Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Nakabihis

Nakabihis

December 3, 2024 by Ken Yates in Ang Tinig ng Biyaya

Sa military, mayroon kaming iba’t ibang uniporme para sa iba’t ibang okasyon. Para sa mga pormal na pagtitipon, nagsusuot kami ng “dress blues,” ang katumbas sa military ng tuxedo. Ang iba naming uniporme, gaya ng sinusuot naming araw-araw ay hindi akma para sa mga pagtitipong ito.

Kung suot mo ang iyong dress blues, nangangahulugan itong dadalo ka sa isang pagtitipong mayroong panauhing pandangal. Maaaring ito ay kumander ng isang yunit, o ang nakatataas pa sa kaniya. Depende sa sitwasyon, maaaring maupo ka sa kaparehong lamesa ng mga VIP (very important persons) na ito. Sa aking sariling karera, nagsuot ako ng dress blues sa mga pagtitipong may bisitang kongresman, senador o heneral.

Nauunawaan ng mga sibilyan ang aking sinasabi. Marami ang naimbitahan sa isang espesyal na hapunan na may importanteng tao. Isinusuot mo ang pinakamagara mong damit kapag pumupunta ka sa mga lugar na gaya nito.

Sa Roma 13:12, sinabi ni Pablo na may isang napakahalagang pagtitipong mangyayari. Isang VIP ang naroon. Siya ang magiging Panauhing Pandangal. Walang mas hahalaga pa kaysa Personang ito.

Sinabi ni Pablong kailangang nakabihis tayo para sa pagtitipong ito. Hindi niya ginamit ang terminong “dress blues,” ngunit sinabi niyang may mga uri ng damit na kailangan nating hubarin at may uri ng damit na kailangan nating isuot. Ang ibang uniporme ay hindi aakma. Tanging may isang uri ng kasuotan ang babagay.

Ganito ang pagkasabi ni Pablo: “…iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan.” Ang pandiwang iwaksi ay ginamit upang ilarawan ang paghuhubad. Ang pandiwang isakbat ay ginamit upang ilarawan ang pagbibihis. Sinasabi ni Pablo na habang nag-aabang tayo sa espesyal na pagtitipong ito, kailangan nating hubarin ang ilang kasuotan at isuot ang ating pinakamahusay na uniporme.

Ano ang araw na iyon? Sino ang Panauhin? At ano ang mga kasuotan?

Ginamit ni Pablo ang araw na pantukoy sa araw ng kaligtasan (13:11). Ito ang araw ng pagbabalik ni Cristo. Sa araw na iyan, ang ating mga katawan ng laman ay wala na. Hindi na tayo magkakasala o makararanas ng poot na dala ng kasalanan sa ating mga buhay.

Ang Panauhing Pandangal ay ang Panginoon mismo. Itatatag Niya ang Kaniyang kaharian at uupo sa Kaniyang luklukan. Sa BT, ang pagdating ng Kaniyang kaharian ay madalas ikumpara sa isang piging (hal Mat 8:11; Heb 1:9).

Ano ang mga kasuotang dapat nating isuot para sa araw na iyan? Sa tingin ko nilarawan ni Pablo ang uniporme sa iba’t ibang paraan sa pasaheng ito. Sa v8, sinabi niyang dapat magmahalan sa bawat isa ang mga mambabasa. Ang buhay na gaya nito ang tumutupad sa kalooban ng Diyos para sa Kaniyang mga anak (v10).

Ilang sitas matapos, sinabi niya sa mga mambabasa na “isakbat” (o isuot na gaya ng damit) ang Panginoong Jesucristo (v14). Ang larawan ay madaling maunawaan. Dapat hilingin ng mga mananampalatayang mamuhay ang Panginoon sa kanilang mga buhay upang Kaniyang matupad ang Kaniyang mga gawa sa kanila. Ang buhay na ito ay mailalarawan ng pag-ibig sa isa’t isa ng mga mananampalataya. Marapat lamang. Inibig Niya tayo.

Kapag inibig natin ang iba, isinusuot natin si Cristo. Ito ay tila pagsusuot ng dress blues. Walang ibang uri ng pamumuhay, o “damit” ang makalulugod sa Kaniya sa Kaniyang pagbabalik. Hindi akmang humarap sa Kaniya sa ibang paraan.

Ang aming uniporme sa pang-araw-araw ay tinatawag naming BDUs. Ang mga ito ay damit camouflage. Hindi namin pinaplantsa ang mga ito. Madalas itong namamantsahan ng dumi o ng pagkain. Kung may mahalagang pagtitipon, hindi kami kailan man dadalo na nakasuot ng BDU.

Tayo ay naghihintay na humarap sa Hari. Nasain nawa nating nakasuot ng maayos kapag Siya ay dumating. Kung mahal natin ang bawat isa, siguradong oo.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
Ken_Y

by Ken Yates

Ken Yates (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Editor of the Journal of the Grace Evangelical Society and GES’s East Coast and International speaker. His latest book is Mark: Lessons in Discipleship.

Recently Added

December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...
December 4, 2025

What Is Annihilationism and What Is Universalism?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling will continue the topic of Eschatology. More specifically, this episode focuses on...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram