Matapos ng aking Sunday School class, kausap ko si Tom. Pinaalalahanan ko siya na walang kaligtasan para kay Lucifer at sa mga anghel na nahulog na kasama niya. Isa sa mga kabilang sa susunod na klase ang narinig ako at nagtanong kung may maituturo akong sitas na nagsasabi nito.
Wala pa kahit sinong nagtanong sa akin nito dati. Isang magandang tanong.
Nang oras na iyon, sinabi kong ito ay isang imperensiya mula sa iba’t ibang mga sitas. Ngunit wala akong binanggit kahit na ano.
Binigyan ko ito ng karagdagang pagninilay at may natipon akong ilang pansuportang sitas mula sa Kasulatan.
Matt 25:41 “Kung magkagayo’y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel” (dinagdagang diin). Walang eksepsiyon na ibinigay. Hindi sinabi ng Panginoon na ang apoy na walang hanggan ay ibinigay lamang sa diablo at sa karamihan/ilan sa kaniyang mga anghel. Hindi Niya sinabing ito ay hinanda para sa diablo at sa kaniyang mga anghel na hindi nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan.
Pansining ang apoy na walang hanggan- ang lawa ng apoy- ay hindi hinanda para sa mga taong hindi nananampalataya. Ito ay hinanda para kay Lucifer at sa mga anghel na lumahok sa kaniyang paghihimagsik. Ang mga hindi mananampalataya ay susunod sasama sa kaniya roon. Pero hindi ito dinesenyo para sa mga tao.
Rev 12:4 At kinaladkad ng kaniyang buntot [buntot ng dragon=Lucifer, tingnan ang v9] ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit [=isang katlo ng mga anghel, tingnan ang v9], at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.” Nang maghimagsik si Lucifer laban sa Diyos, isang-katlo ng mga anghel ang sumama sa kaniya. Sila ay tinapon sa lupa. Samakatuwid, sila ay tinapon palayo sa harapan ng Diyos (bagama’t ang Job 1-2 ay nagpapakitang si Lucifer ay minsang pinapayagang lumapt sa Diyos matapos ng kaniyang pagkahulog). Ikumpara ang Is 14:12-15.
Rev 12:9 At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
Walang patunay sa Kasulatang ang mga anghel na tinapong kasama ni Lucifer ay maaaring maligtas.
Matt 8:29 At narito, sila’y nagsisigaw, na nangagsasabi, Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na Anak ng Dios? naparito ka baga upang kami’y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan? Ang ilan sa mga hinulog na anghel ay pinahihirapan na. ang mga demonyo sa Mat 8:29 ay batid ito at takot na makasama sa mga hulog na anghel sa hukay na walang hanggan. Ang oras ng Mat 8:29 ay ang paghuhukom ng dakilang araw sa Judas 6.
John 1:29 Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan! Ang sanglibutan (kosmos) ay patungkol sa sangkatauhan ng lahat ng kapanahunan. Hindi ito tumutukoy sa mga hulog na anghel. Namatay si Cristo para sa mga anak ni Adan at Evan lamang (Gen 3:15). Hindi Siya namatay para sa mga anghel.
John 3:16 Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang salitang sinoman ay tumutukoy sa kahit sinong bahagi ng sanglibutan. Ibinigay ng Diyos ang Kaniyang Anak para sa mundo ng mga tao, hindi para sa mga hulog na anghel.
Paano maliligtas ang mga hulog na anghel kung si Cristo ay hindi namatay para sa kanila? Ang sagot ay hindi maaari.
Ang duda ko ay hindi nakatanggap ang mga anghel ng oportunidad ng kaligtasan dahil sila ay nasa mataas na kalagayan. Sila ay nasa harapan ng presensiya mismo ng Diyos. At malamang sila ay mas matalino kaysa sinumang taong na nabuhay. Ang katotohanang dalawang-katlo ng mga anghel ay hindi nagkasala ay nagpapakitang ang ginawa ng mga mapaghimagsik ay mali.
Ang Diyos ay nagbigay ng paraan ng kaligtasan para sa mga tao dahil ang Kaniyang plano ay para sa Panginoong Jesucristo na mamuhay sa mundo kasama ng sangkatauhan magpakailan man (Gen 3:8; Pah 21-22). Hindi Niya hinayaang mapigil ang planong ito. Ang katotohanang isang-katlo ng mga anghel ay nahulog ay hindi makapipigil sa plano ng Diyos para sa mga anghel man o sa mga tao.