Isang grupo ng mga pastor at mga iskolar ng Biblia ang naglabas ng dokumentaryong salungat sa Minsan Maligtas, Ligtas Kailan Man (Once Saved Always Saved, OSAS). Iminungkahi nilang bahagi ng pagkatakot sa Diyos ang katakutang ipadadala ka Niya sa impiyerno kapag ikaw ay tumalikod (tingnan dito).
Totoo bai to? Dapat ba tayong matakot na ipadadala tayo ng Diyos sa impiyerno kapag tayo ay tumalikod? Bigyang pansin natin ang Biblikal na pagkaunawa ng pagkatakot sa Panginoon.
Ganito dinepina ng Gotquestions ang pagkatakot sa Diyos (tingnan dito):
“Ang mga Biblia ay hindi dapat matakot sa Panginoon. Walang dahilan upang matakot sa Kaniya. Mayroon tayong pangakong walang anumang makahihiwalay sa atin sa Kaniyang pag-ibig (Roma 8:38-39). Mayroon tayo ng Kaniyang pangakong hindi Niya tayo kailan man iiwan o pababayaan (Heb 13:5). Ang pagkatakot sa Diyos ay ang pagkaroon ng pagglang sa Kaniya na may malaking epekto kung paano tayo mamuhay. Ang pagkatakot sa Diyos ay ang paggalang sa Kaniya, pagsunod sa Kaniya, pagpasakop sa Kaniyang disiplina at pagsamba sa Kaniya sa paghanga.”
Ito ay karaniwang pagkaunawa, at ito ay ayon sa Kasulatan.
Ang mga ekspresyong pagkatakot sa Diyos at pagkatakot sa Panginoon ay magkasinkahulugan.
Ang unang ekspresyon ay ginamit nang limang beses sa LT at tatlong beses sa BT. Ang panghuling ekspresyon ay ginamit nang dalawampu’t anim na beses sa LT at minsan sa BT. (Ang parehong ekspresyon ay mas darami pa kung isasama natin ang mga tekstong nagpapakita ng ideya nang hindi ginagamit ang eksaktong ekspresyon.)
Lahat maliban sa isa sa dalawampu’t anim na reperensiya sa LT ay patungkol sa mga Judio na bahagi ng tipan ng bansa. Lahat ng mga ito ay mga sitas na sanktipikasyon. Walang isa mang naghayag ng kundisyon para sa buhay na walang hanggan.
Ang nag-iisang reperensiya ay patungkol sa mga Gentil na hindi mananampalataya na nagpapakitang sila ay may paghanga sa Diyos ng Juda at takot silang kalabanin Siya. Ayon sa 2 Cronico 17:10, “At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa lahat ng kaharian ng mga lupain na nangasa palibot ng Juda, na anopa’t sila’y hindi nangakipagdigma laban kay Josaphat.” Gaya nang makikita sa halimbawang ito, kabilang sa pagkatakot sa Panginoon ay pagkatakot sa kung ano ang maaari Niyang gawin kapag tayo ay lumaban sa Kaniya.
Ang pagkatakot sa Panginoon ay paggalang at paghanga sa Kaniya. Anong dakila ng ating Diyos!
Takot ka ba sa Panginoon? Lumuluhod ka ba sa paghanga sa Kaniya? Ginagalang mo ba Siya? Pinababanal mo ba ang Kaniyang pangalan? Inaawit mo ba ang, “Our God is an awesome God,” (ang ating Diyos ay kahanga-hangang Diyos) at ramdam mo ito? Takot ka ba sa mga konsekwensiya kapag ikaw ay naghimagsik laban sa Kaniya?
Ang pagkatakot sa Panginoon ay ang susi sa paglago at pagpapatuloy sa Cristianong pamumuhay. Ngunit hindi ito kundisyon ng buhay na walang hanggan.
Dahil pinangako Niyang ang mga mananampalataya ay hindi mapapahamak, ang pagkatakot sa Diyos ay hindi nangangahulugang pagkatakot sa eternal na kundemnasyon (Juan 3:16; 5:24; 6:35, 37, 47; 11:26). Ngunit kabilang nga sa pagkatakot sa Diyos ang pagkatakot sa mga konsekwensiya na ating haharapin kung tayo ay laban sa Kaniya. Ayaw nating maging Alibughang Anak. Alam nating ang karanasang ito sa espirituwal na malayong lugar ay masakit. Ang pakikisama sa Diyos ay mas mabuti kaysa lumilipas na kasiyahan ng kasalanan.
Manatiling nakapokus sa biyaya.