Minsan nasusumpungan ng mga nanghahawak sa Free Grace ang kanilang mga sarili sa kalituhan. Kapag sila aybumibisita sa isang simbahan o lumalahok sa isang pag-aaral ng Biblia, dapat bang ibigay nila ang kanilang opinyon kapag ang isang tao ay nagbigay ng malabong presentasyon ng evangelio? Madalas, wala namang humihingi ng iyong opinyon at malaki ang tyansang ito ay hindi pahahalagahan. Ang kabutihang asal ay nagtuturo sa ating dapat tayong manahimik. Isa pa, ayaw nating masabihang sanggano. Sa tingin ko walang iisang alituntuning lalapat sa lahat ng pagkakataon para rito. Nakadepende ito sa sitwasyon at gaano ka kakilala ng mga tao. Minsan kailangan mong magsalita. Minsan kailangan mong manahimik.
Kamakailan naharap ako sa ganitong sitwasyon. Ang iba ay iisiping isa akong sanggano. Ang iba ay iisiping kulang ako sa tapang ng loob.
Bumisita ako sa isang malaking Sunday School class sa ibang estado. Ang iglesia ay bahagi ng isang konserbatibong evangelikong denominasyon na maaaring ilarawan bilang kaibigan ng Free Grace. Ang guro ay halatang handa at nagbasa nang husto tungkol sa paksa, ang pagpako sa krus ayon kay Lukas. Nilarawan niya ang iba’t ibang sitas ng LT na sa kaniyang paningin ay basehan ng kwento ni Lukas. Sa tingin ko nanggaling siya sa isang evangelikong seminaryo.
Nang kaniyang banggitin ang nananampalatayang tulisan sa krus, tinanong niya ang klase na binubuo nang halos tatlumpo’t limang miyembro kung paano natin malalaman kung ang tulisan ay “tunay” na ligtas. Pinansin niyang nasa atin ang mga salita ng Panginoon at ito ang katapusan nang usapan. Sinabi ng Panginoong makasasama niya ang tulisan sa Paraiso. Ngunit alam din nating ligtas ang tulisna dahil sa kaniya mismong sinabi. Apat na bagay ang sianbi ng tulisan. Siya ay nagsisi. Ipinahayag niya ang kaniyang mga kasalanan. Pinahayag niya ang pagkaunawa sa Persona ni Cristo. At tumawag siya sa pangalan ng Panginoon. Sa huling punto, kaniyang sinipi ang Roma 10:9-10. Sinabi niyang ang tulisan sa krus ay nagbigay sa atin ng gabay kung paano ang isang tao maliligtas. Ang mga salita ng tulisan ang bunga ng tunay na pananampalataya; kung wala ang bungang ito, walang kaligtasan. Tila sang-ayon ang buong klase.
Hindi ko sigurado kung seryoso ang guro sa kaniyang sinabi. Tila sinasabi niyang kailangan ng tulisang isalita ang mga salitang kaniyang sinalita upang maligtas mula sa impiyerno. Inakala kong hindi siya napakalinaw. Siguro kailangan niyang sabihin sa ibang paraan ang kaniyang sinabi. Maaari ko siyang tulungan nang bahagya. Kaya nagtanong ako, “Paano kung ang tulisan ay nanampalataya lamang na si Jesus ay ang Cristo at ginagarantiyahan Niya siya ng buhay na walang hanggan sa Kaniyang kaharian? Ito ba ay sapat upang iligtas siya? Sa madaling salita, kailangan ba niyang sabihing ang mga salitang kaniyang sinabi upang maligtas?
Aaminin kong nagulat ako sa kaniyang tugon. Sinabi niyang, “Hindi. Ang pananampalataya lamang ay hindi sapat upang iligtas siya. Kailangan niyang sabihin ang mga salita. Walang halimbawa sa BT ng sinumang naligtas sa pananampalataya lamang. Kailangang sumunod ang bunga.” Tinanong niya ako pagkatapos kung may alam ba akong sinuman sa BT na naligtas nang hindi nagsalita. Sinabi kong inakala kong naligtas si Cornelio at buo niyang sambahayan nang hindi nagsalita kahit isang salita. Sinabi niyang ang kwento sa Gawa 10 ay hindi sumusuporta sa pananampalataya lamang bilang sapat upang makaligtas, ngunit ang pagsilip sa mga detalye ay kakain nang napakahabang oras.
Isa akong bisita at ayaw kong mapag-isipang mas sanggano pa kaysa iniisip kong marahil ay iniisip ng guro at ng klase. Kaya iyan ang naging katapusan ng aking mga komento. Subalit, ang ilang miyembro ng klase ay nakisali na rin. Isang lalaki ang nagsabing hindi siya naniniwalang kailangang sabihin ng tulisan ang mga salita. Paano kung hindi siya makapagsalita? Ngunit sa kasong ito kailangan niya pa ring isipin ang apat na bagay sa kaniyang isipan. Tila ito ang konsenso ng lahat. Sa kanilang isipan, ang pananampalataya lamang ay hindi sapat. Ang nagliligtas na pananampalataya ay magbubunga na makikita sa mga salita ng tulisan.
Paano kayo tutugon sa kasong ganito?
Masyado ba akong nakisawsaw? O hindi sapat ang aking pakikisawsaw dahil sa hindi pagturo kung paano ang buong pag-uusap ay labag sa Biblia? Siguro dapat sinabi kong ito ay isang napakahalagang paksa na dapat naming silipin ang Gawa 10 nang detalyado. Siguro talagang manok lang ako.
Lahat tayo ay kailangang sagutin ang ganitong mga uri ng tanong. Sana, lahat ng mambabasa ng blog na ito ay makikita kung gaano katerible ang interpretasyon ng guro ng tulisan sa krus.
Subalit, kahit sa mga nakikilalang hindi ito biblikal ay mayroong nagsasaloob na ito ay hindi malaking isyu. Ang presentasyong ito ng evangelio, bagama’t hindi pinakamainam, ay katanggap-tanggap na.
Hindi ako sang-ayon. Ito ay isang nakalilitong evangelio. Maaaring hindi natin alam kung paano tumugon sa bawat sitwasyon ngunit ang ganitong turo ay dapat makaapekto sa atin sa parehong epekto ng pagkamot ng mga kuko sa pisara. Ang tanging tunay na tanong ay: Paano natin pinakamaiigi, at may lakip na biyaya, pinakamalinaw na maipahahayag na ang mensahe ng walang hanggang buhay ay tunay na ibinigay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang?