Si Jose ang isa sa maliliwanag na ilaw ng LT.
Siya ay isang lalaking nanatiling tapat sa Panginoon sa kabila ng maraming paghihirap at kawalang katarungang kaniyang naranasan. Ang kaniyang kwento ay masusumpungan sa Genesis 37-48.
Siya ay pinagmalupitan ng kaniyang sariling mga kapatid at naging isang alipin sa Egipto. Umangat siya bilang puno ng isang pangunahing sambahayan upang lamang itapon sa kulungan dahil sa isang gawa-gawang mga kaso.
Sa kulungan, muli siyang umangat sa kapangyarihan, sa diwa, siya ang nagpapatakbo ng kulungan. Naging kaibigan niya ang katiwala ng saro ng hari, ngunti madali nitong nalimot ang ginawa ni Jose para sa kaniya. Ngunit pinadalhan ng Diyos si Faraon ng isang panaginip na tanging si Jose ang maaaring mag-interpreta.
Si Jose ay naging kanang kamay ng Faraon, na siyang nanguna sa bansang iyan sa loob ng pitong taong taggutom.
Sa huli, kaniyang pinatawad at pinagpala ang kaniyang mga kapatid na nagbigay sa kaniya ng sama ng loob.
Ano ang nagmotiba kay Jose na kumilos na gaya ng kaniyang ginawa? Tinanggap niya ang lahat nang nangyari sa kaniya at hindi nagdala ng sama ng loob sa lahat nang nagmaltrato sa kaniya. Maaaring masabing siya ay isang mapagpatawad na tao. Ang iba ay maaaring magsabing siya ay isang mapagkumbabang taong kinikibit balikat ang mga hindi makatarungang kalamidad na dumarating sa kaniya at nagmumutawi, “Ano ba ang maaaring gawin ng isang tao? Ganiyan talaga ang buhay.”
Sa tingin ko isa pang bagay na mas akmang naglalarawan kung bakit si Jose ay naging lalaking gaya niya at kung bakit siya dapat maging mahusay na halimbawa sa mga mananampalataya noon at ngayon. Nanampalataya siya sa sinabi ng Diyos. Espisipikong nanampalataya siya sa sinabi ng Diyos tungkol sa mga gantimpala.
Sa Genesis, sa simula ng kwento ni Jose, si Jose ay nagkaroon ng panaginip kung saan siya ay tinaas nang husto (Gen 37:5-11). Ang mga panaginip ay madalas makita sa kwento ng mga patriarkang Judio na galing sa Diyos. Nanampalataya si Jose sa sinasabi ng panaginip sa kaniya. Ito ang magpapaliwanag kung bakit siya ay may positibong pananaw ng mga bagay nang siya ay maging alipin at nang siya ay nasa kulungan. Ang kaniyang estado ay magbabago isang araw base sa pinahayag sa kaniya ng Diyos.
Alam natin sa BT na si Jose ay nanampalataya na ang katapatan sa gitna ng mga pagsubok ay may gantimpala sa mundong darating (Heb 11:22). Alam niyang mayroong pagkabuhay na maguli at nais niyang ang kaniyang mga buto ay nasa Lupang Pangako kapag nangyari iyan. Bagamat siya ang isa sa pinakamayamang lalaki sa mundo, alam niyang ang kaniyang kayamanan ay masusumpungan hindi sa Egipto kundi sa darating na kaharian ng Diyos. Isa siya sa mga nasumpungang naghahanap ng “mas maiging pagkabuhay na maguli” (Heb 11:35). Tiniis niya ang lahat at siya ay naging uri ng tao na gaya niya dahil alam niyang gagantimpalaan siya ng Diyos. Ito ang mas maiging paliwanag ng buhay ni Jose kay sa siya ay isa lamang lalaking tinatanggap ang mga kamalasan ng buhay bilang bahagi ng buhay.
Madalas tayong makasalubong ng mga taong sinasabing ang mga gantimpala ay hindi signipikante. Inaangkin nilang guto nilang gawin ang mabubuting bagay dahil mahal nila ang Diyos. Iyan ay mahusay na motibasyon. Ngunit kapag tinitingnan ko ang buhay ni Jose, nakikita ko ang kaniyang pag-ibig sa Diyos ay hindi lamang ang tangi niyang motibasyon. Manghihina siya sa mga bagay na kaniyang naranasan kung hindi siya nanampalatayang gagantimpalaan ng Diyos ang lahat na tapat na naglilingkod sa Kaniya. madali masyado na maging mapait at bumigay.
Ang pag-ibig sa Diyos ay lumalago kapag ating natantong ginagantimpalaan Niya ang tapat na paglilingkod. Ang motibasyon para sa gantimpala ay ganap na angkop sa pag-ibig sa Diyos.
Kapag ang mabigat na problema at kawalan ng katarungan ay dumating, isang malaking motibasyong ang Panginoon ay nangakong magsusukli sa Kaniyang mga anak para sa kanilang katapatan. Sinampalatayahan ito ni Jose. Dapat nating sundan ang kaniyang halimbawa.