Lahat tayo marahil ay tumanggap ng isang trabaho nang hindi natatatantong mayroon tayong kasangkapan sa ating tabi na magpapadali ng ating trabaho. Sa katotohanan, dahil sa hindi natin ginamit ang kasangkapang iyan, maaaring hindi natin natapos ang trabahong ito. Saka lamang natin natanto na matatapos sana natin ang trabaho kung sinamantala nating gamitin ang nakatago sa lagayan ng ating gamit.
Sa Army, madalas kaming dumaan sa isang kursong pampataas ng kumpiyansa (confidence course). Bilang isang grupo, kailangan naming tumawid sa mga ditse, umakyat sa mga tore, o kaparehong mga pagsubok. Binibigyan kami ng ilang mga aytem upang isakatuparan ang misyon, gaya ng ilang lubid, ilang tabla, at kumot. Sa simula, ang pagsubok ay tila imposible. Ngunit sa bawat pagkakataon, mayroong solusyon. Ang susi ay ang mga bagay na binigay sa amin.
May nakatatawa ngunit malungkot na larawan mula sa Digmaang Sibil tungkol sa hindi paggamit ng isang bagay na nariyan lamang. Ang pinuno ng Hukbo ng Unyon (Union Army) ay si Heneral George McClellan. Siya ay mahal ng kaniyang tropa, ngunit siya ay napakaingat na tao. Ayaw niyang sumugal. Matapos ang labanan sa Antietam, ang pinakamadugong isahang araw na laban sa kasaysayan ng US, ang Timog ay sumusuray at umaatras. Makakiskor sana si McClellan ng isang malaking tagumpay para sa Hilaga. Ang sabi ng ilan, matatagumpayan niya sana ang digmaan sa araw na iyon at maliligtas ang mas maraming buhay. Ngunit, hindi sinamantala ni McClellan ang sitwasyon at inurong ang kaniyang hukbo. Inisip niyang kailangan ng kaniyang mga sundalo ng pahinga.
Dismayadong husto si Pangulong Abraham Lincoln. Sumulat siya sa heneral na mababasang:
“Kung ayaw mong gamitin ang Hukbo, nais ko sanang hiramin itong panandalian.”
Tiyak kong hindi gusto ni McClellan ang sarkasmo mula sa Punong Kumander. Ngunit ang punto ay naibigay. Nais ng pangulong gamitin ng heneral ang pwedeng gamitin. Iyan ang dahilan kung bakit nilagay siya sa pwesto at ibinigay ang Hukbo ng Hilaga. Sa mata ni Lincoln, tila baga hindi alam ni McClellan na mayroon siya sa kaniyang kamay, isang napakamakapangyarihang bagay, na magiging dahilang upang siya ay magtagumpay. (Si McClellan ay kalauna’y pinalitan ni Ulysses S. Grant, na mas matapang na pinuno at nanguna sa Hilaga sa tagumpay.)
Sa buhay espirituwal, bawat mananampalataya ay binigyan ng kasangkapan- ng kapangyarihan kung ipahihintulot ninyo- para sa tagumpay espirituwal. Tinalakay ito ni Pablo sa Roma 8:11. Sinabi niyang ang parehong Espiritu na bumangon kay Jesus mula sa mga patay ay namumuhay sa loob ng bawat mananampalataya. Ang kapangyarihang ito ay maaaring gamitin upang palayain tayo mula sa pagkaalipin sa kasalanan at upang magbunga ng bunga ng Espiritu sa ating mga buhay. Ang buhay na ganito ay may malaking gantimpala sa mundong darating (Roma 8:17).
Ito ay hindi kapani-paniwalang kapangyarihan. Ngunit ilang mananampalataya ang hindi nakaalam na ang “kasangkapang” ito ay nariyan para gamitin nila? Gaano karami ang gaya ni McClellan na ayaw itong gamitin? Maraming mananampalatayang iniisip na ang daan sa kalusugan espirituwal ay sa pamamagitan ng mga alituntuning legalistiko. Ang ilan ay iniisip na ito ay sa pamamagitan ng mga karanasang emosyonal o relihiyoso. Ang ilan ay maaaring isiping ang pagkamaka-Diyos ay hindi mahalaga dahil alam ng mananampalatayang siya ay nasa kaharian ng Diyos, anumang mangyari. Bakit gagamit pa ng kasangkapang gaya nito?
Mayroon tayong “hukbo” ng kapangyarihan. Dapat nating hilingin sa Espiritu ng Diyos, sa pamamagitan ng nakikita natin sa Kasulatan, na gawin tayong higit na kawangis ni Cristo. Dapat nating hilingin sa Panginoong mamuhay sa atin sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu. Dapat nating hilingin sa Espiritu na baguhin ang ating isipan (Roma 12:1-2).
Kung hindi, naiisip ko na na sa Hukuman ni Cristo, ang Panginoon ay may sasabihin sa ating kapareho nang sinabi ni Lincoln kay McClellan. Tiyak kong hindi ito sarkastiko. Ganun pa man ito ay magbibigay sa atin ng kalungkutan. Marahil sasabihin ng Panginoon ang pinalabnaw na bersiyon ng mensahe ni Lincoln. Ito ay magiging kagaya nito: Binigay ko sa iyo ang Aking Espiritu. Bakit hindi mo Siya ginamit?”