Madalas sa mga sirkulong ebanghelikal na sabihin ng isang mangangaral o manunulat, “Kung ang iyong buhay ay hindi nagpapakitang ikaw ay nabago, pinakikita mo lamang na ikaw ay walang tunay na nagliligtas na pananampalataya.” Maraming nauunawaan ang 2 Cor 5:17 na nangangahulugang ang isang tao ay naging sakdal espirituwal sa sandali ng pananampalataya. Lahat ng kaniyang dating mga awi ay wala na. Sa isang iglap. Lasenggero? Hindi na ngayon. Mainitin ang ulo? Hindi na rin. Tsismosa? Hindi na ngayon. Sinungaling? Hindi na rin. Ikaw ay isang bagong nilalang sa iyong karanasan. Ang mga lumang bagay ay nakalipas na. Hindi na kailangang ang Celebrate Recovery o anupamang programa. Ikaw ay sakdal sa isang iglap sa sandali ng pananampalataya.
Sa isang artikulo sa desiringGod.org (tingnan dito), nagtanong si William Farley, “Ang Pananampalataya Ba Kay Cristo ay Nagbago Sa Iyo?” Sinabi niya, “Ang bagong kapanganakan at ang espirituwal na bunga ay hindi mapaghihiwalay… Pinag-isa ni Juan ang bagong kapanganakan sa binagong paraan ng pamumuhay.”
Si Aaron Armstrong ng Gospel Project ay sumulat,
“Kung ikaw ay ipinanganak nang muli, hindi lamang ang iyong panloob na sarili ang binago, kundi pati ang panlabas na sarili, ngunit ang pinakaugat at prinsipyo ng iyon gbuhay ay kailangang maging ganap na bago. Nang tayo ay nasa kasalanan namumuhay tayo para sa kasalanan, ngunit nang tayo ay binago, namumuhay tayo sa Diyos. Nang tayo ay hindi pa naipanganak na muli, ang ating prinsipyo ay hanapin ang ating sariling kasiyahan, ang sarili nating pag-asenso. Ngunit ang taong ito ay hindi talaga tunay na naipanganak na muli kung siya ay namumuhay nang may ibang layon kaysa rito” (tingnan dito).
Minsan akong nagsalita sa 2 Cor 5:17 sa isang simbahang Southern Baptist sa Wichita Falls, Tx. May isang koboy sa gitnang-apatnapu ang nasa klase. Nang aking sabihing marami ang nagsasabing ang lahat ng dating makalamang pagnanasa ay Nawala na sa sandaling ikaw ay manampalataya kay Cristo, siya ay nagalit. Sinabi niyang siya ay isang lasenggero nagrerekober pa lang. Patuloy siyang nakikibaka sa alkoholismo ilang taon matapos niyang maligtas. Tapos pumasok siya sa rehab. Hindi na siya nakatikim ng alak sa loob ng maraming taon. Ngunit sinabi niyang siya ay nagnanasang uminom araw-araw. Nasumpungan niya ang sandaliang kasakdalan na isang insulto sa kaniyang katalinuhan.
Gaya niya, marami ang nakikilalang ang maturidad ay nangangailangan ng oras (1 Cor 3:1-3; Heb 5:12-14). Walang biglaang maturidad. Ang mga lumang gawi ay hindi basta-basta nawawala. Para sa paliwanag kung ano talaga ang ibig sabihin ng 2 Cor 13:5, tingnan dito insert html here.
Nagdesisyon akong pag-aralan ang salitang pagbabago (metamorphoo, kung saan nakuha natin ang salitang Ingles na metamorphosis).
Ito ay naganap lamang nang apat nab eses sa BT. Lahat nang apat na gamit ay kilala bagamat karamihan sa mga saling Ingles ay hindi sinalin ang dalawa sa mga gamit bilang transformed.
Dalawa ang masusumpungan sa mahahalagang sitas sa sanktipikasyon na Roma 12:2i at 2 Cor 3:18. Ang dalawa ay parehong nagsasabing tayo ay maaaring baguhin ng Espiritu Santo na binabago ang ating isipan sa pamamagitan ng Kasulatan. Sa parehong kaso, ang transpormasyon ay hindi awtomatiko. Posibleng umayon sa sanlibutang ito (Roma 12:1-2). Maraming mananampalatayang nag-iisip na kapareho ng pag-iisip ng sanlibutan (1 Cor 3:1-4).
Ang dalawa pang gamit ay patungkol sa Panginoong Jesus. Siya ay nabago sa harap nila Pedro, Santiago at Juan sa isang mataas na bundok (Mat 17:2; Mar 9:2).ii
Kapag tayo ay nabago sa pagbabago ng ating isipan, tayo ay nagiging kahawig ni Cristo.
Ang salitang Ingles na transformed/(binago) na nagsasalin ng ibang salitang Griyego ay ginamit nang apat nab eses sa BT sa NKJV (at sa KJV). Tatlo (2 Cor 11:13-15) ay gumamit ng salitang metaschematizo bilang pantukoy sa mga huwad espirituwal. Mayroong mga “huwad na apostol” na “binabago ang kanilang sarili na mag-anyong apostol ni Cristo” (2 Cor 11:13). Sinabi ni Pablo na “si Satanas mismo ay nagbabagong-anyo na anghel ng kaliwanagan” (2 Cor 11:14). Dinagdag niya pang ang mga ministro ni Satanas “ay binabago ang kanilang mga sarili upang maging ministro ng katuwiran” (2 Cor 11:15). Karamihan sa mga saling Ingles ay sinalin ito bilang nagbabalat-kayo sa tatlong sitas (NASB, NET, HCSB, CEB, CSB, ESV, RSV). Sa tingin ko ito ay mas maiging salin kaysa sa salin ng NKJV.
Ang panghuling gamit ng salitang Ingles na transformed ay nasa Fil 3:21, at ito ay sinasalin din ang metaschematizo. Marami sa mga salin ay sinalin ito na will transform/magbabago (NKCV, NIV, NET, NASB, HCSB, CEB, CSB, ESV). Ang ilang salin ay mayroong will change/magbabago (KJV, WEB, RSV). Sumama ang NIV at NET sa NKJV sa saling will transform/magbabago.
Ang pag-iisip, ang pananalita, at gawi ng mga mananampalataya ay kailangang magbago. Ito ay hindi garantisado sa buhay na ito. (Ito ay garantisado sa pagbabalik ni Jesus; tingnan ang 1 Juan 3:2). Hindi ito awtomatiko. Kung ang isang mananampalataya ay makakita ng isang solidong simbahang nagtuturo ng Biblia, at aktibong makinig kada lingo na may interes at pagnanais na magbago, siya ay mababago paunti-unti.
Ang bagong kapanganakan ay hindi nagreresulta sa biglaang transpormasyon. Ginagawa nito ang paunti-unting transpormasyon sa loob ng ilang panahon.
_________________
- Tingnan dito sa aking artikulo sa Roma 12:2.
- Sa Mat 17:2 at Mar 9:2, dalawang salin- ang HCSB at CEB ay sinalin ang salita bilang transformed.