“Datapuwa’t palibhasa’y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan. Sapagka’t tayo’y hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, Na namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.” (1 Tes 5:8-10)
Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang binanggit niya ang pag-asa ng kaligtasan? Ang ekspresyong ito ay dito lamang masusumpungan sa Biblia.
Ang ekspresyong ang pag-asa ng kaligtasan ay nakalilito sa mga tao dahil ang salitang pag-asa sa Ingles ay tumutukoy sa pagnanasa, hindi sa katiyakan. Dahil dito, marami ang iniisip na sinasabi ni Pablong ninanasa natin ang kaligtasan mula sa walang hanggang kundenasyon, ngunit hindi natin alam kung taglay natin ito o hindi.
Maraming pastor ang tinuturong ito ang ibig sabihin ni Pablo sa 1 Tes 5:8.
Ngunit hindi ito ang sinasabi ni Pablo. Sa sitas na ito, ginamit ni Pablo ang mga salitang pag-asa at kaligtasan na ibang pakahulugan.
Ang salitang Griyego para sa pag-asa (elpis) ay minsang ginagamit pantukoy sa pagnanasang ang katuparan ay hindi tiyak (Fil 2:23; 1 Tim 3:14).
Sa BT, ang pag-asa (elpis) ay madalas gamitin sa mga bagay na tiyak ngunit ang oras ng katuparan ay hindi alam (Col 1:27; 1 Tim 1:1; Tito 2:13).
Sa 1 Tesalonica, si Pablo ay nangungusap tungkol sa Rapture. Bawat kabanata ay nagtatapos na may banggit dito (1 Tes 1:10; 2:19; 3:13; 4:13-18; 5:23). Sa buong 1 at 2 Tesalonica, ginamit ni Pablo ang mga salitang iligtas (1 Tes 2:16; 2 Tes 2:10) at kaligtasan (1 Tes 5:8, 9; 2 Tes 2:13) bilang pantukoy sa kaligtasan mula sa poot ng Tribulasyon.i
Ang pag-asa ng kaligtasan sa 1 Tes 5:8 ay ang kaalamang si Cristo ay darating muli at dadalhin tayo sa Kaniyang sarili sa pamamagitan ng Rapture. Ngunit ang oras ay hindi alam. Maaari itong maganap sa taong ito. Maaari itong mangyari ilang taon, dekada o siglo mula ngayon. Darating Siya upang iligtas tayo mula sa poot ng Tribulasyon. Hindi tayo papasok sa kahilahilakbot na panahong iyan. Ito ay isang helmet para sa atin. Pinananatili nitong ligtas ang ating mga isipan sa kabila ng lahat ng bato at busog na ibinabato ni Satanas laban sa atin.
Chrweist.ii
___________________
- Para sa higit na detalye, tingnan ang talakayan ng mga sitas na ito sa The Grace New Testament Commentary.
- Nakuha ninyo ba ang Rebus puzzle? We are in Christ. (Tayo ay na kay Cristo).