Sapagkat hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, at ang lahat ay nagsitawid sa dagat, at lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat, at lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu, at lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagkat nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila, at ang batong yaon ay si Cristo. Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Diyos sapagkat sila’y ibinuwal sa ilang (1 Corinto 10:1-5).
Sumulat ako ng blog na nagsasabing malabong ang buong henerasyon ng Exodo ay naipanganak na muli. Tingnan dito. Ito ay nagbunga sa isang magandang email mula sa isang kaibigang nagngangalang Jon:
Napakainteresante! Paano mo ito nakikita sa liwanag ng 1 Corinto 10:1-4? Tila sinasabi ni Pablo na ang lahat ng umalis sa Egipto ay ligtas. Ano ang konteksto ng “lahat” sa mga sitas na ito? Kung sila ay uminom mula sa Bato at ang Bato ay si Cristo, hindi ba’t ito ay nangangahulugang lahat sila ay ligtas?
Ang lahat ng magulang ng mga Judio ay: 1) nasa ilalim ng alapaap; 2) dumaan sa dagat; 3) nabautismuhan kay Moises; 4) kumain ng parehong espirituwal na pagkain; at 5) uminom ng parehong espirituwal na inumin.
Ngunit, pansinin ang pagkakaiba sa v5. Sa halip na ang Diyos ay natuwa sa kanilang lahat, Siya ay hindi nalugod sa “karamihan sa kanila”- samakatuwid ay lahat maliban kay Joshua at Caleb.
Wala sa alin man sa limang elementong ito ang nagmumungkahing ang buong henerasyon ng Exodo ay naipanganak na muli. Isang alapaap ang gumabay sa kanila. Ligtas silang tumawid sa Dagat na Tambo. Sila ay nabautismuhan kay Moises, na nangangahulugang lahat sila kinilalang kasama ni at sumunod kay Moises bilang kanilang pinuno. Lahat sila ay uminom ng tubig na mahimalang lumabas sa isang bato (i. e. mula kay Cristo).
Si Cristo ang Pinanggalingan ng tubig na kanilang ininom sa ilang. Iyan ang punto ni Pablo sa v4. Ngunit ang tubig ay tubig, at hindi metapora sa mensahe ng buhay na walang hanggan gaya ng sa Juan 4:10-14. “Ang pag-inom ng buhay na tubig” ay tayutay para sa pananampalataya kay Jesus. Ang henerasyon ng Exodo ay hindi nanampalataya sa darating na Mesiyas para sa buhay na walang hanggan nang sila ay uminom ng pisikal na tubig na binigay ng Mesiyas.
Nagpakain sa Jesus ng 5000 na lalaki, na may kasama pang mga babae at mga bata, ngunit hindi ito nangangahulugang lahat sila ay naipanganak nang muli. Nagbigay ng alak si Jesus sa kasalan sa Cana, ngunit hindi ito nangangahulugang lahat ng uminom ng alak ay ligtas kailan pa man.
Tsinek ko ang mga komentaryo. Isa ang nasumpungan kong nagsabing dahil ang Diyos ay hindi nalugod sa karamihan sa kanila, “naiwala nila ang pabor ng Diyos at nabigo sa pinangakong kaligtasan” (Lang, Kling, at Poor, 1 Corinthians, p. 198). Posibleng hindi tinutukoy ng komentaryong itoa ng kaligtasan mula sa walang hanggang kapahamakan kundi ang kaligtasan sa ilang at pagpasok sa Lupang Pangako.
Sa komento sa 1 Cor 10:12, malinaw si Gordon Fee sa kaniyang pagkaunawa: “Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga taga-Corinto rin gaya ng Israel, ay maaaring mabigong maamo ang gantimpalang eskatolohikal, sa kasong ito ay walang hanggang kaligtasan (tingnan sa 6:9-12)” (First Corinthians, p. 459). Ang pananaw na ito ay ganap na salungat sa malinaw na kahulugan ng Juan 3:16 o Ef 2:8-9.
Ang punto ng 1 Cor 10:1-5 ay ang pagkakaroon ng malaking espirituwal na yaman ay hindi garantiya ng espirituwal na tagumpay. Ang punto ay hindi lahat ng henerasyon ng Exodo ay naipanganak na muli.