Isa sa pinakadakilang pasahe ng BT tungkol sa biyaya ay Ef 2:8-9. Sa mga sitas na ito, sinabi ni Pablong tayo ay naligtas sa biyaya. Ito lahat ay sa pamamagitan ng pananampalataya– ang tao ay nanampalataya kay Jesucristo para sa buhay na walang hanggan. Ito ay regalo ng Diyos. Espisipikong sinabi ni Pablo na ang mga gawa ay walang anumang papel na ginampanan dito. Ang resulta ay walang sinumang mananampalataya ang may karapatang magmapuri– magyabang- tungkol dito. Sa katotohanan, binanggit ni Pablo ang salitang biyaya nang ikalawang beses. Hindi na niya mas mapapalinaw pa na ang kaligtasang kaniyang binabanggit ay lahat sa biyaya at ang mga mabuting gawa ay walang bahagi rito.
Sa mga nakaraang taon, mas nakikita kong malinaw na ang Aklat ng Efeso ay patungkol sa Iglesia, at ang temang ito ay makikita kahit sa Efeso 2. Ang sinasabi ni Pablo tungkol sa mga gawa ay tayo– ang Iglesia- ang obra maesta ng Diyos. Nilikha ng Diyos ang Iglesia upang ito ay lumakad sa mabubuting gawa.
Masasabi ng isang niligtas tayo ng Diyos at nilagay sa Iglesia upang gawin natin ang mga gawang nais Niya bilang isang katawan ng mananampalataya. Hindi tayo dapat maging mga “Lone Ranger” na Cristiano. Ang mga Judio at Gentil na mananampalataya ay parehong dapat magkaisa sa gawaing ito. Ang mga mananampalataya ay dapat magkaroon ng kapayapaan sa bawat isa.
Kung ang mga mananampalataya man sa iglesia sa Efeso o ang mga mananampalataya tayo ay sumusunod sa mga aral ni Pablo o hindi, isang bagay ang malinaw: Ang kaligtasang naglalagay sa atin sa Katawan ni Cristo ay lahat sa biyaya. Isa pang paraan ng pagsasabi nito ay niligtas tayo mula sa lawa ng apoy sa biyaya. Kaya ito tinawag na regalo. Samantalang tayo ay tinawag para gumawa ng mabubuting gawa, ang mga gawang ito ay dapat manatiling hiwalay sa mensahe ng kaligtasan “sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya.”
Hindi siguro sorpresa na karamihan sa mga Evangeliko ay tinakwil ang katotohanang ang buhay na walang hanggan ay binigay bilang regalo sa biyaya. May kompulsiyon na magdagdag ng mga gawa. Kamakailan may mabasa akong ilang komento tungkol sa Efeso 2:8-9 mula sa isang ginagalang na Evangelikong iskolar. Sinabi niyang ang Griyegong pariralang “sa biyaya kayo ay naligtas” ay nagpapakita na “ang mga epekto ng kaligtasan ay isang nagpapatuloy na proseso.” Ang kaligtasang ito ay tila pagsakay sa isang munting bangka mula sa isang lumulubog na barko. Ang paglalakbay sa bangka ay “gawin natin ang ating kaligtasan” (Fil 2:12).
Sa isang hayag na halimbawa ng sopistri, sinasabi ng manunulat na itong sa Efeso 2 ay sinasabi ni Pablong hindi tayo makagagawa para sa ating kaligtasan ngunit kailangan nating gawin ang ating kaligtasan. Ang kaniyang mga salita ay magtutulak sa atin sa pagbubuod na ang kaligtasan sa Ef 2:8-9 ay hindi sa biyaya, at ito ay may kaakibat na mga gawa. Hinayag niyang “ang kaligtasang ito ay hindi awtomatiko” at “isang seryosong pagpapagal ang kailangan sa sandaling ito ay magsimula.” Idinagdag niyang ating mga gawa ay may kaakibat na “pakikibaka” sa proseso ng bahaging sanktipikasyon ng kaligtasang iyan, at ito ang “patunay” na tayo ay naligtas.
Sinasabi ng manunulat na hindi pa kumpleto ang Efeso 2. Dahil sa ito ay isang prosesong nangangailangan ng matinding pakikibaka at mabubuting gawa, ang pariralang Griyego ay dapat isaling, “sa biyaya kayo ay naliligtas.”
Iwanan natin ang intrikasiya ng Griyegong pandiwang, na kayo ay ligtas, aaminin kong hindi sapat ang aking karunungan upang maunawaan ang mga nuansiyang ito. Iniisip kong maraming mga taong kagaya ko. Natanto ko lang na ito ang sinasabi ng iskolar na ito dahil nabasa ko ito ibang lugar at narinig na ipinapangaral.
Bubuurin ko ito sa paraang aking naiintindihan, “Tayo ay naligtas sa biyaya at hind isa mga gawa. Ngunit kung wala ka ng mga gawang ito, hindi ka talaga ligtas. Ang iyong mga mabubuting gawa ang magdadala sa iyo sa pinal na kaligtasan. Ito ay isang pakikibaka. Hindi mo alam kung may kaligtasang kang ito hanggang hindi pa tapos ang proseso. Ngunit ang biyaya ng Diyos ang tutulong s aiyo sa proseso kung ikaw ay ligtas. Ang mga mabubuting gawa ay hindi magliligtas sa iyo ngunit ang mga ito ay kailangan upang madaanan mo ang proseso. Kaya gawin mo ito. Kung ikaw ay isa sa mga taong makatatapos ng paglalakbay sa isang bangka, makapagpapasalamat ka sa Diyos na ang kahanga-hangang regalong ito ay binigay sa Kaniyang kahanga-hangang biyaya. Ngunit huwag kang magpakasiguro. Hindi ka pa naligtas. Ngunit kung ikaw ay isa sa mga makatatapos sa pakikibakang ito, ikaw ay kasalukuyang naliligtas.”
Alam kong ang ibang mambabasa ay makapagbibigay nang mas mahusay na pagbubuod sa argumento, at alam kong maraming tao ang nag-aangking may kaaliwan sa teolohiyang iyan, paano man ito isawika. Ngunit para sa akin, ito ay mumbo jumbo. Ito ay pagnanais na mapasaiyo ang keyk (ikaw ay ligtas sa biyaya hind isa mga gawa) at siyang kumain nito (ngunit kailangan mo ng mga gawa!).
Wala akong nasusumpungang kaaliwan sa sinasabi ng awtor na ito. Sa tingin ko kinukuha niya ang magandang pasahe sa kahanga-hangang biyaya ng Diyos at pinipilipit hanggang sa puntong hindi na ito makilala. Ang biyaya ay nabago na sa puntong hindi na ito biyaya. Sa tingin kong isang titulo sa tindahan ng GES ang makabubuod nito sa tatlo lamang salita: Grace in Eclipse (Ang Biyaya ay Naeeklipsihan o Ang Biyaya sa Ilalim ng Anino).