaban sa hukbo ng Persiano sa ilalim ni Xerxes at ng kaniyang 300 000 na tauhan. Ang mga Persiano ay mayroon pang mga ogres, elepante at iba’t ibang armas.
Ang katiyakan ay ang diwa ng pananampalataya at ang buhay na walang hanggan ay hindi maiwawala. Gayon din naman ang mga gawa ay mahalaga dahil ang mga ito ay magreresulta sa walang hanggang gantimpala , na higit pa sa kaloob ng buhay na walang hanggan. Maaaring may ilang maniwala sa mga bagay na ito at ituro ang mga ito nang may maling motibo. Ngunit, ito, sa aking paningin ay isang kabaliwan at bibihira lamang. Ano ang mga maling motibong ito? Tanging isang masokista lamang ang gagawa nito.
Pinipili kong maniwala na kapag narinig ko ang taong magpahayag ng mga magagandang bagay na ito, ginagawa nila ito dahil nais nilang ituro nang buong katapatan ang tinuturo ng BT. Ginagawa nila ito dahil gusto nilang luwalhatiin ang Panginoon. Kapag nakita ko ang ibang gumagawa nito, naniniwala akong ang nakikita ko ay isang bagay na tiyak na gagantimpalaan. Ito ay isang tiyak na bagay. Ito ay dapat magbigay ng lakas ng loob sa karamihan ng mga mambabasa ng blog na ito.