Bagama’t si Ismael ay hindi nakatatanggap ng kasindaming atensiyon sa Biblia kumpara sa kaniyang hating-kapatid na si Isaac, marami-rami ring banggit ang Biblia tungkol sa kaniya.
Ang pangalang Ismael ay masusumpungan nang apatnapung-walong beses sa LT, bagama’t ang mga reperensiya labas sa Genesis ay patungkol sa ibang tao at hindi sa anak ni Abraham kay Agar. Sa Genesis, si Ismael, ang anak ni Abraham, ay pinangalanan ng labimpitong beses. Ngunit madalas din siyang banggitin nang hindi pinapangalanan.i
May sinusulat akong komentaryo sa Genesis para sa aming komentaryo sa LT, na umaasa kaming malilimbag sa katapusan ng 2026. Narito ang ilan sa aking mga komento tungkol kay Ismael sa Genesis 21:
21:8-9. Hindi kailan man sa kabanatang ito nabanggit ang pangalan ng anak ni Agar. Ngunit ang pangalan ng anak ni Sara ay nabanggit. Na hindi espisipikong binanggit ni Moises ang pangalan ng anak ni Agar ay maraming sinasabi sa atin.
Ang anak ni Agar ay labintatlong taon nang ipanganak si Isaac. Siya ay nasa edad labing-anim nang ihiwalay si Isaac.
Marahil dala ng pagseselos sa lahat ng atensiyong ibinibigay sa kaniyang hating-kapatid, ang anak ni Agar ay kinutya ang selebrasyon sa paghihiwalay kay Isaac.
Ang anak ni Agar ay dapat sanang magsiya, hindi mangutya. Si Isaac, ay ang pinangakong anak. Ngunit ito ay nangangahulugang ang anak ni Agar ay hindi makatatanggap ng karapatan ng panganay. Hindi niya matatanggap ang dalawang bahagi ng mana ni Abraham. Sa katunayan, wala siyang matatanggap na kahit anong mana.
Samantalang ang anak ni Agar ay marapat sanang magkaroon ng mas ganap at espirituwal na reaksiyon, nauunawan natin ang kaniyang pagseselos at galit.
Ang salitang sinaling kinutya sa v9 ay ang salita sa halakhak sa v6. Ang mga salita ay tsaheq (halakhak) at metsaheq (kinutya). Pinaglalaruan ni Moises ang mga salita. Ang paghalakhak ay ang tugon ng pananampalataya. Ito ay isang tugon espirituwal. Ang pagkutya (o paghalakhak na may pangungutya) ay isang tugon ng kawalang pananampalataya. Ito ay isang tugong makalaman.
Hindi nito minumungkahing ang anak ni Agar ay hindi ligtas. Maaaring siya at si Agar ay parehong mga mananampalataya (tingnan ang vv 17-18). Tiyak na ibabahagi ni Abraham sa kaniyang buong sambahayan ang evangelio. Ngunit ang anak ni Agar ay hindi kumikilos sa pananampalataya sa kaniyang pagkutya kay Isaac.
21:10-14. Nakita ni Sara sa anak ni Agar ang isang banta sa buhay at mana ni Isaac. Maaari nga bang patayin ng anak ni Agar si Isaac? Pinatay ni Cain si Abel sa mas mahinang dahilan kaysa rito.
Pinili ng DIyos si Isaac, hindi ang anak ni Agar. Samakatuwid hiningi ni Sara na iwaksi ang anak ni Agar.
Nakikita ni Pablo sa insidenteng ito ang isang alegoriyang may dibinong intensiyon (Gal 4:21-31). Ang anak ni Agar ay anak ng isang aliping babae. Si Isaac ay anak ng pangako at siya ay anak ng isang malayang babae.
Ang anak ni Agar ay kumakatawan sa pagkaaliping nararanasan sa Jerusalem nang sumulat si Pablo, at ito ay nararanasan ng kahit sinong Cristianong nililigaw ng mga Judaiser sa legalismo. Si Isaac ay kumakatawan sa kalayaan ng mga mananampalataya sa panahon ng iglesia na nararanasan sa pamamagitan ng pamumuhay sa pananampalataya.
Ang laman at ang Espiritu ang nakikita ni Pablo sa kwentong ito mula sa Genesis 21. Ang laman at Espiritu ay hindi magkatugma. Kailangan nating iwaksi ang laman- ang legalismo- upang matamo ang mana ng paghaharing kasama ni Cristo (Gal 6:7-9).
Ang biyaya ay nagtatagumpay sa legalismo.
Ang mga mananampalataya ay hindi dapat bumalik sa legalismo bilang paraan ng sanktipikasyon o sa pagpapanatili ng pag-aaring matuwid (cf Gal 5:4). Ang legalismo ay lumilikha ng pagkatali, hindi ng mga gawang nakalulugod sa Diyos na magreresulta sa isang mana ng punong karanasan ng buhay na walang hanggan.
21:15-16. Walang masyadong binigay na impormasyon. Ngunit gaya ng isang kwento sa palabas na I Survived, ang ina at ang kaniyang binatilyong anak ay nasa bingit ng kamatayan. Sila ay walang tubig sa ilang. Tinaas ni Agar ang kaniyang tinig at umiyak. Ito marahil ay isang panalangin sa Diyos.
21:17-19. Bagamat hindi pa binalita ni Moises na umiyak ang batang lalaki, binalita niyang narinig ng Diyos ang hikbi ng bata. Ang anak ni Agar ay nananalangin na rin. Binuksan ng Diyos ang kaniyang mga mata at nakita niya ang isang balon ng tubig.
Ito ay nagpapaalala sa atin ng Gawa 16:14, kung saan nababasa nating binuksan ng Diyos ang puso ni Lydia upang kaniyang maunawaan at sampalatayahan ang sinabi ni Pablo tungkol sa nabubuhay na tubig.
Ito ay nagpapaalala rin sa atin ng pakikipag-usap ni Jesus sa isang babae sa balon sa Juan 4.
21:20-21. Sinadya ni Moises na huwag bigyan ng masyadong atensiyon ang anak ni Agar. Siya man ay pagpapalain, ngunit hindi siya ang tagapagmana.
Ang anak ni Agar ay lumaki, at naging isang mamamana, at binigyan ng asawang Egipcia ng kaniyang ina, na isa rin Egipcia.
Si Ismael ay halos matitiyak nating isang mananampalataya. Lumaki siya sa sambahayan ni Abraham. Nakita niya ang Panginoong Jesus na nakikipag-usap sa kaniyang ina. Ang kaniyang mga panalangin ay dininig at siya at ang kaniyang ina ay pisikal na niligtas mula sa kamatayan sa ilang.
Posibleng isa pa nga siyang mananagumpay na mananampalataya.
Ang katotohanang siya ay pinalayas ni Abraham ay nagpapakitang siya ay isang banta. Ito ay maaaring nagmumungkahing hindi siya nagpatuloy. Kailangan natin nang higit na impormasyon. Hindi sa atin sinabi ni Moises kung ano ang kinahinatnan ng kaniyang buhay.
Pinansin ng Gotquestions.org: “Nang mamatay si Abraham, dumalo si Ismael sa kaniyang libing (Genesis 25:9), na nagpapatunay na mayroong okasyunal at at sibil na komunikasyon sa pagitan niya at sambahayan ng kaniyang ama” (tingnan dito).
Si Marcia Hornok ay may sinulat na isang artikulong inaasahan naming malilimbag sa Setyembre-Oktubreng isyu ng Grace in Focus magasin. Sinulat ko ang blog na ito dahil pinaalala niya sa akin ang napakahalagang isyung ito.