Kapag nagbabasa ako ng Lumang Tipan, nasisiyahan akong makita ang isang bagay na espisipikong tinukoy ng mga manunulat ng Bagong Tipan. Nasumpungan ko ang aking sariling nagbabasa at nagsasabing, “Ito ay nagpapaalala sa aking ng isang bagay na sinabi ni Pablo. Ito kaya ang nasa isip ni Pablo?”
Minsan ang mga reperensiyang ito ay halata. Halimbawa maaaring sipiin ni Pablo ang isang partikular na sitas ng Lumang Tipan, at alam mong ito ang nasa kaniyang isipan. Subalit, minsan walang direktang sipi. Kamakailan may nakita akong sitwasyong gaya niyan habang nagbabasa ako ng aklat ni Jeremias.
Sa aklat ni Jeremias, ang propeta ay nakikipag-usap sa isang bansang nag-iisip na hindi sila hahatulan ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan. Hindi nga ba’t sila ang piniling bayan. Ang templo ng Diyos ay nasa gitna ng kanilang lunsod-kabisera. Araw-araw silang nag-aalay sa Diyos sa templong iyan. Nang sinabi sa kanila ni Jeremias na darating ang mga taga-Babilonia upang wasakin ang kanilang kabisera at templo kung hindi sila magsisi, tumanggi silang maniwala sa kaniya, kahit pa sinabi niya ito sa kanila sa loob ng 40 taon.
Ang mga Israelita ng araw ni Jeremiah ay may maling kaisipang ang Diyos ay nasisiyahan sa kanila dahil sa kanilang mga ritong panrelihiyon. Ginawa nila ang mga ritong ito dahil nakipagtipan sila sa Diyos. Bilang tanda ng kanilang tipan, ang mga lalaki ay nagpatuli. Ang kanilang pagtutuli ay isa ring ritong kanilang inaasahan. Sa kanilang kaisipan hindi didisiplinahin ng Diyos ang isang bansang ang mga lalaki ay mga tinuli.
Sa isang punto, sinabi ni Jeremias sa mga taong ang tunay na mahalaga sa kanilang relasyon sa Diyos ay ang makilala Siya. Sila ay dapat maging isang bansang nakakaunawa ng Kaniyang katangian. Siya ang Diyos na mabiyaya, matuwid, at umiibig sa katarungan (Jer 9:24). Malinaw na ang punto ay dapat nilang hanapin ang mga ito ay kumilos nang ayon sa mga ito.
Isang pangunahing tema ng aklat ay kung hindi nila gagawin ang sinabi ng Diyos na dapat nilang gawin, ang kanilang ritong panrelihiyon ay walang saysay. Ano ang saysay ng pagkaroon ng templo at ang mag-alay ng hayop sa templo, kung sila ay hindi sila gagawa ng katuwiran at katarungan? Maiingatan ba sila ng kanilang mga rito mula sa disiplinang ipinangako ng Diyos na ipadadala kung sila ay sumuway sa Kaniya? Ang sagot ni Jeremias ay isang malinaw na HINDI. Ang mga rito ay mabuti lamang kung ang mga ito ay sumasalamin sa isang pusong umiibig sa Diyos at sa isang buhay ng pagsunod sa inuutos ng Diyos.
Sa Jeremias 9, inilapat niya ito sa pagtutuli. Sinabi niya sa kanila na darating ang araw na parurusahan ng Diyos ang mga taong pisikal na tinuli ngunit hindi tuli sa kalooban. Sinabihan niya silang sila ay hindi pa rin tuli sa kanilang mga puso, kahit pa isinagawa na nila ang ritwal. Ang kanilang mga gawa ng pagsuway ay nagpapakitang sila ay hindi kalugod-lugod sa Diyos.
Dapat sana ay batid nila ang bagay na ito. Pinaalalahanan ni Jeremias na may mga bansa sa kanilang paligid na nagtutuli rin. Kabilang sa mga ito ang Egipto, Edom, Ammon, at Moab. Hindi nila kilala ang Diyos. Pinuputol nila ang kanilang mga buhok sa paraang nagpapakita ng kanilang katapatan sa ibang mga diyos, kahit pa sila ay tinuli. Ang kanila bang pagtutuli ay magliligtas sa kanila mula sa pagsamba sa ibang Diyos? Natural hindi. Paano naisip ng mga Israelita na ang kanilang pisikal na pagtutuli ay makalulugod sa Diyos habang sila ay aktibong sumusuway sa Kaniya (Jer 9:25-26)? Sa katotohanan, sila man ay sumasamba sa ibang mga diyos.
Hindi ito sinipi ni Pablo ng letra por letra sa Roma 2:25-29, ngunit sila ang nasa isip ni Pablo. Nagsasalita siya tungkol sa kung paano ang isang tao ay mahahayag na matuwid sa harap ng Diyos. Sa kaniyang pagkausap sa mga Judio ng kaniyang araw, pinunto niya na marami sa kanilang nag-iisip na ang kanilang pagtutuli ay nagmamarka sa kanilang matuwid sa mata ng Diyos. Ngunit ang pisikal na pagtutuli ay walang kabuluhan kung ang tao ay hindi tumutupad ng kautusan. Kailangan ang pagtutuli ng puso.
Sa pagtalakay ni Pablo, pinunto niyang walang sinumang nakasunod sa Kautusan ni Moises. Ang tanging paraan upang maging matuwid sa harap ng Diyos ay pananampalataya lamang kay Cristo lamang. Ang pinakasapin ay ito: ang mga ritong panritwal ay walang kakayahang gawin ang sinumang maging katanggap-tanggap sa Diyos. Tanging pananampalataya lamang kay Cristo lamang ang makagagawa niyan.
Kailangang sawayin ni Jeremias ang mga tao ng kaniyang kapanahunan tungkol sa kanilang pagtitiwala sa mga seremonyang panrelihiyon. May katiyakan silang ang mga bagay na ito ay mag-iingat sa kanila mula sa disiplina ng Diyos. Ang dapat sana nilang gawin ay ang magpatuli at mag-alay ng mga handog dahil iniibig nila ang Panginoon at nais nilang pasiyahin Siya.
Marami ngayon ang naglalagak din ng kanilang tiwala sa mga ritong panrelihiyon gaya ng paglahok sa simbahan, pagbigay ng ikapu, bautismo, pananalangin, at pagbahagi sa komunyon. Naniniwala silang kung magagawa nilang maging tapat sa mga ritong ito hanggang kamatayan, sila ay tatanggapin sa kaharian ni Cristo. Ngunit ito ay mali. Walang sinumang ipinahayag na matuwid sa harap ng Diyos o tumanggap ng buhay na walang hanggan dahil sa paggawa ng mga bagay na ito. Ang paglilingkod sa simbahan, ang pag-aabuloy sa ministeryong Cristiano, at bautismo ay mga kapahayagan lamang ng isang nagpapasalamat na puso bilang tugon sa biyaya ng Diyos. Kay Cristo, nababatid ng mananampalataya na siya ay may buhay na walang hanggan na isang regalong hinding hindi niya maiwawala (Juan 3:16; 5:24; 11:26). Anumang ritwal ang ating pinahahalagahan, wala itong kinalaman sa regalong iyan.