Si C. L. ay muling may itinaas na mahalagang tanong:
Mayroon akong kaibigang paulit-ulit kong sinasaksihan tungkol sa walang hanggang seguridad. Inaamin niyang tila ito ay maliwanag sa Kasulatan, at siya ay nanininiwala rito hanggang sa puntong UMAASA siyang ito ay totoo, ngunit siya ay naghahanda rin sa posibilidad na hindi sa pamamagitan ng panghahawak sa pananampalatayang kaniyang kinalakihan. Ganito rin ang pakiramdam niya sa pre-tribulation Rapture. Umaasa siyang ito ay totoo ngunit naghahanda siya sakaling hindi. Napagtanto kong tila nagpapakita itong hindi niya nauunawaan, ngunit tila kuhang kuha niya ito.
Siya ay lumaki sa pamilyang hindi itinuturing ang buhay na walang hanggan bilang pangkasalukuyang pag-aari kundi “makakamit” pagkatapos ng kamatayan, kaya ang nagtitiis na pananampalatayang pinatunayan ng mga gawa ang kailangan upang magkaroon ng pangako ng buhay na walang hanggan. Ngunit ngayon sinasabi niyang pareho niyang nakikita ang dalawa. Paano ko sa kaniya maipakikita na ang OSAS ang ibig ipahayag ng Kasulatan kahit pa handa na siyang sumang-ayon na BAKA totoo ito?
Ano ba ang layon ng nagliligtas na pananampalataya? Ang sinumang nakabasa ng Juan 3:16 ay alam na si Jesus ang layon ng nagliligtas na pananampalataya. “Ang sinumang sumampalataya sa Kaniya” ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan.
Kailangan ba nating sampalatayahan ang kabuuan ng Juan 3:16, o bahagi lang nito? Kailangan lang ba nating panampalatayahang sinisinta ng Diyos ang sanlibutan na Kaniyang ibinigay ang Kaniyang Bugtong na Anak? Period. Tapos ang kwento. Matatapos ba ang Juan 3:6 nang wala ang pangako ng buhay na walang hanggan sa lahat nang sumampalataya sa Kaniya? Malinaw na hindi. Pero maaari ba? Oo. Ngunit kung oo hindi sana sasabihan ng Panginoon si Nicodemo at tayo na kailangang sumampalataya sa Kaniya para magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sasabihin lang niya sa atin ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan. Ngunit dahil sa ang kabuuan ng usapan kasama si Nic ay tungkol sa kaniyang pangangailangang maipanganak na muli, ang Juan 3:!6 ay hindi Juan 3:16 kung wala ang pangako nang buhay na walang hanggan at kawalan ng kapahamakan.
Basahin muli ang Juan 3:16. Ano ang sabi ng Panginoon dito? Basahin din ang Juan 4:10 at Juan 5:24. Ganuon din ang Juan 6:35 at Juan 11:25-26a. Ganuon din ang Gawa 16:31 at Efeso 2:8-9 at 1
Tim 1:16 at Pah 22:17. Ano ang kumon sa kanilang lahat? Lahat nang mga ito ay nagsasabing manampalataya kay Jesus para sa Kaniyang ipinapangako, ang buhay na walang hanggan.
Hindi tayo naniniwala sa tao nang abstrak. Nanininiwala tayo sa isang tao para sa isang bagay. Kung naniniwala kang ipatitigil ni Pangulong Biden ang lahat nang paghuhulay ng langis at likas na gas sa Amerika, naniniwala ka sa kaniya dahil ito. Kung nanininiwala kang magpapadala siya saiyo ng karagdagang ayuda, nanininiwala ka sa kaniya dahil dito. Ngayon maaaring ang isang tao ay naniniwalang si Pangulong Biden ay katiwatiwala. Kung oo, naniniwala ka sa kaniyang mga pangako.
Kung naniniwala kang si Jesus ay katiwatiwala, ngunit hindi ka nanininiwala sa Kaniyang sinabi sa Juan 3:16 ang iyong pahayag nang paniniwala ay huwad.
Kung mababago natin ang pangako mula sa buhay na walang hanggan patungong buhay na probasyon, hindi tayo nanininiwala sa pangakong hindi tayo mapapahamak at tayo ay may buhay na walang hanggan.
Iyan ang sasabihin ko sa kaibigan ni C. L. Kung siya ay mali, hindi siya nanininiwala kay Jesus para sa Kaniyang ipinangako. Hindi siya ligtas alin man sa dalawa.
Gaano man kabanal ang kaibigan ni C. L., kung hindi siya naniniwala sa nagliligtas na mensahe, siya ay mapapahamak magpakailan man. Walang bilang ng mabuting gawa ang magliligtas sa kaniya kung ang tanging paraan para maligtas ay ang manampalataya sa Panginoong Jesus para sa hindi mawawalang kaligtasang Kaniyang ipinangako.
Mayroong mensaheng dapat sampalatayahan para maipanganak na muli. Anuman ito, dapat itong sampalatayahan. Ibig sabihin, kailangan tayong makumbinseng ito ay totoo. Kung iniisip lang natin na baka ito’y totoo, hindi tayo nananampalataya pa.
Dapat hikayatin ni C. L. ang kaniyang kaibigan na ipanalangin ang bagay na ito at magbasa ng isang kabanata ng Juan araw-araw. Kailangan ng kaniyang kaibigang malaman na hindi siya ligtas sa baka/kundi na pananaw ng pananampalataya. Ang kawalang katiyakan ay hindi pananampalataya. Ito ay pag-aalinlangan.
Oo nga pala, ang pag-aalinlangan ng kaniyang kaibigan tungkol sa Rapture ay hindi isyu ng buhay o kamatayan. Hindi kailangang maniwala sa Rapture para maipanganak na muli. Ngunit ang pag-aalinlangan sa pangako ng buhay na walang hanggan ay isyu ng buhay at kamatayan.