Nang ako ay nasa kolehiyo, dumalo ako sa isa sa mga akademyang military ng ating bansa. Natural, pinag-aralan naming ang mga bayani ng ating bansa. Lahat ng mga gusali sa kampus ay pinangalan sa mga taong ito. Ang mga lalaking ito ay nagpakita ng kakaibang katapangan sa harap ng kapahamakan sa gitna ng mga giyera ng ating bansa.
Bilang mga kadete, kami ay laging abala. Pumapasok kami sa klase, nag-eexam at abala sa mga responsabilidad militar. Bilang mga batang lalaki, hindi naming napapansin ang mga taong hindi umaagaw sa aming interes. Isa na rito ang aming dyanitor na naglilinis ng dorm. Siya ay mas matanda sa amin at ang kaniyang edad ay nakikita na sa kaniyang mukha.
Halos hindi naming namamalayan na siya ay nariyan. Hindi naming napapahalagahan ang ginagawa niya para sa amin gaya ng paglilinis ng mga toilet sa aming palikuran. Tinatapon niya ang aming mga basura at nililinis ang daanan. Karamihan sa amin ay hirap alalahanin ang kaniyang pangalan, bagama’t limang beses sa isang lingo naming siyang nakikita.
Sino sa amin ang nakakaalam na siya ang pinakadakilang bayaning militar na aming nakasalmuha? Siya ay tumanggap ng pinakamataas na parangal militar ng ating bansa ilang taon na ang nakalipas dahil sa kabayanihang kaniyang pinamalas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Karamihan sa atin ay hindi pa nakakita ng tumanggap ng Medal of Honor. Sino ba ang mag-aakalang ang nagwawalis ng aming sahig ay isa sa mga ito?
Isang gabi, isa kong kaklase ang nagbabasa sa isang dyornal militar tungkol sa mga kadakilaan ng isang bayani laban sa mga Nazi. May bumukas na ilaw sa kaniyang ulo: Ang bayaning ito ay may kaparehong pangalan sa aming dyanitor. Ito ba ay nagkataon lamang? Ang dyanitor at ang bayani ay magkaedad. Sa loob ng ilang araw kaniyang nabuo ang pangyayari. Lumapit siya sa aming dyanitor at tinanong kung siya ba ang bayaning ito. Sumagot ang bayani, “Oo. Pero napakatagal na iyan.”
Hindi na kailangang banggitin, ngunit ang buhay ng aming dyanitor ay nagkaroon ng dramatikong pagbabago nang dahil sa kaalamang ito. Siya ay naging panauhing pandangal sa aming mga pagtitipong militar. Ngunit isa sa mga pagtitipong ito ang hindi malilimutan.
Sa isa sa mga seremoniya ng pagtatapos ng akademiya, ang Pangulong Ronald Reagan ang nagbigay ng talumpati. Sa isang punto, kaniyang tinawag ang dyanitor upang samahan siya sa podyo. Dahil siya ay isang bilanggo ng digmaan nang siya ay bigyan ng Medal of Honor, hindi niya ito personal na natanggap. Ang parangal ay binigay sa kaniyang ama. Apatnapung taon matapos ang kabayanihan ng dyanitor, tinama ng Pangulo ng Estados Unidos ang pagkukulang na ito. “Halika rito,” sabi ng pangulo. Kaniyang binasa sa publiko ang ginawa ng lalaki, sa harap ng punong punong estadyo para sa putbul. Isinabit ng pangulo ang parangal sa leeg ng bayani.
Hindi madaling pakinggan ang kwentong ito nang hindi naiisip ang mga salita ng Panginoon sa Lukas 14:7-11. Sa isang maikling parabula, binalaan tayo ng Panginoon na huwag magpalalo. Mas maiging kunin ang mababang kalagayan at hayaan ang taong nasa kapangyarihan at awtoridad na magtaas s aiyo. Sinabi ni Jesus na kunin ang mababang upuan at hayaan ang may-ari ng bahay na imbitahan ka sa mas mataas na upuan.
Ganito ang ginawa ng aming dyanitor. Kinuha niya ang mababang upuan. Hindi niya pinatunog ang kaniyang sariling trumpeta. Hindi niya hiningi sa mga taong purihin siya para sa kaniyang ginawa, kahit pa maraming buhay ng mga sundalong Amerikano ang kaniyang niligtas. Karapat-dapat siyang parangalan at kilalanin, ngunit hindi siya nagtanim laban sa mga nasa paligid niyang bigong ibigay ito sa kaniya. Subalit ang pinakamakapangyarihang tao sa bansa ang tumawag sa kaniya upang ibigay ang karapat-dapat para sa kaniya.
Hindi natin maiwasang mapaisip kung ganito rin ang mangyayari sa Hukuman ni Cristo, hindi ba? Ilang tao kaya ang kapareho ng ating dyanitor? Sinabi ng ating Panginoong buong pagpapakumbabang maglingkod tayo sa Kaniya at sa ating kapwa. Hindi mahalaga kung hindi ito napapansin ng mga tao sa paligid. Kung tayo ay tapat sa paglilingkod, Siya ang tatawag sa atin upang tanggapin natin ang pagkilala mula sa Kaniya.
Panginoon, gawin mo kaming mga mapagkumbabang lingkod. Sa ganitong paraan, sana ay masumpungang kaming karapat-dapat na marinig Ikaw na magsabi, “Halika, pumanhik ka rito.”