Pinadalhan ako ni Bill Fiess ng ilang interesanteng mga sipi mula sa iba’t ibang mga manunulat tungkol sa walang hanggang gantimpala. Ang mga pinadala niya mula kay C. I. Scofield ay nasumpungan kong lubhang nakatutulong. Ano sa tingin ninyo?
C. I. Scofield, Rightly Dividing the Word of Truth, 1921, p. 91
Ang layunin ng Diyos sa Kaniyang pangako ng gagantimpalaan ang mga tapat na paglilingkod ng Kaniyang mga banal ng makalangit at walang hanggang pagkilala ay upang ilayo sila sa paghahanap ng makalupang kayamanan at kasiyahan, upang sila ay palakasin sa gitna ng apoy ng pag-uusig, at upang sila ay himukin sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang Kristiyano.
The Scofield Reference Bible, 1901 (p. 1214)
1 Corinto 3:14. Ang Diyos sa Bagong Tipan ay nag-aalok sa mga nawawala ng kaligtasan, at sa mga tapat na paglilingkod ng mga ligtas, mga gantimpala. Ang mga sitas ay madaling mapaghiwalay kung ating aalalahanin na ang kaligtasan ay laging binabanggit bilang libreng regalo (e. g. Juan 4:10; Rom 6:23; Ef 2:8-9); samantalang ang mga gantimpala ay nakakamit sa pamamagitan ng mga gawa (Mat 10:42; Luk 19:17; 1 Cor 9:24, 25; 2 Tim 4:7,8; Pah 2:10; 22:12). Ang isa pang pagkakaiba ay ang kaligtasan ay isang pangkasalukuyang pag-aari (Luk 7:50; Juan 3:36; 5:24; 6:47), samantalang ang mga gantimpala ay isang tatamuhin sa hinaharap, na ibibigay sa pagdating ng Panginoon (Mat 16:27; 2 Tim 4:8; Pah 22:12).
Nasumpungan ko ang 110-taong mga sipi ni Scofield na napakainam. Makikita ninyo kung bakit si Scofield ay may makapangyarihang impluwensiya sa maraming henerasyon ng mga dispensationalists.
Marami sa mga iglesia ngayon ay nakatutok sa buhay na ito. Tunay na kailangan nating harapin ang mga hamon ng buhay na ito, ngunit ang pinakamainam na paraan upang gawin ito ay ang pagkakaroon ng pangunahing pagtutok sa buhay na darating. Nais ng Diyos na tayo ay matutong maghintay ng kasiyahan. Kailangan nating hanapin ang Diyos ngayon sa anumang ating sinasabi at ginagawa upang makamit natin ang Kaniyang pagsang-ayon at gantimpala sa Hukuman ni Kristo.
Ang Free Grace Theology ay hindi lamang tungkol sa libreng regalo ng buhay na walang hanggan sa lahat ng mga sumampalataya kay Jesus. Gaya ng sinabi ni Scofield, ito rin ay tungkol sa pagkamit ng walang hanggang gantimpala sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod kay Kristo.
Maraming sitas sa Baong Tipan ang hindi mauunawaan malibang maunawaan natin ang pagkakaiba ng libreng kaligtasan at magastos na gantimpala. Lubos akong nagagalak na binuksan ng Panginoon ang aking mga mata upang maunawaan ang pagkakaibang ito. Mula nang makita ko ito, nabuksan sa akin ang Biblia.
Hindi lang natin dapat ibahagi ang mensahe ng buhay na walang hanggan sa mga tao, kailangan din nating ibahagi ang hiwalay ngunit kaakibat na mensahe ng walang hanggan gantimpala. Kailangang marinig ng mga tao ang parehong mensahe.