Isang kaibigan ng pamilya ang kamakaila’y nagsimulang magtrabaho sa isang Cristianong ministry na nakatuon sa mga Kabataan. Sinabi niya sa kanilang naniniwala siya sa evangelio ng biyaya at nasisiyahan siya sa ministri ng GES. Hinayag ng ministri sa mga kabataang sang-ayon sila sa turo ng Biblia patungkol sa biyaya. Ngunit napansin ng aming kaibigang sa ilang lugar, ang mga nasa ministri ay malabo sa biyaya. Inisip niyang marahil ay mas dapat itong bigyan ng pokus. Ang kawani ng ministri ay may pag-aaral ng Biblia buong lingo, at naisip niyang isa itong magandang oportunidad upang talakayin kung paano ang Free Grace ay nakaaapekto sa maraming pasahe ng Biblia.
Kamakailang ang GES ay may kumperensiya sa Georgia. Tumulong ang aming kaibigan sa kumperensiyang iyan. Ang tema ay tungkol sa mga salitang madalas na hindi nauunawaan ng mga ebangheliko. Isa sa paksa na tinalakay ay kung paano ang Free Grace nakakaapekto sa Roma 10. May video si Bob Wilkin sa Roma 10 at sabik ang aming kaibigang ibahagi ito sa ministry ng mga kabataan. Binahagi niya ang video ni Bob sa kanila.
Ngunit ang lider ng ministri sa kabataan ay nagpahayag ng ilang pag-aalala tungkol sa kaniyang narinig. Nagsagawa siya ng malalim na pagsisiyasat sa teolohiyang Free Grae at hindi niya gusto ang kaniyang nadiskubre. Sa isang serye ng pagtitipon, sinabi niya sa aming kaibigang ang GES ay “nasa laylayan,” “hindi flexible o nababaluktot” at pinahihiwatig niyang kami ay kulto at hindi nagtuturo ng katotohanan. Malinaw sa kaniyang totoo ito dahil siniyasat niya ang dosenang komentaryo sa Roma, at lahat ay hindi sang-ayon sa pananaw ni Bob (o ng Free Grace). Inamin niyang malinaw na inaral nang husto ni Bob ang Biblia ngunit hindi na kailangan pang siyasatin nang malapitan ang mga bersikulo dahil ang mayoridad ng mga komentarista ay nagsalita na.
Idinagdad ng lider na ang Free Grace ay nagtuturo ng hindi biblical na evangelio. Kung ang isang tao ay Nakagawa ng isang matinding kasalanan, gaya ng pagtanggi ng pananampalataya, hindi sila “makapapasok sa langit.” Ipinahihiwatig niyang kung ang mga ito ay mananamapalataya, maiwawala nila ang kanilang kaligtasan. Sinabi niya sa aming kaibigang hindi na siya maaaring maging bahagi ng ministri dahil sa kaniyang mga paniniwala sa biyaya.
Maraming aral na natutunan ng aming kaibigan- at maging tayo- sa karanasan niyang ito. Alam kong karamihan sa inyong nagbabasa ng blog na ito ay alam ang ibig kong sabihin. Ngunit ito ay isang mabuting paalala sa lahat. Kung ikaw ay bago sa Free Grace, at kung hindi magmatulin ang Panginoon sa Kaniyang pagbabalik, matatanto ninyo ang mga ito sa inyong mga sarili.
Una, marami sa Sangkristiyanuhan ang madalas gumamit ng kaparehong mga salita ngunit mayroong ibang pagkaunawa ng kanilang mga kahulugan. Ginagamit ng mga guro ang salitang biyaya, ngunit ang kanilang depinisyon ng biyaya ay mali. Kung ikaw ay Free Grace, alam mong ang biyaya ay nangangahulugang ganap na libre at walang gawa ang kaakibat dito. Subalit, marami ang hinahalo ang mga gawa sa kanilang depinisyon, at ginagamit ito sa kabaligtaran ng gamit nito sa Biblia. Ang lider ng ministri ay demonstrasyon nito. Sinabi niyang ang isang hindi mananampalataya ay naliligtas sa biyaya ngunit kung kalaunan ang taong ito ay gumawa ng masama, patunay ito na siya ay hindi talaga ligtas. Ang kahulugan ng biyaya ay radikal na nabago.
Ikalawa, kung ikaw ay nagtuturo ng biyaya, ikaw ay sasalungatin. Sinabi ng lider ng ministri ang katotohan: Mayoridad ng mga guro/mangangaral/mga aklat ay laban sa Free Grace. Imposibleng maging tapat sa pagpahayag ng hindi naiwawalang buhay na walang hanggan at hindi ma-challenged. Ang aming kaibigan ay bata pa. Maaga niyang natutunan ang aral na ito.
Ikatlo, marami sa Sangkristiyanuhan ang hind nakapokus sa exegesis. Sila ay naging tila mga Pariseo sa BT. Upang madetermina kung ano ang katotohanan, ang mga Pariseo ay maapila sa sinulat ng mga dakilat rabi, sa nakaraan at sa kasalukuyan. Ang mga teologong Free Grace ay madalas itakwil dahil ang mayoridad ng mga ebanghelikong guro ay hindi ito tinuturo. Kung ang mayoridad ay hindi sang-ayon sa biyaya, sabi nila, ang biyaya ay hindi totoo.
Sa kahuli-hulihan, ang pagiging hindi flexible sa iyong teolohiya ay isang mabuting bagay. Ang teolohiyang Free Grace ay madalas atakehin dahil sa hindi ito handang tanggapin ang pananaw ng iba sa evangelio ng buhay na walang hanggan. Sinasabi nilang hindi malaking bagay kung ang isang tao ay naniniwalang naiwawala ang kaligtasan, o kailangan mong gumawa upang patunayan ang iyong kaligtasan, o hindi mo matatamo ang pinal na kaligtasan hanggan sa hindi ka pa namamatay. Sa kanilang pananaw, hindi flexible ang Free Grace at hindi marunong makitulungan sa iba.
Ngunit ang lider ng ministri ay patunay na ito ay totoo sa kabilaang panig. Ang mga nasa mayoridad ay hindi rin flexible. At dapat lamang. Kung, bilang lider ng ministring iyan, siya ay naniniwalang maaaring maiwala ng isang tao ang kaniyang kaligtasan, tama siyang sabihin sa aming kaibigang hindi na siya maaaring makitrabaho sa kanila. Ang evangeliong tinuturo ng mayoridad sa Sangkristiyanuhan ay hindi ayon sa biyaya. Ang puntong gusto kong ipakita ay ang mga nag-aakusa sa GES na hindi flexible ay hindi rin flexible. Natutuwa akong nauunawaan ng lider ng ministri na ito ang kahalagahan ng isyu.
Ang teolohiyang Free Grace ay resulta ng pag-aaral ng Biblia. Kung ikaw ay bahagi ng pagtuturo nito, makararanas ka ng parehas sa aming kaibigan. Natutuwa akong naranasan niya nang harapan ang pagsalungat sa Free Grace na madalas naming maranasan. Alam kong karamihan sa atin ay masasabing, “Dinaanan ko rin iyan, naranasan ko rin iyan.”