Si Blake ay may magandang katanungan:
Bob, mayroon akong tanong sa iyong aklat na Turn and Live: The Power of Repentance. Sa pahina 103, item 3 sinabi mo na ang Lukas 15:7 ay patungkol sa pagsisisi ng mga mananampalataya. Maaari mo bang sabihin sa akin kung saan sa kabanata 15 mo naunawaan na si Jesus ay nagsasalita tungkol sa mga mananampalataya?
Mayroon akong tatlong linya ng patunay.
Una, sa unang parabula, ang nawawalang tupang nasumpungan at binalik ay orihinal nang bahagi ng sandaang tupa sa kawan. Hindi ito nakatanggap ng bagong posisyon. Ibinalik ito sa dating posisyon.
Ikalawa, sa ikalawang parabula, ang nawawalang baryang nasumpungan ay ibinalik din sa dati nitong posisyon kasama ng ibang mga barya.
Ikatlo, sa ikatlong parabula, ang nawawalang anak na lalaki na ibinalik sa kaniyang ama ay ibinalik din sa kaniyang orihinal na posisyon kasama ng kaniyang ama. Hindi siya naging anak sa kaniyang pagbabalik. Anak siya ng kaniyang ama bago siya umalis, at kahit nang nasa malayo siyang bansa, siya ay nanatiling anak. Nang siya ay bumalik, ang sabi ng ama, “Sapagkat ang aking anak na lalaki ay patay at muling nabuhay” (Lukas 15:24). Ito ay tumutukoy sa pakikisama, at hindi sa buhay na walang hanggan. Ang buhay na walang hanggan ay hindi maiwawala. Subalit ang pakikisama sa Diyos ay maaaring maiwala at maibabalik.
Sa tingin ko ang mga pastor at teologo ay naliligaw ng pag-iisip na palibhasa ang tatlong parabula ay tugon sa pagtutol ng mga hindi mananampalatayang Pariseo (Lukas 15:1-2), ang tatlong parabula ay isang pagsisikap na ipaliwanag kung paano ang mga Pariseo ay maaaring maipanganak na muli. Ngunit wala sa tatlong parabula ang tungkol sa pananampalataya kay Jesus. Wala sa mga ito ang nalalapit sa Juan 3:16. Ang tatlong parabula ay nagpapaliwanag na kung mawala ang isang mananampalataya sa kaniyang daan, ang Diyos ay hahanapin siya ay magagalak kung at kapag siya ay bumalik.i
___________
- Ang nawawalang tupa, barya at anak ay maaaring tumutukoy sa mga publikano at patutot na tinuruan ni Jesus at kasama Niyang kumain. Aminin natin na marami sa kanila ay nakarating sa pananampalataya kay Jesus pagkatapos Niyang makasama Siyang kumain. Ngunit sila ay bahagi ng bayang pinili, ang bayan ng tipan, bago nila nakilala si Jesus. Hindi sila naging bahagi ng lipunan ng tipan sa pamamagitan ng pagsisisi. Samakatuwid, kung sila man ay ipinanganak nang muli o hindi sa panahong nakasama nila si Jesus sa pagkain, sila ay naglalarawan ng mananampalatayang nawala sa pakikisama at nakabalik sa pakikisama. Anumang kaso, ang Lukas 15 ay malinaw na tungkol sa pakikisama at hindi sa bagong kapanganakan.