“Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito’y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito’y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw. Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo’y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo’y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw. Sapagkat kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.”
Ang mga tanga, kalawang at magnanakaw ay hindi na bagong alalahanin para sa akin. Ang implasyon, isang tahimik na magnanakaw, ay laganap nang termino ni Pangulong Carter, at mula noon ako ay aligaga kung paano maging maingat na katiwalang pinansiyal.
Mula noon, ako ay naging tinatawag nilang isang gold bug. Ako ay ang taong nag-aalala sa anumang pananalapi na hindi sinusuportahan ng anumang bagay.
Kaya, si Sharon at ako ay bumili ng aktuwal, pisikal na mga isang onseng gintong barya sa paglipas ng taon.
Ngunit saan ninyo itatago ang ma baryang ito? Sa kasalukuyang halaga, ang isang baryang kasinlaki ng isang pilak na dolyar ay may halagang $ 1,700.00.
Nang ako ay bata pa, tinulungan ako ng aking amang mangolekta ng libo-libong dimes, quarters, half dollars at silver dollars. Nilagay ko sila sa mga tapayang nakatago sa damitan ng aking kwarto. Lahat ng mga ito ay mga baryang may petsang 1964 o mas maaga, na nangangahulugang sila ay 90 porsiyentong pilak. Isang araw kami ay nanakawan, at lahat ng mga barya ay nawala.
Ito ang problema sa mga magnanakaw na binabalaan ng Panginoon tungkol sa kayamanan sa lupa. Ano kung ganuon ang inyong gagawin? Anumang gawin mo ay isang kaabalahan. Ang ilan ay tinatago ang kanilang mga ginto sa mga vault sa ibang bansa. Ito ay nagkakahalaga ng malaki at abala ang ibenta sila. Ang ilan ay tinatago ang kanilang mga tapayan sa ilalim ng lupa. Kung ganuon manalangin kang huwag makalimot o may ilang manggagawang mahukay ang tapayan.
Paano ang mga buwis? Hindi ba’t ito ay kumakain sa iyong pananalapi? Matapos ay mayroong mataas na buwis sa pagmamana para sa iyong mga tagapagmana!
Paano ang aktuwal na pagkabulok? Taon taon kami ni Sharon ay gumagastos ng libo libo sa pagpapaayos ng bahay- AC, pagpapainit, tubo ng tubig, bintana, problema sa pundasyon, mga anay, mga appliances, atbp. Ngayon mismo ang aming terasa ay nangangailangan ng libo-libo sa pagpapaayos. Ang aming pampainit ay nangangailangang ayusin. Bukas ang tubero ay darating upang ayusin ang problems sa presyon sa linya ng aming tubig. At paano pa ang pagpapaayos ng sasakyan- gulong, preno, alternators, transmission, suspension, atbp?
Hindi ko maisip kung gaano nakakainit ang magmaneho ng milyong dolyar. Alam ko. Ang ibang tao ay iisiping, “Ito ay isang magandang problemang magkaroon.” Marahil. Ngunit ang mga pag-aaral ay nagpapakitang kapag ang tao ay nagkaroon ng biglaang malalaking pera, ito ay nagbibigay sa kanila ng maraming problema, at madalas biglaan din nila itong naiwawala. Marami sa atin ang hindi na kailangan pag-isipan kung paano iinvest ang kayamanan. Hindi mahirap na ubusin lahat ito.
Mas matanda na ako ngayon. Buong katapatan kong masasabing ayaw kong magbayad ng retirement funds. Ngunit ginagawa ko ito dahil alam kong nais ng Diyos na tayo ay maging mabuting katiwala ng mga pinagkatiwala Niya sa atin. At alam kong kami ni Sharon ay malamang na mangangailangan ng pera para sa maraming bagay, kabilang na ang mga pangangailangang medikal, at pamumuhay nang may tulong, kung kami ay mabuhay nanag mahaba at ang Panginoon ay magtagal.
Alam nating ang sinabi ni Jesus ay totoo. Kaya alam nating ang pagtitipon ng kayamanan sa lupa ay hindi karunungan. Ngunit isang bagay na malaman ito sa intelektuwal na aspeto, at ibang bagay na malaman ito sa iyong karanasan. Alam ko sa aking karanasan sa buhay na ito na ang mga pag-aari at pananalapi ay isang kaabalahan. Alam mo ba sa iyong karanasan na ang pagtitipon ng kayamanan sa lupa ay isang hindi mabuting ideya?
Dahil sa ang sinabi ni Jesus ay totoo, alam nating ang marunong na plano ay ang magtipon ng kayamanan sa langit. Namumuhay ka ba ng iyong buhay upang iangat ang walang hanggang IRAs mo at ng iyong asawa?
Matatamasa natin nang husto ang buhay na ito ngayon nang hindi kinakailangang maging mayaman. (Siyempre, kung ikukumpara sa pamantayan ng pamumuhay sa umuunlad na mga bansa, tayo ay mayaman.) Ang katotohanan ay mas madaling tamasahin ang buhay kung ikaw ay may iilang gamit. Ang krusyal na tanong ay kung nasaan ang iyong puso.
Ang iyong puso ba ay nakatuon sa kayamanan sa lupa o sa kayamanan sa langit?