Kahapon (Hulyo 23), nakarinig ako ng isang sermon ni Michael Hewett, Associate Pastor ng Coppell Bible Church tungkol sa parabulang ito. Ito ay isang napakahusay na mensahe.
Habang nagsasalita si Michael, nasumpungan ko ang aking sariling nagninilay sa pariralang ito sa Mat 13:43, “Kung magkagayo’y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may pakinig ay makinig.” (dinagdagang diin).
Ang mga salita ng Panginoon dito ay kahawig ng Daniel 12:2-3, “At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba’y sa walang hanggang buhay, at ang iba’y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak. At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit, at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man.” (dinagdagang diin).
Maraming komentarista ang nauunawaan ang Mat 13:43 na pantukoy sa walang hanggang karanasan ng lahat ng mananampalataya (hal Hal Haller, R. T. France, Leon Morris, Craig Blomberg, R. H. Lenski).
Ngunit napapaisip ako.
Ang Panginoon ay maaaring tumutukoy sa masaganang walang hanggang karanasang mararanasan lamang ng mga mananagumpay na mananampalataya. Ikumpara halimbawa ang 2 Ped 1:5-11; Pah 2-3.
Ang interpretasyong ito ay kinumplika ng katotohanang ang Dan 12:2-3 ay karaniwan ding nauunawan bilang patungkol sa lahat ng mananampalatayang magliliwanag magpakailan man.i Subalit, kakatwang tukuyin ang lahat ng mananampalataya bilang “mga pantas.” Sa mga literature ng karunungan sa parehong LT at BT, hindi lahat ng mananampalataya ay mga pantas. Ang mga mananampalataya ay tinatawagang maging pantas. Ngunit hindi ito ginarantiyahan.
Kung tama ang basa ko kay G. H. Lang, ang kaniyang pananaw ay ang Mat 13:43 at Dan 12:3 ay parehong tumutukoy sa mga tapat na mananampalatayang maghahari sa buhay na darating, at hindi sa lahat ng mananampalataya (Pictures and Parables, pp. 119, 123). Sinabi niya, “Ang bawat mananampalataya ay tunay na intensiyonadong magkaroon ng espirituwal na pagkaunawa at ng lumalagong kaalaman sa Diyos,” ngunit tanging “ngunit tanging ang mga nagtaglay nito ang binilang na karapat-dapat sa dobleng kapurihan” (p. 119).
Ano ang pagkakaibang dala nito?
Ang lahat ng mananampalataya ay hindi magliliwanag ng pantay-pantay sa kaharian (cf. Lukas 19:16-26; 1 Cor 9:24-27; 2 Cor 5:9-10; Gal 6:7-9; 2 Tim 2:12; 4:6-8; Pah 2:26). Dahil ang Dan 12:3 at Mat 13;43 ay parehong tumutukoy sa pinakamaliwanag na kaningningan, masasabi kong ang mga sitas na ito ay patungkol sa mananagumpay na mananampalataya, at hindi lahat ng mananampalataya.
Oo nga pala, ang ekspresyong matuwid ay madalas gamitin sa Evangelio bilang pantukoy sa mga matuwid sa kanilang karanasan at hindi lamang sa mga matuwid sa kanilang posisyun (hal Mat 19:13; 25:37, 46; Mar 2:17; Lu 5:32; tingnan din ang Lukas 1:6).
Ang Parabula ng Mabuting Binhi at Pangsirang Damo ay dapat maging dahilan upang tayo ay mamuhay sa liwanag ng nalalapit na pagbabalik ng Panginoon upang ganap tayong makibahagi sa Kaniyang nalalapit na kaluwalhatian (hal Mat 16:27).
Oo nga pala, minungkahi ni Michael ang napakagandang mungkahing ang mga pangsirang damo ay ang mga lingkod ni Satanas, at ang kanilang gawain ay dalawa. Pinipigilan nila ang mga taong lumapit sa pananampalataya kay Cristo. At sinisikap nilang pigilan ang mga pagpapagal ng mga mabubuting binhing dalhin ang iba sa pananampalataya at gabayan sila maturidad.
Mananampalataya, maaari kang gamitin ng Diyos na dalhin ang mga tao sa pananampalataya at tulungan silang maging sakdal upang sila ay magliwanag kailan man sa kaharian ni Jesus. Isang napakagandang katawagan mayroon tayo.
______
iMaraming komentarista ng Dan 12:3 ang nakikita ang pagliliwanag na ito bilang isang gantimpala, ngunit minumungkahing ito ay gantimpalang taglay ng lahat ng mananampalataya dahil iniisip ng mga komentaristang ito na lahat ng mananampalataya ay magiging tapat (hal J. Dwight Pentecost, Stephen Miller, Warren Wiersbe, Robert Crisholm). Subalit, pansining ang United Bible Society Handbook ay tila pinanghahawakan ang pananaw naang Dan 12:3 ay pantukoy sa mga mananagumpay na mananampalataya, at hindi lahat ng mananampalataya: “Hindi ito dapat unawain sa termino ng teolohiyang Cristiano (kung saan ang mga mananampalataya ay inaring matuwid ng biyaya ni Jesucristo, tingnan ang Tito 3:6-7). Sa halip, ito ay tungkol sa mga pantas na gurong nagtuturo sa kanilang kapwa Judio kung paano mamuhay sa tamang relasyon sa Diyos. Sinalin ito ng REB, “silang naggabay sa mga tao sa tamang landas’” (Peter-Contesse at Ellington, A Handbook on the Book of Daniel, p. 325).