Si David ay may magandang tanong matapos ng aking Youtube video kamakailan patungkol sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya at mga gawa:
Kung ang isang tao ay nanampalataya kay Cristo lamang para sa kaligtasan at kalauna’y nahulog patungong mga gawa, siya ay ligtas pa rin, pero hulog mula sa biyaya [Gal 5:4]. Ngunit sinabi ni Pablo na kung ang isang tao’y yumakap sa pananampalataya’t mga gawa para sa kaligtasan, “hayaan siyang sumpain” [Gal 1:8-9]. Paano ang isang tao ay ligtas ngunit kasabay niya’y sinumpa? Kailangan ko ng kalinawan dito. Salamat at pagpalain ka ng Diyos.
Ang kaniyang tanong ay sumasalamin sa malawakang pananaw sa Evangelikalismo ngayon na halos lahat ng negatibong konsekwensiyang pinangako ng Diyos sa kanilang paghihimagsik laban sa Kaniya ay patungkol sa walang hanggang kundenasyon. Tila iniisip ni David na ang pagkasumpa ng Diyos sa Gal 1:8-9 ay tumutukoy sa walang hanggang kundenasyon. Ngunit hindi ganito ang ibig sabihin nito.
Ang kautusang, “Hayaan siyang sumapin,” sa Gal 1:8-9 ay hindi nangangahulugang, “Hayaan siyang tumungo sa impiyerno,” bagama’t may isang saling sinalin ito bilang “Mapahamak siya.” (Philips) at ang isa naman ay sinalin itong, “Hayaan siyang makundena sa impiyerno” (NET).i
Ang Griyego ay nagsasabi lamang na ang sinumang- kabilang na si Pablo o ang isang nahulog na anghel- nangaral ng huwad na evangelio, ay dapat tratuhin ng mga mananampalataya bilang nasa ilalim ng sumpa ng Diyos (anathema). Hindi makukundena kailan pa man si Pablo at ang isang hulog na anghel. Ngunit maaari silang sumpain sa buhay na ito.
Ang punto ay ang mga iglesia sa Galatia ay hindi dapat making sa mga huwad na guro.ii Dapat nilang layuna ang mga ito gaya ng paglayo nila sa taong may nakamamatay na salot. Hindi nila dapat bigyan ang mga ito ng pera o ipanalangin ang mga pagpapala ng Diyos sa kanilang mga ministri.
Sa ikalawang kabanata ng Galatia, pinunto ni Pablo na dalawa sa mga apostol, si Pedro at Barnabas, ay “hindi tuwid sa katotohanan ng evangelio” nang sila ay lumayo sa mga Gentil sa isang Hapunan ng Panginoon (Gal 2:11-21). Sa esensiya, sa ikasyong iyan, sila Pedro at Barnabas ay parehong malapit nang sumpain ng Diyos. Siyempre, sila ay parehong nagsisi dahil sa pagtutuwid ni Pablo. Ngunit ang isyu ay hindi ang kanilang walang hanggang kapalaran. Ito ay ang kanilang kabutihan sa buhay na ito.
Ang Parabula ng Alibughang Anak (Lukas 15:11-32) ay nagsasabi sa ating ang taong naipanganak na muli ay maaaring makaranas ng temporal na kahatulan mula sa Diyos, na nagreresulta sa kaniyang pagkaranas ng taggutom at ang kawalan at kakulangan ng sapat na pang-araw-araw ng pagkain.
Ang Kawikaan, Awit, Sermon sa Kabundukan, at ang sulat ni Santiago, na ilan lamang sa mga aklat ng karunungan ng Kasulatan, ay nagtuturong ang kasamaan ang daan ng kamatayan at ang katuwiran ang daan ng buhay. Ang mga pagpapala ay dumarating sa mga namumuhay nang matuwid at ang mga sumpa sa mga hindi. Ito ay totoo rin sa mga mananampalataya. Hindi tayo ligtas sa temporal na kahatulan ng Diyos.
Nang maghimagsik si Aaron at Miriam laban kay Moises, si Miriam ay sinumpa ng ketong (Bil 12:1-15). Siya ay pinanganak nang muli sa ilalim ng sumpa ng Diyos.
Ang Diyos, sa kaniiyang biyaya, ay inalis ang ketong ni Miriam matapos ang isang lingo.
Isa pang mananampalataya, si Gehazi, isang lingkod ni Eliseo, ay sinumpa ng ketong habambuhay matapos siyang magsinungaling sa punong Sirio na si Naaman at tumanggap ng dalawang talento ng pilak at dalawang kasuotan (2 Hari 5:22-27).
Basahin ang Levitico 26 at Deuteronomio 27-28. Ang mga kabanatang ito ay nagdedetalye ng pinangakong pagpapalang nasyonal sa Israel sa pagsunod at mga nasyonal na sumpa sa pagsuway. Ito ay tinatawag na motif ng mga pagpapala at sumpa. Ang motif na ito ay makikita mula Genesis hanggang Pahayag.
Magandang tanong David.
________
i Ang Voice ay mababasang, “Sana [sila] ay sumpain magpakailan pa man.”
ii Ang utos, “Hayaan siyang sumpain,” ay isang utos sa mga mananampalataya sa Galatia (at kung ganuon, ay sa lahat ng mananampalataya). Sinasabi ni Pablo sa mga mananampalatayang humiwalay sa mga nagtuturo ng huwad na evangelio. Layuan Ninyo sila. Huwag makinig. Huwag suportahan. Tratuhin Ninyo sila na tila radioaktibo.