Si Jeff ay may tanong sa nakaraang blog na aking sinulat na may titulong “Saan Sinabi Ni Chafer Na Tayo Ay Walang Problema Ng Kasalanan; Tayo Ay May Problema Ng Anak?”. Silipin dito. Sabi ni Jeff,
Subalit, tila ang Pahayag 21:8 ay lumilipad sa mukha ng ganiyang kaisipan, na gumagawa sa kasabihang [ang mga hindi mananampalataya ay walang problema ng kasalanan, sila ay may problema ng Anak] magmintis: “Ngunit sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya,a t sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway at sa mga mapagsamba sa mga diosdiosan, at sa lahat ng mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”
Tila, ayon sa sitas na ito, ang mga sumusunod ay totoo:
-
- Ang kanilang kasalanan ay ibinilang sa kanila.
- Kailangang may gawin sila sa problema ng kasalanan.
- Ang aklat ng buhay ay maaaring bigyang kahulugan bilang kanilang kasalanan. At,
- Ang dahilan kung bakit sila nasa lawang apoy ay kanilang kasalanan, at hindi lamang ang kanilang kawalang pananampalataya.
May sinulat ako sa Pahayag 21:6-8 kamakailan. Silipin dito.
Ngunit ang tanong ni Jeff ay bahagyang naiiba kaya nais kong talakayin ang ramipikasyon ng Pahayag 21:8.
Ang Pahayag 21:8 ay naglalarawan ng tatlong uri ng tao: ang mananampalatayang nakapasok sa kaharian ngunit hindi maghaharing kasama ni Cristo (v6), ang nanagumpay na mananampalatayang maghaharing kasama ni Cristo (v7), at ang hindi mananampalatayang nasa labas ng kaharian at uubos ng eternidad sa lawang apoy (v8).
Ang parehong tatlong grupo ay makikita sa Pah 22:14-17, ngunit ang pagkakasunod-sunod ay iba: ang tagumpay na mananampalatayang maghaharing kasama ni Cristo (v14), ang hindi mananampalatayang nasa labas ng kaharian (v15), at ang mananampalatayang tumanggap lamang ng tubig ng buhay (v17).
Sa katapusan ng Pahayag 21, pinahayag ng Panginoon na ang nasa labas ng kaharian ay lahat makasalanan, na ang kanilang mga pangalan ay hindi nasumpungan sa Libro ng Buhay (Pah 21:27).
Ang susi ay ang Libro ng Buhay. Ang mga nasa Libro ng Buhay ay nasa kaharian. Ang mga taong wala sa Libro ng Buhay ay itatapon sa lawang apoy (Pahy 20:15; 21:27). Ang tanging paraan ang tao ay mailalagay sa Libro ng Buhay ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan (hal Lukas 10:20; Fil 4:3). Ang mga hindi mananampalataya ay mamamatay sa kanilang mga kasalanan (Juan 8:24). Nangangahulugan ito na sila ay nakatali sa kasalanan magpakailan man at mga makasalanan magpakailan man. Ang sabihing walang makasalanan sa kaharian ay ang sabihing tanging ang mga nasa Libro ng Buhay lamang ang nasa kaharian. Ang mga hindi mananampalataya ay nasa labas ng kaharian hindi dahil sila ay nagkasala sa buhay na ito (Tayo man ay ganuon din!). May mga konsekwensiya ang mga gawang ginawa sa buhay na ito. Ang antas ng kanilang paghihirap ay nakadepende sa kanilang mga gawa.
Ngayon direktan nating sagutin ang apat na puntos ni Jeff:
Una, ang salitang sinalin na ibinilang ay logizomai. Nangangahulugan itong “ikredito ang isang bagay sa isang tao” (BDAG). Samakatuwid, ang ating mga kasalanan ay ibinilang kay Jesus (2 Cor 5:21) at ang Kaniyang katuwiran ay ibinilang sa mga mananampalataya sa Kaniya (2 Cor 5:21). Ang Bagong Tipan ay hindi tumutukoy sa kasalanan ng isang tao na ibinibilang sa kaniyang sarili. Ngunit, kung tama ang aking pagkaunawa sa punto ni Jeff, oo, ang mga hindi mananampalataya may masasamang gawa na susuriin sa libro ng mga gawa (Pah 22:!2). Sila ay susuriin sa kanilang mga gawa (ayon sa Pah 20:12-13), hindi sa mismong mga kasalanan.
Ikalawa, dahil kanilang tinakwil ang libreng biyaya ng buhay na walang hanggan, sila ay tutungo sa lawang apoy. Ngunit ang antas ng kanilang paghihirap duon ay nakabase sa kanilang mga gawa (hindi mga kasalanan). Kasama na rin dito ang kanilang masasamang gawa.
Ikatlo, ang libro ng mga gawa ay hindi libro ng mga kasalanan. Ito ay tinawag na libro ng mga gawa (Pah 20:12-13). Ang mga gawa ay maaaring mabuti o masama. Maling isipin na ang mga hindi mananampalataya ay mayroon lamang masasamang gawa sa kaniyang rekord. Ang mga hindi mananampalataya ay maraming mabuting gawa sa mga libro. Isipin mo ang lahat ng mga taong hindi nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan subalit nagpakain ng mga nagugutom, nagpagaling ng mga maysakit, bumisita sa mga nakakulong, minahal ang kanilang mga asawa at mga anak at mga kapitbahay atbp. Dahil ang mga hindi mananampalataya ay nagtataglay pa rin ng larawan ng Diyos, mayroon silang mabubuting gawa. Hindi ba’t sinabi ng Panginoong Jesus na maging ang hindi mananampalatayang magulang ay nagbibigay ng mabubuting regalo sa kanilang mga anak (Lukas 11:11)?
Ikaapat, ang nag-iisang dahilan kung bakit sila ay nasa lawang apoy ay dahil hindi sila nanampalataya kay Jesus at dahil diyan ay hindi naitala ang kanilang mga pangalan sa Libro ng Buhay (Pah 20:15). Subalit, ang antas ng kanilang paghihirap na mararanasan sa lawang apoy ay direktang may kaugnayan sa kanilang mga gawa, mabuti man o masama.