Isang grupo ng mga pastor at mga iskolar ng Biblia ang naglabas ng isang dokumentaryo upang pabulaanan ang Once Saved, Always Saved (OSAS, Minsan Maligtas, Ligtas Kailan Pa Man). Sa isang bahagi ng video, sila Drs. Michael Brown at David Bercot, kasama sila Pastors Joe Schimmel at Zac Poonen ay nagsabing ang 1 Juan 1:9 ay patunay na ang OSAS ay mali. Tingnan dito mula 56:12 hanggang 57:19.
Bigo silang ipaliwanag kung bakit ang kawalan ng pakikisama sa Diyos ay nangangahulugang naiwala ng isang tao ang kaniyang kaligtasan. Ang kanilang dahilan, bagama’t hindi hinayag, ay tila ganito:
Pangunahing premis: Tanging mga taong may pakikisama sa Diyos ang ligtas.
Minor na Premis: Sinasabi ng 1 Juan 1:9 na kung ang mananampalataya ay bigong magpahayag ng kaniyang mga kasalanan, siya ay walang pakikisama sa Diyos.
Konklusyon: Tinuturo ng 1 Juan 1:9 na ang kaligtasan ay nawawala sa tuwing ang mananampalataya ay bigong ipahayag ang kaniyang mga kasalanan.
Ngunit basahin ninyo muli ang 1 Juan 1:9. Wala itong banggit na anuman patungkol sa kapanganakang muli, kaligtasan, pag-aaring matuwid o walang hanggang kapahamakan.
Ang mga isyu sa 1 Juan 1:9 ay kapataran at paglilinis. Ang mga ito ay mga isyu ng pakikisama at hindi isyu ng walang hanggang kapalaran.
Subalit, sinalungat ni Pastor Joe Schimmel ang kaniyang mga kasama, marahil dahil natanto niya kung gaano ito kalupit pakinggan. Isang kasalanang hindi naipahayag, at ang tao ay maiwawala ang kaniyang kaligtasan? Hindi, ayon kay Pastor Schimmel. Sinabi niya ito:
“Kailangan mong patuloy na magpahayag ng iyong mga kasalanan. Ngayon kung ikaw ay mamatay na may isang kasalanang hindi naikumpisal, hulaan ninyo? Tayo ay mga sanga sa isang ubas. Ang hindi makaabot sa kaluwalhatian ng Panginoon ay hindi nagpipigtas sa atin mula sa ubas. Ang apostasiya ang pumipigtas sa atin mula sa ubas. Ito ay patuloy na paghihimagsik laban sa Diyos” (tingnan ang 57:19 hanggang 57:37).
Sinabi ni Schimmel na isang hindi naipahayag na kasalanan ay hindi pipigtas sa iyo mula sa ubas? Ano, kung ganuon, ang kahulugan ng 1 Juan 1:9? At bakit ang ibang mga iskolar at pastor ay nagsasabing pinabubulaanan ng 1 Juan 1:9 ang OSAS?
Mali si Schimmel na ang apostasiya ang dahilan ng pagkawala ng kaligtasan. Ang kaniyang depinisyon ng apostasiya ay mali. Sinabi niya, “Ang apostasiya… ay patuloy na paghihimagsik laban sa Diyos.” Mali. Hindi kailangan ng isang tao na patuloy na maghimagksik laban sa Diyos sa loob ng mahabang panahon. Ang apostasiya ay nagaganap sa sandaling ang isang tao ay hindi na naniniwala sa isang pundamental na katotohanan ng Kasulatan.
Lahat ng mga pangakong “Hindi” sa Evangelio ni Juan at sa natitirang bahagi ng Kasulatan ay nagpapakitang kahit ang patuloy na paghihimagsik laban sa Diyos ay hindi makapaghihiwalay ng mananampalataya mula sa buhay ng Diyos sa kaniya. Ang mananampalataya ay hindi mapapahamak (Juan 3:16), hindi mauuhaw (Juan 4:10, 14; 6:35), hindi magugutom (Juan 6:35), hindi itataboy (Juan 6:37), at hindi mamamatay espirituwal (Juan 11:26a).
Konklusiyon: Ang 1 Juan 1:9 ay hindi sumasalungat sa OSAS. Hindi rin ang 2 Ped 1:9 (paglilinis ng mga nakalipas na kasalanan) at San 5:19-20 (pagbalik ng mananampalatayang naligaw mula sa Panginoon upang iligtas siya mula sa pisikal na kamatayan). Isang malaking pagkakamali ang ipagkamali ang kapatawaran at eternal na seguridad.
Siyempre, ang ilan- o marahil lahat- ng mga lalaking ito ay maaaring nanampalataya sa pangako ng buhay na walang hanggan sa nakalipas. Kung ganuon, nananatili silang ligtas kahit hindi na sila naniniwalang ang Juan 3:16 ay totoo. Ang OSAS ay mabuting balita. Sang-ayon ka ba?
Manatiling nakapokus sa biyaya.