Si K. E., isang tagapakinig ng Grace in Focus sa Hungary, ay nagtanong ng isang magandang tanong:
Ayon sa 1 Corinto 7:14: “Sapagka’t ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaeng hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa’y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; ngunit ngayo’y mga banal.”Paano napababanal ang isang hindi mananampalataya? At ano ang ang ibig sabihin ng “napababanal?” Ano ang ibig sabihin ng “banal na mga anak?” Mayroong akong hindi mananampalatayang asawa kaya gusto ko talagang maunawaan ang ibig nitong sabihin.”
Ang kapitulong ito sa 1 Corinto ay patungkol sa pag-aasawa, diborsiyo at muling pag-aasawa matapos mamatay ng asawa. Ang dalawang sitas bago ang v14 ay tungkol sa diborsiyo. Kung ang hindi nananampalatayang asawang babae ay handang manatiling kasal, “huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa.” At kung ang hindi nananampalatayang asawang lalaki ay handang manatiling kasal, “huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa.”i
Ang implikasyon ay pareho silang hindi mananampalataya nang ikasal. Tapos isa sa kanila ang nanampalataya kay Cristo. Ang asawang ito ay matutuksong hiwalayan ang kaniyang asawa dahil ngayon hindi na sila napapatok nang kabilan.
Ipinaliwanag ni Thisleton ang ganitong uri ng kaisipan:
Ang mananampalataya ay nagtatanong kay Pablo ng isang tapat na kaalalahanan: kung aking iniwan ang lumang buhay at naging isang bagong kalalangan kay Cristo, hindi ba’t ang aking ugnayang sa aking hindi mananampalataya’t hindi nagsisising asawa at ang aking kabuuang kapaligirang pantahanan ay makarurumi at makakakalawang sa aking puridad bilang pag-aari ni Cristo? (First Corinthians, p. 528).
Sinabihan ni Pablo ang nananampalatayang asawa na huwag mag-isip sa ganitong paraan at iwasan ang diborsiyo kung maaari. Dalawang dahilan ang kaniyang binigay para manatiling kasal sa hindi mananampalataya: 1) ang iyong asawa at 2) ang mga anak.
Ang salitang nagiging banal sa 1 Cor 7:14 ay nangangahulugang naitatalaga. Ang hindi mananampalataya ay naitatalaga dahil sa pagkakaroon ng mananampalatayang asawa. Iba siya sa isang hindi mananampalatayang kasal sa hindi rin mananampalataya. Ang kaniyang asawa ay maaaring madala siya sa pananampalataya kay Cristo: “Sapagkat paanong malalaman mo oh babae kung maililigtas mo ang iyong asawa?” (v16). Ito ang isa sa ilang beses sa 1 Corinto kung saan tinukoy ni Pablo ang isang tao na nagliligtas ng iba. Tingnan din ang 1 Cor 9:22, “upang sa lahat ng mga paraan ay mailigtas ko ang ilan.” Samantalang ang Panginoong Jesus ang nagliligtas, hindi laban sa Biblia na tukuyin ang taong nagdala ng iba sa pananampalataya kay Cristo bilang nagligtas sa taong iyan.
Ang salitang sinaling banal (hagios) ay ang pangngalang anyo ng pandiwang pabanalin (hagiazo). Mas Madali itong maunawaan kung ang salin ay, “Sapagkat ang hindi nananampalatayang asawa ay naitatalaga ng kaniyang asawa… ang inyong mga anak… ay naitatalaga.” Ang Hungarian ay kahawig ng Ingles sa puntong ito (kung tama ang aking basa ng mga salin on-line). Ang Hungarian para sa napababanal ay felszentel. Ngunit ang Hungarian ng binanal ay galing sa ibang ugat: kenetteljes.
Hindi minumungkahi ni Pablong ang mga anak ng mananampalatayang magulang ay awtomatikong pinanganak nang muli. Sinasabi niyang sila ay nakatalaga kung ang mananampalatayang magulang ay nananatiling kasal at tinuturo sa kanila ang pananampalatayang Cristiano.
Si Pedro ay may kaparehong aral: “Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa upang kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kaniyakaniyang asawang babae.”
Sa kaniyang komentaryo sa 1 Corinto, sinulat ni Gordon Fee tungkol sa 1 Cor 7:14,
Hindi ito nangangahulugang sila ay nakatamo ng kaligtasan o kabanalan. Ngunit sa pananaw ni Pablo, hanggang napapanatili ang pag-aasawahan, ang potensiyal sa kanilang kaligtasan ay nananatili. Sa digring iyan, sila ay “nagiging banal” ng nananampalatayang asawa (p. 300).
Si K. E. ay may nakababanal na impluwensiya sa kaniyang asawa at mga anak. Sila ay natatalaga dahil sa kaniya.
Ang pamantayan ng Diyos ay ang mananampalataya ay dapat mag-asawa ng kapwa mananampalataya. Ngunit, kung ikaw ay kasal sa isang hindi mananampalataya, dapat mong malamang nais kang gamitin ng Diyos upang magbigay ng liwanag ng evangelio sa iyong pamilya.
______
- Sa v15, sinabi ni Pablo na “gayon ma’y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya, ay bayaan siyang humiwalay. Ang kapatid na lalaki o kapatid na babae ay hind natatali sa mga ganitong bagay.”