Sa isang dokumentaryong may pamagat na “Once Saved, Always Saved?” sinubukan ng ilang iskolar ng Biblia at mga pastor na pabulaanan ang Once Saved, Always Saved (OSAS- Minsang Maligtas, Ligtas Kailan Pa Man).
Isang seksiyon ng dokumentaryo na may habang tatlong minute ang sumagot sa tanong na “Naligtas ba tayo ng ating mga gawa?”
Unang bahagi. Sa unang minute, sinabi nila Drs. Morrell, Oswalt, McKnight at Witherington na ang kaligtasan ay sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa mga gawa. Tingnan dito mula 58:35 hanggang 59:34.
Maaaring malinlang ang mga tao sa unang minute. Maaaring iniisip nilang hindi naniniwala ang mga lalaking ito na maliligtas tayo ng ating mga gawa. Ngunit kung ipagpapatuloy ninyo ang huling dalawang minuto ng seksiyong ito, makikita ninyo na naniniwala silang kailangan mong magtiis sa mabubuting gawa upang maiwasan ang walang hanggang kundenasyon.
Ikalawang bahagi. Sa ikalawang seksiyon, ipinakilala nila ang pangangailangan ng mabubuting gawa upang mapanatili ang kaligtasan. Tingnan dito mula 59:34 hanggang 1:00:24.
Sinabi ni McKnight, “Ngunit ang mga naligtas ay nabago sa pagiging ahente ng mabubuting gawa.”
Sabi ni Witherington, “Malinaw na ang mabubuting gawa ay bahagi ng proseso ng sanktipikasyon. Sinasabi ng Efeso 2:10 na tayo ay nilikha kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa.”
Sinipi ni Brown ang Mat 5:16 at 1 Ped 2:12 na nagsasabing hayaan nating magliwanag ang ating mga ilawan at magpakita ng mabuting gawi.
Sinabi ni Morrell na tayo ay inaring matuwid sa pamamagitan ng “buhay na pananampalataya” at ang mga “gawa ay patunay ng buhay na pananampalataya… Hanggang tayo ay nasa pananampalataya at may pananampalataya, mayroon tayo ng mga pangako ng pananampalataya gaya ng buhay na walang hanggan at kapatawaran ng mga kasalanan.
Mahirap maunawaan ang kanilang punto. Bakit ang katotohanang inutusan ng Diyos ang mga mananampalatayang gumawa ng mabubuting gawa nagpapabulaan sa OSAS? Bakit sasalungatin ng Ef 2:8-9 ang Ef 2:10? Hindi ba’t malinaw na sinabi ni Pablong ang kaligtasan ay kaloob ng Diyos at ito ay hind isa pamamagitan ng mabubuting gawa? Hindi ba’t sinabi niyang ang mga mananampalataya ay naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya?
Ikatlong bahagi. Sa ikatlong minute, binigyang diin nilang ang kaligtasan ay maaaring maiwala. Tingnan dito mula 1:00:24 hanggang 1:01:35.
Binanggit ni Witherington ang tatlong kapanahunan ng kaligtasan at sinabing, “Malibang daanan mo ang tatlong kapanahunan, ang sitwasyon mo ay hindi naresolbahan.” Sa madaling salita, ang kaligtasan ay maiwawala malibang patuloy kang manampalataya at gumawa.
Sinabi ni McKnight, “Ang pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay hindi nangangahulugang sarado na ang pintuan sa ating likuran.” Sinasabi niyang kapag tayo ay lumakad palayo kay Jesus, mawawala ang ating kaligtasan.
Sinabi ni Brown na hindi niya masumpungan ang katiyakan ng kaligtasan sa kaniyang mga gawa. Subalit naniniwala si Brown na maaari nating mawala ang ating kaligtasan. Kung ganuon, paano niya masisigurong siya ay ligtas pa rin? Kung ang katiyakan ay hindi sa mga gawa at hindi rin sa pananampalataya, paano siya nagkaroon ng katiyakan? Hindi niya sinabi kung paano.
Sinabi ni McKnight na tinupad natin ang Kautusan at higit pa kung tayo ay puspos ng Espiritu Santo. Ito ay pagsasabing mapapanatili natin ang ating kaligtasan hanggang tayo ay gumagawa ng mga gawa na sapat ang kabutihan upang mapanatili tayong ligtas.
Tinapos ni Oswalt ang seksiyon na ito sa pagsasabing ang mabubuting gawa ay hindi nakapagliligtas sa atin, ngunit “ang kaligtasang hindi nagresulta sa binagong buhay ay hindi nakuha ang buong punto.”
Ano ang “buong punto?” Tila kailangan nating mamuhay ng binagong buhay upang mapanatili natin ang ating kaligtasan.
Konklusiyon. Ang mga iskolar na ito ay nagsasabing ang kaligtasan ay inisyal na sa pamamagitan ng pananampalataya lamang,i hiwalaya sa mga gawa, ngunit ang isang tao ay kailangang magtiis sa pananampalataya at mamuhay ng binagong buhay upang mapanatili ang kaligtasang ito.
Hindi nila sinabi kung paano ka makababawi kung maiwala mo ang iyong kaligtasan. O kung paano mo ito nakuha sa pauna. Ano ba talaga ang dapat sampalatayahan ng isang tao upang pasimula [ang tinatawag nilang] proseso ng kaligtasan?
Malinawa ang Ef 2:8-9. Tayo ay naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya at hiwalay sa mga gawa. Ang pagnagdaang aspeto ay tumutukoy sa nangyari sa nakalipas na may nagpapatuloy na resulta. Samakatuwid, ligtas tayo sa nakalipas, ligtas tayo ngayon, at mananatili tayong ligtas magpakailan pa man. Ito ay malaking regalong malayang binigay ng Diyos sa lahat ng nanampalataya sa Kaniyang Anak para rito.
May saradong pintuan sa likuran natin! Hindi tayo kailan man mapapahamak, magugutom, mauuhaw, mamamatay o itataboy palayo. Ang saradong pinto ay ang pangako ng buhay na ginawa ng Panginoong Jesucristo.
Ang OSAS ay totoo. Salamat sa Diyos dito.
Manatiling nakapokus sa biyaya.
___________________
i Siyempre lahat ay sang-ayon kay Dr. Morrell na ang pananampalataya ay hindi lamang pagkakumbinse na ang pangako ng Panginoong Jesus sa Juan 3:16 ay totoo. Naniniwala silang lahat na ang nagliligtas na pananampalataya ay “isang buhay na pananampalataya, pananampalatayang gumagawa.” Naniniwala silang upang maligtas sa pauna, kailangang tumalikod sa mga kasalanan, sumuko kay Cristo, mangakong paglingkuran Siya buong buhay ng isang tao, at magpasimula sa daan ng pagsunod. Ang “pananampalatayang” ito ay hindi pananampalataya. Tinawag minsan ni Dr. Earl Radmacher ang ganiyang pananaw ng nagliligtas na pananampalataya bilang “pagbalik sa Roma.”