Sa 1 Cor 15:19, may pinahayag si Pablo na nagbigay sa akin ng kalituhan sa loob ng ilang taon. Marahil nalilito par in ako, ngunit sa tingin ko naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Pablo. Kayo na ang maghusga!
Hinayag ni Pablo na kung si Cristo ay hind bumangon mula sa mga patay, “tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag.” Ang ilang saling Ingles ay gumamit ng salitang miserable. Sa loob ng maraming taon nanghawak ako sa pananaw na sinasabi ni Pablong kung si Cristo ay hindi bumangon mula sa mga patay, ang Cristianismo ay isang kasinungalingan. Kung totoo ito, ang mga Cristiano ang pinakamiserableng tao sa mundo.
Pinapalagay kong ang dahilan dito ay umaasa ang mga Cristianong mamuhay sa walang hanggang kahariang ito. Ngunit kung si Cristo ay hindi bumangon mula sa mga patay, ang ating pag-asa ay walang kabuluhan. Inakala nating tutungo tayo sa Paraiso, ngunit sa totoo lang ang buhay na ito lamang ang umiiral. Kahabaghabag tayo dahil tayo ay mabibigo. Mas mabuti pang malaman ang katotohanang walang buhay matapos ng kamatayan. Ang hindi mananampalataya ay mas maigi dahil wala siyang inaasahang anuman matapos ang kamatayan, at ito ang mangyayari.
Ngunit toto oba ito? Kung walang kaharian at walang pagkabuhay na maguli, hindi ba’t ang mananampalataya at hindi mananampalataya ay pareho lamang pagkamatay? Pareho silang papasok sa estado nang walang pag-iral. Ano ba ang pagkakaiba kung iniisip ng Cristianong mamumuhay siya magpakailan man? Hindi niya malalamang nalinlang siya. Sa katotohanan, masasabi ng isa na kahit pa na ang maling Cristianong pananampalataya ay nagbigay ng kasiyahan sa mundong ito, dahil ang mananampalataya ay umasa sa araw na iyon. Ang iglesia ay nagbigay ng pakiramdam ng komunidad, o ng lugar para makakilala ng bagong mga kaibigan. Maraming mga tao ang nakilala ang kanilang mga asawa sa iglesia.
Kahit pa ito ay isang kasinungalingan, masasabi ba nating lalo tayong kahabaghabag kaysa sa hindi mananampalataya? Tingnan natin halimbawa ang isang hindi mananampalatayang nagsasabing ang mundong ito lamang ang tanging mayroon. Maaaring maging adik siya sa droga o gumawa ng mga nakasasamang gawain at mamatay sa batang edad. Ang mananampalataya bang umiwas sa mga bagay na ito at namuhay nang mahaba at malusog na buhay ay lalong kahabaghabag kaysa kaniya- kahit pa walang kaharian sa kabilang ibayo?
Sa mas basikong lebel, iniisip kong kung walang kaharian, walang halaga kung ano ang ating pinaniniwalaan o hindi. Tayo ay pareho lamang ng kalagayan. Ano ang pagkakaiba kung ako ay mamuhay nang dalawampung taon o ng 100 taon? Sa perspektibong eternal, kung hindi tayo ibangon muli, ang buhay ng isang mananampalataya at ng isang hindi mananampalataya ay maikli pa sa isang nanosegundo.
Sa tingin ko ang dahilan ng aking problema sa pahayag ni Pablo ay hindi ko lubos na napahahalagahang ang 1 Corinto 15 ay hindi kabanatang tumatalakay kung paano ang isang tao “ay pupunta sa langit.” Ito ay isang kabanata tungkol sa mga gantimpala sa darating na kaharian. Ang sinasabi ni Pablo ay para ang mga taong kagaya niya na namumuhay para sa pagsang-ayon ng Panginoon sa Hukuman ni Cristo, ang lahat ng kanilang gawa ay walang kabuluhan kung ang ating mga katawan ay hindi ibabangon. Mayroon sa Corintong naniniwala sa darating na kaharian ngunit hindi sa pagkabuhay na maguli (v12). Ang mananampalatayang nagsakripisyo sa buhay sa paniniwalang gagantimpalaan siya para sa mga sakripisyong ito ay nasumpungang mga hangal. Ang ating mabubuting mga gawa, ang pagsasakit natin para sa Panginoon, at ang mga sakripisyo ay mga kahangalan kung walang pagkabuhay na maguli. Tanging kapag ang katawan ay ibinangong muli matatanggap ng isang mananampalataya ang mga gantimpala para sa mga bagay na kaniyang ginawa sa katawang ito.
Ito ay tila dalawang taong nagmana ng 100, 000 dolyares. Ang isa ay inubos ang kaniyang pera nang mabilisan, na inubos ang mga ito sa anumang kasiyahang kaniyang maibigan. Ang isa ay namuhunan ng pera para sa kaniyang pagtanda. Kung ang pinuhunang pera ay nawala o ninakaw, ang ikalawang lalaki ay mas maigi pang ginastos na ito nang siya ay may pagkakataon.
Marmaing Cristinao ang hindi naniniwala sa gantimpala. Kung magkaganuon, ang masunuring Cristiano ay hangal. Kumain, uminom at nagpakasiya na lamang sana siya. Ang mamuhunan sa isang mundong walang balik sa pamumuhunan ay isang kahangalan. Tingnan ninyo ang mananampalatayang nais mapasiya ang Panginoon. Kung walang pagkabuhay na maguli sa katawang ito, siya ay dapat kutyain. Masasabi nating siya ay lalong kahabaghabag. Salamat na lamang at hindi ganito ang katotohanan.