Ang Lukas 5:17-26 ay nagkukuwento kung paano pinagaling ng Panginoon ang isang lalaking paralisado nang siya ay ibaba ng kaniyang mga kaibigan sa bubong. Bagamat narinig ko na ang kwentong ito nang maraming beses, kamakailan ko lang napansin ang bagay na madalas kong di napapansin.
Ikinuwento ni Lukas na may mga eskriba at mga Pariseo sa bahay. Dati inakala kong sila ay maliit na bahagi lamang ng madla sa bahay. Ngunit pinahayag ni Lukas na sila ay galing sa “lahat ng bayan” ng Galilea, Judea at maging Jerusalem. Napakaraming bayan nito! Natanto kong maraming punong panrelihiyon ang dumating upang mapakinggan ang Panginoon. Ang pagkaunawa ko ay napakaliit ng mga bahay noong unang siglo. Sinasabi ni Lukas na si Jesus ay nasa isang bahay nap uno ng mga Pariseo at eskriba.
Dahil sa presensiya ng mga lalaking ito, ang paralisadong lalaki ay hindi makapasok sa bahay (v19). Napipigilan ng mga relihiyosong ito ang lalaking maysakit na makapasok sa bahay. Napilitan ang mga kaibigan ng lalaki na butasin ang bubong at ibaba siya mula rito. Ito lamang ang tanging paraan upang madala ang paralisadong lalaki sa harapan ni Cristo.
Ang lalaking maysakit at ang kaniyang mga kaibigan ay mga mananampalataya. Gusto nilang makalapit sa Panginoon. Gusto nilang gumaling ang kanilang kaibigan. Buong kumpiyansa nating maipapalagay nan ais nilang marinig kung ano ang tinuturo ni Jesus sa bahay. Pinuri sila ni Jesus sa kanilang pananampalataya at hinayag na ang mga kasalanan ng paralisadong lalaki ay pinatawad.
Kabaligtaran ng lalaki at kaniyang mga kaibaigan, ang mga pinunong panrelihiyon ay naroon upang punahin ang Panginoon. Inakusahan nila Siya ng paglapastangan.
Ang kwentong ito ay karugtong ng nakaraang mga sitas, kung saan pinagaling ng Panginoon ang isang lalaking may ketong (5:12-16). Sinugo ng Panginoon ang pinagaling na ketonging pumunta sa mga pinunong panrelihiyon sa Jerusalem upang ipakita kung ano ang Kaniyang ginawa para sa lalaki. Ito ang dahilan kung bakit binaggit ni Lukas na may mga pinuno mula sa Jerusalem na nasa bahay. Narinig nila ang mga aral at ang kapangyarihan ni Cristo, at sila ay naroon upang patunayan ito.
Tanging ang Diyos lamang ang makapagpapagaling sa isang ketongin. Nang pinagaling ni Jesus ang paralisadong lalaki at pinatawad ang kaniyang mga kasalanan, ginawa Niya ang isang bagay na tagning ang Diyos ang makagagawa. Ang mga pinunong ito ay may patunay na hindi mapasisinungalingan na ang Siyang gumawa ng mga bagay na ito ay sinugo ng Diyos. Nang inangkin Niyang Siya ang Cristo, malinaw ang kanilang responsabilidad. Dapat nilang sabihin sa mga tao na si Jesus ng Nazareth ang Mesiyas.
Siyempre, hindi ganito ang nangyari. Ito ay nagpapahiwatig ng gagawin ng mga pinuno sa kabila ng ebidensiya sa kanilang harapan. Pinuno nila ang bahay at nakinig sa Panginoon nang may taingang mapagpuna. Masigasig na itakwil Siya, inakusahan nila Siya ng paglapastangan. Ang isang lapastangan ay hind maaaring maging Cristo. Ito ang mensaheng ihaharap nila sa mga tao.
Nakalulungkot hindi ba? Ang mga pinunong panrelihiyon ang dapat na manguna sa mga tao sa katotohanan. Sa kasong ito ang kanilang trabaho ay madali. Malinaw ang katotohanan. Ngunit ang kanilang kapalaluan at pagmamahal ng kapangyarihan ang pumigil sa kanilang gawin ang dapat sana ay kanilang ginawa.
Ngunit mas masahol pa. narito ang isang lalaki at ang kaniyang mga kaibigang naniwala sa katotohanan. Gusto nilang mapalapit sa Kaniyang kinilala nilang Cristo. Subalit, ang mga punong panrelihiyon ang mga hadlang sa nais ng mga lalaking ito. Sa halip na ituro ang mga tao sa Kaniyang malinaw na Siyang Cristo, tinaboy nila sila! Kalaunan, direkta silang aakusahan ng Panginoon ng kasalanang ito (Lukas 11:52). Dahil sa ang bahay ay puno ng mga punong panrelihiyon, ang lalaki at ang kaniyang mga kaibigan ay kailangang gawin ang lahat ng bagay makaharap lamang ang Cristo!
Ang parehong bagay ay nangyayari ngayon. Maraming mga pinuno sa iba’t ibang komunidad panrelihiyon ang ginagalang ng marami. Ang mga ginagalang na pinunong ito ay hayag sa mensahe ng biyaya at katiyakan ng kaligtasan at doktrina ng gantimpala. Ngunit sa maraming dahilan, tinakwil nila ang tamang doktrinang ito. Subalit, hindi sila kontento dito, aktibo nilang minumungkahi na itakwil din ng iba ang mga katotohanang ito. Kung ang mga tumitingala sa kanila ay naghahanap ng katotohanan, ang mga pinunong ito ay gagawin ang lahat upang mahadlangan silang makarating sa katotohanan. Sasabihin nilang ang mga Biblikal na aral na ito ay kalapastanganan. Sila ay kagaya ng mga pinunong panrelihiyon sa pasaheng ito. Tila bumubuo sila ng pader palibot sa mga aral ng Panginoon upang mapigilan ang mga taong marinig ang mga ito.
Ang masama ay gustong hadlangan ang mga taong matuto ng katotohanan. Ganuon din ang maraming pinunong panrelihiyon. Sa kabutihang palad, ang laaht ng naghahanap ng katotohanan ay makasusumpong nito. Ang paralisadong lalaki at ang kaniyang mga kaibigan ay larawan nito. Para sa karamihan sa atin, hindi na natin kailangang butasin ang bubong upang mapalapit sa Hari.