Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Paano Mo Ba Makikilala Ang Kulto Ng Kaligtasan Sa Mga Gawa?

Paano Mo Ba Makikilala Ang Kulto Ng Kaligtasan Sa Mga Gawa?

May 18, 2023 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Nakita ni John ang isang blog na aking sinulat tungkol sa mga mananampalatayang nahulog mula sa biyaya. Tinanong niya ang tanong na ito:

“Nakita ko sa isa iyong mga artikulo (tingnan dito) kung saan tinatalakay mo ang mga kulto ng kaligtasan sa mga gawa. Ituturing mo ba ang Iglesia Katolika bilang isang kulto ng kaligtasan sa gawa?”

Halos lahat ng mga kulto ay tinatakwil ang pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang- kahit pang nagpapahiwatig sila ng pormal na pagsang-ayon dito. Ang tanong kung ganuon ay ano ang isang kulto?

Ilang sandali lamang at ililista ko ang lima hanggang sampung katangian ng isang kulto.

Iisa-isahin ko ang aking listahan at ikumpara mo sa iyong sariling lista.

Ang mga kulto ay mga grupong nanghahawak sa mga sumusunod na katangian:

  1. Tinatakwil nila ang isa o ilan sa mga pundamental ng pananampalataya (lalong lalo na ang pag-aaring matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya lamang).
  2. Isang tao o grupo ang nangunguna na may taglay na ganap na kontrol.
  3. Sila ay may ibang Kasulatan bilang karagdagan sa Biblia.
  4. Madalas nilang itaguyod ang mga espesyal na kapahayagang tinanggap ng kanilang pinuno.
  5. May mga espesyal na doktrina at gawing hindi masusumpungan sa Kasulatan na tinataguyod.
  6. Karamihan sa mga kulto ay nagsasabing tanging sila lamang ang tunay na iglesia.
  7. Ang mga miyembro’y takot na masipa mula sa grupo.

Kumusta ang listang ito kumpara sa lista mo?

Ako ay nasa isang kulto mula edad sais hanggang bente. Taglay nito ang lahat ng mga katangian sa itaas maliban sa wala itong ibang Kasulatan kundi ang Biblia. Ito ay nagtataguyod ng matinding kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa. Maaari ka lamang maligtas sa pagitan ng edad lima at bente sa isa o dalawang espesyal na araw na tinalaga ng Diyos para sa iyo. Kapag nalampasan mo ang bintana ng oportunidad, hindi ka na maliligtas. Kung ikaw ay nagkasala kahit minsan matapos maligtas, mawawala ang iyong kaligtasan at hindi mo na mababawi.

Ang Iglesia Romana Katolika ay taglay ang ilan sa mga katangian sa itaas (1, 3, 5). Subalit hindi ito tinuturing na kulto dahil wala ito ng ilan sa mga pangunahing katangian. Halimbawa, ang Papa, ay wala, kung mayroon man, na kontrol. At hindi na sinasabi ng Iglesia Katolika na ito lang ang tunay na iglesia.

Ang Iglesia Romana Katolika ay hindi lamang ang nangungunang grupong nagtuturo ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya at mga gawa. Ganuon din ang Iglesia Ortodoks. Ganuon din ang karamihan sa mga denominasyong Protestante. Maliban sa ilang mga kulto, karamihan sa mga Ebangheliko ay nakikita ang nagpapahayag na mga Cristiano bilang ligtas hangga’t sila ay nagpapatuloy sa pananampalataya at sa mabubuting gawa.

Kung ang isang tao ay kailangang manampalataya pareho sa Kaloob ng Diyos, ang buhay na walang hanggan, at sa Tagakaloob, ang Panginoong Jesucristo (Juan 4:10ss), nangangahulugan itong ang sinumang hindi sumampalataya sa kapermanentehan ng kaligtasang binibigay ni Jesus ay hindi pa ligtas, mapa-Katoliko man sila, Protestante, Ortodoks, o miyembro ng isang kulto. Nangangahulugan itong karamihan sa mga kilalang Cristiano ay hindi pa bahagi ng walang hanggang pamilya ng Diyos. Kung ang mabubuting gawa ay hindi makapapasok sa iyo sa kaharian ng Diyos, esensiyal na manampalataya ang mga tao kay Jesus para sa kaligtasang Kaniyang ginagarantiyahan.

Ikaw ba ay nag-aalala para sa walang hanggang kapalaran ng iyong mga kaibigan at mahal sa buhay na nananampalataya sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalatayang may kasamang mga gawa?

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Cart

Recently Added

June 9, 2023

Do Christians Get Crowns? Do Some Christians Really Get More Rewards Than Others? Is This What Peter Means to Say?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin and Steve Elkins are answering a question from a listener about possible different levels of Christians...
June 9, 2023

Is Seventh-Day Adventism (SDA) a Cult? 

A friend at the conference said he was surprised to see that Dallas Theological Seminary had published an article by an SDA pastor in the...
June 8, 2023

How Can I Possibly Maintain Fellowship With God if My Sinning Breaks That Fellowship?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin and Steve Elkins are responding to a question about intrusive thoughts, false guilt, sin, and what...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen to Stitcher

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • A Gospel of Doubt: The Legacy of John MacArthur's The Gospel According to Jesus $22.00 $11.00
  • The Gospel Under Siege: Faith and Works in Tension $16.00 $10.00
  • Romans: Deliverance from Wrath $24.99 $15.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Paperback) $6.95 $3.00
  • The Epistle of James $15.00 $10.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube