Sa kwento ng mga hari ng Israel at Juda- at iilan ang sa kanila ay maka-Diyos- maraming pangyayaring tila kakaiba sa modernong pandinig. Isa sa mga ito ay masusumpungan sa 2 Hari 22. Si Josias ay isa sa mga iilang maka-Diyos na hari. Nang siya ay bata pa, ninais niyang ayusin ang templo ng Panginoon, na nahulog sa pagkasira. Habang ginagawa ang pagsasaayos, ang “Aklat ng Kautusan” ay nadiskubreng natatago sa gusali. May hindi pagkakasundo kung ano ang tinutukoy nito, ngunit lahat ay sang-ayon na kasama dito ang kahit bahagi ng Kautusan ni Moises. Marahil kasama rito ang buong limang aklat, o maaaring ito ay Aklat lang ng Deuteronomio.
Anuman ito, si Josias ay hindi nakababatid sap ag-iral ng aklat na ito. Sa kwento, kahit ang mga saserdote ay wala ring alam. Hindi malaon ay nakita nila kung gaano kalayo sila sa pagsunod sa mga hinihingi nito. Paano nangyari ito? Paano ang isang bansang kinasusumpungan ng templo ng Panginoon, at kung saan ibinigay ng Diyos ang Kaniyang Kautusan ay walang malay sa kung ano ang sinasabi ng Kautusan?
Marahil isang analohiya ang makatutulong na makita kung gaano ito kakatwa. Isipin ninyong wala sinuman sa Estados Unidos ang nakaaalam ng Saligang-Batas. Samantalang nagtatrabaho sa isa sa mga museo ng Smithsonian, may nakakuha ng kopya nito. Nang ito ay mabasa, agad nalaman ng pamahalaan kung paano natin hindi ito sinusunod. Imposible para sa ating maisip na mangyari ito sa atin.
Paano ito nangyari sa Juda? Una, dapat nating alalahaning iilan lamang ang kopya ng Kasulatan. Kailangan ang mga itong kopyahin ng kamay at maliit na porsiyento lang ng mga tao ang nakababasa at nakasusulat. Nasa kamay ng mga pinuno ng bansa ang pagsisigurong alam ng mga tao ang sinasabi ng Diyos. Sa bagay na ito, bigo ang pamahalaan. Sa limampu’t pitong taon bago ang pag-akyat ni Josias sa trono, dalawang masamang hari ang namuno sa bansa. Ang Salita ng Diyos ay napabayaan. Hindi ito nabasa sa mga tao. At sa katotohanan, kung magiging tapat tayo, ang mga kopya ng Kasulatan ay malamang intensiyonal na winawasak.
Malinaw na ito ay kalooban ni Satanas. Nais niyang ang piniling bayan ng Diyos ay tumalikod palayo sa Diyos at sa Kaniyang Salita. Ito ay ginawa niya sa buong kasaysayan. Sa nakaraan, halimbawa, ang Iglesia Katolika ay binawal ang Kasulatang masulat sa wika ng mga tao, at sa halip ay pinalit ang Latin. Nilabanan ni Luther ang bagay na ito, at sinalin ang Salita sa Aleman upang kahit ang karaniwang tao sa kaniyang bayan ay mauunawaan ito.
Sa kwento ni Josias, nakalulungkot ang nangyari sa bansa. Ang pagpabaya sa Salita ng Diyos ang dahilan upang bumagsak ang Juda sa kaguluhan. Ilang taon pa ang lilipas at ito ay magreresulta sa pagkatapon nila sa Babilonia.
Ano ang inyong naiisip sa estado ng mga bagay ngayon? Ano ang estado ng kaalaman ng kaalamang Biblikal sa mga dumadalo sa ating mga iglesia? Lumalabas bang napababayaan ang Salita ng Diyos? Malinaw na hindi hayagang winawasak ng ating mga pinuno ang Kasulatan, ngunit ang nakalulungkot na katotohanan ay maraming Cristiano ang boluntaryong hindi binabasa ito. Narinig nating lahat ang kasabihang ang taong ayaw magbasa ay walang pinagkaiba sa taong hindi nakababasa. Ito ay lapat patungkol sa Salita ng Diyos. Tila baga ang Salita ng Diyos ay itinago sa aparador, at ang mga tao ay walang malay na ito ay umiiral.
Ang mabuting balita ay laging nakaliligtas ang Salita ng Diyos. Ang mga hari bago si Josias ay pinagsikapang was akin ito. Nabigo sila. Ganuon din ang Iglesia Katolika. Sinai ng Panginoon na ang Kaniyang Salita ay hindi lilipas. Basahin natin ito at huwag Magaya sa mga tao sa panahon ni Josias.